Prologue

12 0 0
                                    


Sa bawat tibok ng puso ko

Isang tao lang ang laman nito

At

Ikaw yun

-Paige









April 11.


Umihip ang malamig na hangin. Palubog na ang araw. May mga ibon ring lumilipad sa kalangitan. Kanina pa tapos ang oras ng trabaho niya pero katulad ng dati niyang gawi nanatili siya sa opisina niya para panuorin ang paglubog ng araw.



2nd week na ng april..


Sabi niya sa isip niya. 


Ito ang paborito niyang buwan, ang buwan ng abril dahil marami siyang alaala dito, mga alaalang nakatago sa kanya, mga alaalang kahit kailan hindi nya kinalimutan.

Habang pinagmamasdan niya ang paglubog ng araw mula sa bintana bigla namang may nakita siyang imahe ng isang babae na nakangiti sa kanya,  bigla rin siyang napangiti pero agad ito napawi at napalitan ng malungkot na tingin mula sa kanyang mga mata nya.


Tuluyan ng lumubog ang araw kaya naman tumayo na siya at umalis. Habang naglalakad siya napatingala siya sa langit ng puno ng mga bituin. Hinayaan niyang bumalik lahat ng alaalang nakatago sa kanya, mga masasayang alaala na meron siya.

 Ang unang araw na nagkakilala sila, ang mga araw na magkasama sila  at ang araw na umamin siyang gusto niya ito at gusto din siya nito. Ito ang pinakamamasayang araw at alaala na meron siya pero lahat ng ito ay biglang napalitan ng malulungkot na alaala..

Naglakad na ulit siya. Hindi muna siya umuwi dahil pumunta siyang bus station na ginagawa niya na din dati pa. Umupo siya sa waiting area. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa babaan ng bus stop na nasa kabilang kalye. 

Isang tao lang ang naisip niya ng mga panahon yun pero halo halo ang nararamdaman niya, magulo ang kanyang isip pati na rin ang tibok ng puso niya na hindi maintindihan. Pumikit siya para mawala ang lahat ng bagay na gumugulo sa isip niya. Huminga siya ng malalim. Hinigpitan ang pagkakahawak sa isang sulat na kanina niya pa dala dala. Minulat niya muli ang mga mata.. Ngayon isang bagay na lang ang alam niya.. 


"Apat na taon na. Pero.. Ikaw pa rin.."

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon