Chapter 6: Welcome Home

1 0 0
                                    

  Last day na ni Paige ngayon sa hospital. Bukas ng umaga makakalabas na siya. Si tita Cori ang taga bantay niya ngayon. Ang mama at papa niya nagpahinga muna. Si Tolomeo hindi niya alam. Naboboringan tuloy siya ngayon kasi tahimik. Parang kahapon lang maingay dahil nandyan sila Vina. Natawa bigla si Paige

Kailan pa ako naboringan pagtahimik?

Sabi niya sa sarili niya. Simula nung nagpunta siya sa probinsiya marami ng nagbago sa buhay niya. Katulad ng nagkaroon na siya ng kaibigan at okay na sila ng mama at papa niya.

Nung una isa lang ang kaibigan niya pero ngayon lima na at kahit na hindi pa sila ganun kaclose okay lang kasi para kay Paige maraming pang time para makasama sila.

Sa parents niya hindi niya akalain na dadating yung araw na magiging okay sila. Ni hindi nga sumagi sa isip niya na magiging okay sila pero hindi na mahalaga yun kasi masaya na sila ngayon. Tutuparin niya yung promise niya na lagi na siyang ngingiti at tatawa kahit mahirap dahil noon hindi niya alam kung pano siya tatawa o ngingiti pero ngayon may dahilan na siya sila mama at papa niya, sila Brody at tita Cori, sila Tolomeo, Vina, Elan, Kervin at Arvin. Tsaka yung pagtawa at pagngiti pala ay kusa lalo na pagmasaya siya

"Paige, bakit nakangiti ka?" Tanong ni tita Cori 

"M-may naalala po ako.."

"Ganun ba." Ngumiti lang siya kay tita Cori

See? Hindi mahirap ngumiti pagkusa.

Sabi niya sa isip niya. Maya maya pa nagvibrate ang cellphone niya. Kinuha niya yun sa gilid ng kama at tinignan yun nagtext

------------------------------------------------------------------------------------------------
From: 09*********

Hi Paige. Kamusta ka na? :) Hindi muna ako makakabisita sayo may inaasikaso lang ako. :|

-Tolomeo
------------------------------------------------------------------------------------------------

Napasimangot si Paige pagkabasa niya ng text

E-eh? Bakit ako nalungkot? Eh ano naman kung di siya makabisita? Di naman required na bisitahin ako ah

Sabi niya sa isip niya. Sinave niya number ni Tolomeo at nagreply

------------------------------------------------------------------------------------------------

To: Tolomeo -_-

Okay lang. Di naman required na bisitahin ako.

------------------------------------------------------------------------------------------------

  Nagreply naman agad si Tolomeo

------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Tolomeo -_-

Sungit naman

------------------------------------------------------------------------------------------------

To: Tolomeo -_-

Saan mo nakuha number ko?

------------------------------------------------------------------------------------------------

From: Tolomeo -_-

Kay Auntie Hana :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon