The New Beginning
I have learned a lot of things. Dahil sa mga nararanasan ko, natuto akong mas maging malakas pa at magpakatatag.
People may fail you. Hindi mo nga malaman na kahit kaibigan mo, kaya kang saktan at kaya kang ipagpalit sa iba alang-alang lang sa taong mahal nila.
In this world, you have two people na pwede mong pagkatiwalaan, the first one is God and second ay ang sarili mo.
Tumunog na ang bell at nakita kong papasok na ang Prof. namin.
"Good Morning Sir" binati namin siya. May kasama itong babae na parang mga nasa 18 years old na. Matangkad ito, maputi, may braces at chinita. Iba siya, she's pretty and cute at the same time.
"Good Morning Class. I want to introduce to you Athena Renee Ignacio. She's a transferee from San Filemon College." Pagpapakilala ni Sir saamin.
She's like a goddess bagay nga talaga sakanya ang pangalan niya. Tanaw na tanaw ko ang mga mata niya lalo na't nasa harap ako nakaupo. Tinitigan ko ito.
"Ang ganda niya naman Prof! Athena pahingi naman ng cellphone number mo!" Sigaw ni Ivan na nasa likod ko.
Nginitian niya na lang ito. Di ko napansin na may bakanteng upuan pala sa tabi ko, laking gulat ko na dun siya umupo.
"Hi Athena, I'm Beatrice Kayzie Cruzvella" nginitian ko siya.
Gumanti naman ito ng ngiti. "Friends?"
"Yes, friends" Sagot ko.
Di ko namalayan na ang bilis ng takbo ng oras. Agad kameng nag lunch-break.
Umalis na ang Prof namin kaya dinumog na si Athena ng mga lalake kong kaklase. Hinihingi ng lahat yung cellphone number niya.
Napakafriendly nito dahilan ito para maging magaan ang loob ko sakanya.
"Athena, sabay na lang tayong kumain?" Tanong ko.
"Maya ka na jan Bey!" Sabi ni Ranzell na nasa tabi ko.
"Tara na Bey. Kain na tayo!" Tumayo si Athena at hinawakan niya ang kamay ko saka sabay kaming umalis palabas.
Habang naglalakad kame sa hallway, pinagtitinginan siya ng mga lalake. Sino ba namang di ma-aamaze sa ganda nito?
Nahiya tuloy akong sumama sakanya. Pero di naman kame nagkakalayo. Lamang lang siya saakin ng mga tatlong ligo. Charot.
"Bakit ka pala nagtransfer?" Tanong ko para maputol ang nakakabinging katahimikan.
"Wala lang. I just want to meet new friends. I'm glad na ikaw ang nangunguna sa listahan" sabi nito sabay ngiti
"Hehe. Wala yun, wala naman din akong kaibigan dito" sabi ko.
"Are you sure?" Tanong niya.
"Yes. May boyfriend ka na?" Tanong ko.
"Ah, wala. Bago lang kameng naghiwalay and that's the reason bakit ako lumipat dito. To forget him and yung mga memories namin. Pinagpalit niya kase ako" sagot nito.
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Novela JuvenilBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...