I Don't Know How To Forget
"Di kita iiwanan. Mahal kita, alam mo yan diba? Alam kong mahal mo din ako Kayze."
Dahil sa nangyari at pag-amin ni Rence saakin, unti-unti ko namang naaalala si Troy. Ang mga pangako niya. Pangakong napako. Na ibinaon sa lupa. Sana pwedeng ibaon na din siya.
Pitong buwan na ang nakalipas. Masaya pa noon. Masaya pa nung una. Masaya pa kameng dalawa.
Una kameng nagkakilala sa isang competition. Di niya pa ako kilala pero kanina habang papunta ako sa hall na pagdadausan ng contest, ay naaninag ko na siya. Naghihintay sa ibang kasama niya sa labas. Hawak niya yung cellphone niya at nakakunot ang noo niya habang nagtatype.Di ko na lang siya pinansin pero nagulat ako nang nakita kong magkasama pala kame sa competition. At magkatunggali pa.
Nagsimula na ang contest proper. Naging mainit ang labanan dahil isa itong Science Quiz Bee Competition.
Matalino pala siya. Siya ang leading ngayon, pumapangalawa lang ako.
Di nagtagal ay natapos na ang contest namin at yung lalakeng nangunguna kanina ang talagang nagwagi. At ganun nga, second lang ako.
"Good job. Congrats ah." Bati niya sakin.
"Thank you. Sayo din." Sagot ko agad.
"Pwede bang kumain tayo sa labas? Tutal nanalo naman tayong dalawa. Okay lang ba?" Tanong niya.
"Ahy, ah. Tignan ko lang ah? Andun kase teacher ko. Hinihintay ako." Sagot ko.
Nag usap-usap pa ang mga teachers na nandon. Pinapakinggan ko lang sila.
"Kahit anong science contest talaga, iyang si Troy Villagracia ang nanalo. Talagang matalino ang batang yan!" Sabi ng isang gurong short hair.
"Oo nga. Likas na matalino talaga. Tapos gwapo pa." Sagot ni Teacher De Guzman na kasama ko.
Ay gwapo pala? Napaisip ako bigla. Tinignan ko siya ulit. Biglang nagtama ang paningin namin at kinindatan niya ako.
Parang di ako makahinga. Kaya umiwas ako ng tingin. Tch, lalo na't attractive talaga ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang morenong kulay ay mas lalong dahilan upang mas mabighani ako sakanya. Sakto lang ang pangangatawan niya at matangkad naman. Mas matangkad pa siya saakin.
"Bea, alis na tayo. Magpaalam kana sa kaibigan mong nanalo oh, kanina ka pa tinatawag" sabi ni Teacher De Guzman.
Nilapitan ko siya. Bigla akong kinabahan, ang enerhiya ko ay parang nanghina. Di ako makagalaw ng maayos.
"Uy, okay ka lang?" Sabay hawak niya sa braso ko at sinabayan ng ngiti.
Tinignan niya ako mata sa mata. Para akong natutunaw kahit na malamig naman dito sa hall. Dun ko pa naappreciate na gwapo talaga siya. Hay...
"Ah. Kase. Uhm, oo. Ayos lang ako. Bye na ha? Uwi na kame eh. Congrats ulit Troy!" Paalam ko sakanya.
"Sige. Congrats din. Sayang naman. Sge next time na lang tayong kakain sa labas." Aniya.
Huh? Next time? Parang malalaglag ang panga ko. Andun na naman yung kuryenteng dumadaloy sa ugat ko. Di ko namalayan na nakatulala pala ako sa kawalan.
"Tara na. Alis na tayo." Sabi ni Teacher.
Pagdating ko sa bahay, di ako makatulog. Di ako makahinga. Naaalala ko siya. Ang kaniyang mga mata. Ang kaniyang mga ngiti. At ang kilig na nararamdaman ko na nananalaytay sa buong katawan ko.
Niyugyog ko ang ulo ko. "Hoy Bea, umayos ka! Bata ka pa. May dapat kang prayoridad sa buhay." Kinausap ko ang sarili ko.
Nang bigla tumunog ang phone ko. Bigla akong kinabahan nang makita kong number lang ang lumabas sa cellphone ko.
One message received.
Sino naman to?
from: 09*********
"Bea, kumusta ka na? Btw, ke Rence ko nakuha ang number mo. Kumusta ka na? Kumain kana ba? Congrats pala! :*"
Sino naman kaya to? Bigla akong kinabahan.
Di pa ako nakatype ay nakita kong may notification ulit. Nagtext na naman yung number na nagtext kanina na di ko nareplyan agad.
"Reply ka naman. Si Troy to. Yung kanina. Remember me?"
Parang lalabas na mata ko. Unbelievable. Wahhhhhh, kyahhhh bat si Troy? Bat niya ako tinext? Teka. Uhhhh nanghihina na naman ang katawan ko. Bigla kong naramdaman na namumula ako. Kaya binilisan ko ang pagtype..
"Hello. Sorry late reply. Congrats din pala. Oo naaalala kita. Syempre."
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang umabot sa oras. Di na niya ako nireplyan. Andun na yun eh! Sayang. Sayang. Pabebe ko pa kase, yan tuloy!
Kinaumagahan, dali-dali kong tinignan ang phone ko. 3 missed calls. 19 text messages.
Lahat galing ke Troy?! Yung totoo?!
Umagang-umaga eh kinikilig ako. Ano ba yan.
Binasa ko lahat ng messages niya. May mga gm's niya na sunod-sunod kaya napaisip ako na baka sakin lang to sinend? Aba! Meron namang mga "Good morning, kain kana. Sorry nakatulog ako"
Di ko namalayan na nakangiti pala ako habang binabasa ang mga texts niya.
Napaisip ako na parang ang lakas ng impact niya saakin. Sa texts palang napapangiti na ako, ano na lang siguro kung harap harapan ko siyang kausap?
Mahihimatay na siguro ako. Hish Troy. Troy. Bat to? Why? Don't me!
Kaya, di ko na lang siya nireplyan. Baka san pa humantong to.
-----------------------
Thank you for reading my story. This is my first story. Ang ilang details dito ay halaw sa totoong buhay na naging karanasan na rin. Just leave your comments and suggestions. Thank you! I will update my story everyday. God bless you readers :) Love,
BINABASA MO ANG
Paano Na Kaya?
Novela JuvenilBeatrice Kayzie Cruzvella. She's a failure. Yun ang tumatak sa isip niya. Di niya kayang mahalin ang sarili. Dahil lagi na lang siyang bigo at sawi. Paano na kaya haharapin ng isang Beatrice Cruzvella bawat pagsubok na bubuo ng kanyang pagkatao? Han...