Pang-limang Kabanata

7 1 0
                                    

Ayoko Nang Ganun

September 5 pala ngayon. Bukas na ang birthday ni Candice. Ano bang surprise ang gagawin ko?

Noon pa man, nakasanayan ko nang maghanda o gumawa ng mga memorabilia sa kaibigan ko. Hindi ako masyadong bumibili ng mga damit o teddy bear bilabg pang-regalo. Madalas, ako talaga ang nag-effort. Nagtitiyaga ako sa pagdikit at gupit ng kung ano-ano.

Dahil espesyal siya saakin, mag-effort ako sakanya. Hinanda ko na ang illustration board, glue, markers, oil pastels, gunting, construction papers at mga pinaprint ko na mga pictures at clip-arts.

Balak kong gumawa ng Board of Friendship. Gagawa ako ng tula, hahanap ako ng bible verses at iba pang pakulo. Ididikit kong sabay-sabay iyon sa illustration board.

Sana magustuhan niya.

Mga tatlong oras ang lumipas bago ko natapos iyon. Tadaaa! Natapos ko na rin. Binalot ko iyon ng gift wrapper at nilagyan ng card. Sinulatan ko ang card ng:

To: Candice

Happy Birthday sayo! Love you always. ♡

From: Bea

Maaga akong pumunta sa paaralan para mailagay ko sa chair niya yung regalo ko.

Ako pa lang ang mag-isa sa room. Napakatahimik.

Bigla akong napatalon ng may bagay na gumapang sa paa ko.

"Wahhhhh!!!!"

Ay, pusa lang pala. Pag ganitong oras, ang daming pusa. Siguro naghahanap sila makain. Siguro, hindi maayos ang kanilang tulog kagabi dahil wala silang nahuling daga o isda.

Kinabahan ako bigla nang may naririnig akong yapak ng mga paa papalapit sa room namin.

Lumabas ako para makita iyon.

"Happy Birthday Candice!!" Binati ko siya agad at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Salamat Bea. Ang aga mo ah?" Tanong niya habang nakangiti pa rin.

"Ah. Wala lang. Napaaga lang ako ng gising."

Pero ang totoo, halos di na ako makatulog kagabi dahil sa excited ako sa kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita niyang binigyan ko siya ng regalo.

Pero parang may kakaiba. Malungkot ang aura niya. Di ko alam bakit. Ewan ko bakit siya malungkot na dapat masaya siya ngayon dahil kaarawan niya.


"Buti ka pa, naalala mo ako." Sabi niya sa mahinang boses.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?." Sagot ko. Nakakunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Eh kase, di niya ako binati man lang. Di niya ako naalala. Di niya alam na birthday ko." Halos mangiyak-ngiyak siya na kinakausap ako.

"Teka, ipaliwanag mo nga saakin.." Diniinan ko ang pagkatanong ko.

Di niya ako sinagot at sa halip ay humagulgol na lang ito.

Tch, pinakaayaw ko sa lahat ang makitang umiiyak ang mga tao na mahalaga sa buhay ko.

"Tahan na" at tinapik ko sa likod si Candice.

Di niya napansin yung regalo ko na nasa upuan niya. Kinuha ko lang ito at inabot sakanya.

"Cand, para sayo. Kahit di ka man niya naaalala sa birthday mo, ako hindi kita makakalimutan. Syempre, bestfriend kita e!" Pangiti kong sabi sakanya.

Nagulat siya. Nag-iba ang kaniyang reaksyon. Parang nagliwanag ang buong paligid. Napalitan ng ngiti ang kanyang labi. Nakakagaan ng loob kung tutuusin dahil sobra niya itong naappreciate.

"Salamat talaga!! Super thank you!" At niyakap niya ako ng mahigpit.

"Walang anuman ikaw pa?" At niyakap ko din siya pabalik.

"Hayaan mo, akong bahala sa boyfriend mo. Papatunayan ko sakanya na di ka dapat pinapaiyak." Sabi ko sakanya.

"Huh? Di mo yun dapat gawin."

Di na kinaya ng konsensiya ko ang makita siyang nakangiti pero malungkot. Ayoko ng ganun.

Paano Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon