Chapter 7: River Of Feelings

3 0 0
                                    

  Maaga silang nagising ngayong araw nato mga 4am. Gusto kasi nilang sulitin ang pagpunta sa ilog kaya inagahan nila. May 2 hrs pa kasing byahe at 30 minutes na paglalakad para makapunta talaga dun sa ilog. Ang dami nga nilang dalang gamit talagang ready na ready. May mga tent, pangluto at kung ano ano pa. 5:30 am nagpaalam na sila kay Tita Cori, aalis na kasi sila. Sumakay na sila sa van nila Kelvin. Ihahatid kasi sila ng papa niya. Sa harap si Kervin, unang row sila, Elan at Arvin. Sa pangalawang row naman sila Paige at Vina. Sa last row sila Brody at Tolomeo. Tahimik lang sila sa byahe pano lahat sila inaantok. Si Paige natulog na talaga dahil antok na antok na siya. Maya maya pa..

"Psst. Vina." Tawag ni Brody kay Vina. Napalingon naman siya, busy siya kumain ng chips eh

"Bakit?"

"Penge akong pagkain mo."

"Oh." Sabay abot ni Vina nung chips niya

"Share na lang tayo. Tabi tayo dali!" 

"Ha? Bakit pa? Nakakatamad tumayo eh."

"Dali na!"  

   Pinanlakihan niya ng mata si Vina sabay tinuturo si Tolomeo. Ibig sabihin magpalit sila ng pwesto ni Tolomeo para tabi sila ni Paige


"Ah okay. Sige." Natatawang sabi ni Vina sabay tumayo at kinalabit si Tolomeo na natutulog. May space pa naman sa last row at pwede pa naman umupo dun si Vina pero mastrip nilang pagtabihin si Paige at Tolomeo



"Bakit?" Si Tolomeo na nagising sa kalabit ni Vina

"Palit tayo. Dito ka dyan ako."

"Ha? Eh kasya ka pa naman dito ah."

"Walang katabi si Paige. Ikaw na lang. Gusto mo din naman." Sabay upo ni Vina

"Oh Tolomeo dun ka na." Si Brody na nakangiti ng nakakaloko kay Tolomeo

"Ha? Ah, eh.." Si Tolomeo na nagdadalawang isip pa

"Wag ka ng pakipot!" Si Vina

"Hay.. Oo na." Tumayo na si Tolomeo at tumabi kay Paige. Nag apir naman si Vina at Brody



Para naman akong sira katabi lang kinakabahan na.


Sabi ni Tolomeo sa isip niya tapos napatingin kay na mahimbing na natutulog. Hindi niya maiwasang hindi titigan si Paige dahil ang ganda niya sa paningin  niya at eto nanaman siya nilabas nanaman niya yung phone niya at pinicturan si Paige


"Huy!" Halos mapatalon siya sa sumigaw

"W-wag kang nanggugulat dyan." Mahinang sabi ni Tolomeo kay Arvin na nakadukwang sa kanila

"Ikaw ha. Pinipicturan mo si Paige ha. Yieeee." Pang aasar ni Arvin

"Nice Tolomeo. Dumadamoves ka dyan ha." Si Elan na nakadukwang din sa kanila

"W-wag kayong m-maingay. Natutulog si Paige."

"Gusto mo pala talagang makatabi si Paige, Tolomeo ha." Pang aasar din ni Vina

"Yihieeee!" Si Brody

"Wag na kayong magulo. Matulog na lang kayo!" Naiinis na nahihiyang sabi ni Tolomeo

"Yieeeee! Hahahaha." Pang aasar nila

"Hoy ang ingay niyo. Anong meron?" Biglang singit ni Kervin na kakagising lang

"Wag mo ng tignan kapatid. Masasaktan ka lang." Si Arvin. Napatingin naman si Kervin kila Tolomeo at Paige

"Baka gusto mong ikaw masaktan." Inis na sabi ni Kervin kay Arvin


HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon