Chapter 4: Fragile Heart

2 0 0
                                    

  Lahat sila nakahinto sa park ngayon at naghahanap. Nagtanong tanong na rin sila sa mga kakilala nila kung sakali na may nakita silang babae na tumatakbo pero wala. Kinakabahan na si Brody hindi niya mapapatawad ang sarili niya pagmay masamang nangyari sa pinsan niya. Yari din siya sa mga magulang niya lalo na sa mga magulang ni Paige.



"Nakita niyo na ba siya?" Tanong ni Brody sa mga kaibigan niya na nagsama sama ulit at lahat sila umiling.

"Kasalanan ko 'to eh." Pagsisi ni Brody sa sarili

"Wag kang mag alala, Brody. Mahahanap din natin si Paige." Pagcocomfort ni Vina kay Brody

"Alam na ba 'to nila Auntie Cori, Brody?" Tanong ni Elan

"H-hindi pa pero wag na muna nating sabihin. Hanapin muna natin si Paige sa ngayon."

"Ano? Bakit di mo sasabihin?" Si Kervin

"Gusto ko munang mahanap si Paige tsaka ko na sasabihin kila mama. Haharapin ko naman sila kung magalit sila sakin eh." Si Brody

"Bahala ka." Si Kervin

"Kung ganun para  mapabilis ang paghahanap natin sa kanya. Maghiwa hiwalay ulit tayo." Suggestion ni Elan at lahat naman sila nag agree. "Magtext kung sino ang nakahanap sa kanya at kapag 6pm na wala pa ding nakahanap sa kanya.. Brody, sasabihin na natin sa magulang mo." Dagdag pa niya 


"Oo sige." Si Brody

"Tolomeo!" Tawag ni Kervin kay Tolomeo na kanina pa tulala sa pag iisip kay Paige.

"Tolomeo!" Tawag ulit ni Kervin sa kanya pero hindi pa din siya kumikibo

"Tolomeo.." Nilapitan na siya ni Elan

"H-ha?" Yan ang sabi ni Tolomeo ng mapansin niya si Elan

"Kanina ka pa hindi nakibo dyan. Okay ka lang ba?" Sabi naman ni Vina kay Tolomeo

"Oo ayos lang ako."

"Naintindihan mo ba yung sinabi ni Elan?" Si Brody. Napaisip naman si Tolomeo. Hindi niya naintindihan ang sinasabi ni Elan kasi ang isip niya na kay Paige.

"H-hindi eh." Napakamot siya ng ulo habang sinasabi yan

"Nako naman Tolomeo." Sabi ni Elan maghiwahiwalay tayo maghanap kay Paige. Magtext kung sino ang nakakita sa kanya. Pag6pm na wala   pa din lahat tayo magkita kita dito at sasabihin na natin sa magulang ko." Pageexplain ni Brody si Tolomeo naman tumango na lang.

"Kung okay na tayong lahat. Tara na!" Sabi ni Elan. Naghiwa hiwalay na nga sila. Si Vina at Elan sa bayan. Sila Tolomeo, Kervin at Brody sa buong village. Lahat sila puno ng pag asa na makikita nila si Paige. 



Napahinto naman si Tolomeo ng marinig niyang may nagtext sa kanya.


------------------------------------------------------------------------------------
From: Brody

Tolomeo, nung mga nakaraang araw na hinatid mo sa bahay si Paige saan kayo nagpupunta?
------------------------------------------------------------------------------------


Nasapo ni Tolomeo ang noo niya. 

Bakit ngayon ko lang naalala yun?! Bakit ngayon ko lang naisip na kung may lugar mang pupuntahan si Paige ay eh yung Woodwind Forest! Teka, Sasabihin ko sakanila na dun siya pumunta? Eh ayaw niyang ipaalam yun eh. Ako ng bahala. Tetext ko na lang sila pagkasama ko na si Paige.



HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon