Pang-anim na Kabanata

7 0 0
                                    

It's Always You

It's a sunny day. Isang panibagong araw na naman para pumasok sa eskwela.

"Napa-aga yata ang gising mo Ate?" Tanong ng aking kapatid na si JayR.

"Oo, may pasok tayo diba? Bat di ka pa nakabihis?" Tanong ko.

Tumawa ito ng malakas. Kaya napikon na ako at tinitigan ko siya ng masama dahilan para tumigil na siya sa pagtawa.

"Ate ano ka ba? Sabado ngayon! Yan kasi, lagi kang wala sa sarili" Sambit pa nito.

Dahil sa nainis ako sa pagtawa niya, umakyat na lang ulit ako sa kwarto. Eto naman ang lagi kong ginagawa kapag boring sa bahay.. ang mahiga sa kama.

Kaya ako talaga pag nabobore ako. Dun kase ang time na naiisip ko na naman lahat. Yung mga tuwa na nararamdaman ko at iyong mga sakit na naaalala ko.

Sa unang buwan ng pagkakaibigan namin ni Troy, napaka-sweet niya talaga. Di kame madalas magkita noong nasa highschool pa kame dahil magkaiba kame ng paaralan.

Pag nakakachamba akong pinapasali sa mga contests o seminars, dun kame madalas magkita.

Minsan, chat, texts at call lang talaga ang paraan ng komunikasyon namin. Lagi kase siyang busy dahil isa siyang honor student at madami siyang extra curriculars na sinasalihan.

Hanggang sa isang araw, nagyaya siyang mag-usap kame sa park. Alas tres pa ng hapon ang usapan namin pero ala una pa lang, nagbihis na ako. Bandang alas dos ay papunta na ako. Ganun ako kaexcited na makita siya, na makita siya ulit.

"Kanina ka pa ba?" Bigla akong nagulat nang biglang may kung sinong kumausap sa likod ko. Hula ko'y si Troy to, alangan namang mga batang kalye diba?

Nang lumingon ako, di ako nagkamali. Siya nga. Binigyan ko siya ng matamis na ngiti.

"Kanina ka pa ba?" Tanong niya.

"Di naman, bago lang ako. Mga 5 minutes ago." Pagsisingungaling ko.

Ang totoo'y 30 minutes ago na akong nandito. Ayoko siyang paghintayin. Gusto ko sulitin ang mga araw na magkasama kameng dalawa.

"Oh, san tayo? Gutom ka ba? Kain muna tayo?" Tanong niya.

"Ikaw ang bahala. Sasama lang naman ako. Tsaka busog pa ako" Sinagot ko siya.

Pero sa loob-looban ko, nagrarambol na lahat ng mga alaga kong anaconda at bulate sa tiyan. Alas onse pa kase ng umaga ako kumain at ngayon ay pasado alas kwatro na. Ayoko rin maunang kumain.

Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo.

"Tara dun tayo sa may Shawarma at Pizza House!" Yaya nito.

"Sure." Tipid kong sagot, hawak niya pa rin yung kamay ko. Dun pa talaga ah? Baka alam niyang paborito ko ang mga pagkaing iyon? Hmm. O baka paborito niya din, pero sana hinde. Dahil naniniwala akong opposite attracts. Naks.

Umorder na kame. Iaabot ko na sana ang bayad ko nang pinigilan niya ako dahil siya na daw ang bahala. Ngumiti na lang ako.

Kumain kame ng kumain. Nabusog ako kahit di madami ang kinain ko. Siguro nabusog ako sa kagwapuhan niya. Wahh.

Naka v-neck shirt kase siya na kulay gray at naka black pants. Ang gwapo niya talaga. Halatang pinaghandaan niya ang araw na 'to dahil sobrang bango niya at ayos na ayos ang buhok. Aba!

Paano Na Kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon