Unexpected
Nagising ako sa kawalan. Nagising ako dahil sa pambubulabog ng kapatid ko.
"Ate?" Sambit niya saakin sa mahina na boses.
"Oh ano? Bakit?" Agad kong sagot. Nakita kong namamaga ang mata niya. Halatang umiyak siya.
"Ate. Si Lola, wala na" at agad itong naiyak.
"Huh? Bakit?" Tinignan ko siya ng maigi. Di siya nagbibiro. Seryoso ang pinapahiwatig ng kaniyang mata. Di ko na napigilan, humagulgol na ako. Niyakap ko ang kapatid ko ng mahigpit.
Pumasok din si Mama sa kwarto. Nakita niya kaming umiiyak dahilan para umiyak din ito. Nagyakapan kameng tatlo.
"Mamayang gabi, babyahe tayo papunta sa siyudad. Mag-empake na kayo." Mahinahong bilin saamin ni Mama.
"Sige po Ma." Sabay naming sagot ng kapatid ko.
Di ko inakala ang lahat. Akala ko okay na si Lola. Akala ko wala na siyang sakit dahil naging matagumpay naman ang operasyon niya, pero ilang buwan lang ang nakalipas ay sumunod na rin siya kay Lolo.
Bakit ganun? Tinatanong ko ang Diyos. Inisip ko kung ano ba ang mali ko. Saan ba ako nagkulang? Bakit isa nanamang taong mahalaga sa buhay ko ang nawala? Taong iniwan ako. Di ko namalayang lumuluha na pala ako.
Malapit ako sa Lola Mercella ko, tinatawag ko siyang Lola Mercy. Bata pa lamang kase ako, dun na ako tumira sakanya. Siya ang nag-alaga saakin. Dahil nagtatrabaho si Mama sa isang pharmacy na 24 hours open, at minsan night shift siya at wala pa si JayR sa mga panahong iyon.
Si Lola ang nag-aalaga saakin. Siya ang nag-aayos ng buhok ko, nagpapaligo saakin, nagtitiyaga sa pagiging maldita ko, at paghahatid sundo sa paaralan simula kinder pa ako hanggang Grade 6.
Kung tutuusin, parang nanay ko na rin siya. At ngayong wala na siya, labis na pagdaramdam at hinanakit ang bumabalot saaking puso.
Madaling araw ang byahe namin. Nang marating namin ang bus terminal ay agad kameng nakasakay ng bus patungong siyudad.
Nalulungkot ako. Naghihinagpis. Nagdaramdam. Nagluluksa. Naiiyak. Lahat na, pakiramdam ko'y parang binagsakan ako ng isang daang sako ng semento. Sobrang sakit lang ng nararamdaman ko.
Mga tatlong oras lang ang naging byahe namin. Pag dating namin sa chapel ay agad kameng sinalubong ng aming mga tiyo, tiya, pinsan at iba pang kamag-anak.
Katulad ko, malungkot rin sila. Agad kong nilapit ang mga matatanda naming kamag-anak at nagmano kami ni JayR. Nagyakapan sina Mama at ng mga kapatid niya. Ramdam ko ang bigat ng nararamdaman nila.
Hindi sila halos nagsasalita, pero mapapansin mo na sa kanilang bawat kilos ay naroon ang sakit at bigat na dala-dala nila.
Sa sumunod na araw ay nagdatingan ang iba pang kaibigan ng Lola ko, mga taong malapit sa puso niya, at mga taong natulungan niya.
Habang nakatulala ako ay may biglang nagsalita sa likod ko. Isang malaking tao.
"Bea? Ikaw ba yan?"
Lumingon ako. Nagulat ako na siya ang nakita ko. Oo, si Troy. Siya ang nakita ko.
"Condolence pala. Kumusta ka na?" Sambit nito.
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Teen FictionBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...