Chapter 9 : Woodwind Festival

2 0 0
                                    

Isang araw na ang nakalipas nung gabing aamin sana si Tolomeo kay Paige. Hindi na siya nakaamin nun. Hindi na niya nasabing mahal niya si Paige. Umuwi na sila nung sumikip ang dibdib ni Paige, sumama ang pakiramdam niya. Hanggang kinabukasan kaya buong araw siya nagpapahinga. Pumunta na lang sila Tolomeo sa bahay nila Paige para bisitahin siya.

Ngayon ay April 29. Woodwind Festival. Lahat ng tao sa village nila masayang naghahanda para sa celebration mamayang gabi. Nagkakanya kanya ng tayuan ng mga stalls at palaruan. Naghahanda na yung mga tao para sa iba't ibang contest na sasalihan nila. May sineset up pa na stage dun sa park para sa mga banda na tutugtog mamaya at hinahanda ang Woodwind Forest para sa mga taong pupunta dun mamaya para manuod ng fireworks pagsapit ng 10pm. 

Hindi mapigilang hindi mainggit ni Paige ngayon masama pa ang pakiramdam niya at nakahiga lang siya sa kama. Naiinggit siya kila Brody na nanunuod ng parada at masmukhang maiinggit siya mamaya  dahil hindi siya makakasama mamayang gabi sakanila. Ayaw pa kasi siyang payagan ni Tita Cori na lumabas. Nalulungkot talaga siya.

"Paige, gising! Gising!" Minulat ni Paige ang mga mata niya. Bumungad si Vina sa harapan niya na inaalog alog pa siya

"Vina, bakit?" Napabangon si Paige at naupo

"Tara na pupunta tayong Woodwind Festival!" Nakangiting sabi ni Vina. Napatingin si Paige sa orasan niya 6pm na. Kanina pa siya natutulog pero hindi man lang bumuti ang pakiramdam niya

"Hindi ako papayagan ni Tita Cori, Vina."

"Pinayagan ka niya! Kaya tara na!" Hinatak ni Vina si Paige

"Totoo ba yan?" Nakaramdam ng tuwa si Paige

"Oo." Napangiti si Paige

"Pero masama pa ba ang pakiramdam mo?"

"H-hindi na." Nagsinungaling si Paige. Masama ang pakiramdam niya. Pero gusto niya talagang makapunta ng Woodwind Festival dahil nangako sa kanya si Tolomeo

"Ayos tara na!" Basta basta na lang hinila ni Vina si Paige. Ni hindi man lang nakaligo at nakapagpalit ng damit si Paige. Pero sabi ni Vina sa kanya sa bahay na nila siya mag ayos. May balak din kasi talaga siyang ayusan si Paige. Papagandahin niya to dahil ngayon gabi aamin na talaga sa kanya si Tolomeo. Hindi man natuloy noon. Itutuloy na ni Tolomeo ngayon. Nagpaalam sila kay Tita Cori na paalis din. Paglabas nila ng bahay nagulat si Paige kasi maliwanag yung daanan dahil sa mga ilaw. Dati kasi bawat bahay may ilaw lang ng poste ngayon maliwanag talaga dahil mga pailaw. Talagang masasabi mong festival. Naglalakad sila ngayon kasabay ang mga ibang taong papunta dun sa mga stalls. Simula kasi dun sa tindahan nila Arvin hanggang sa park nakahilera yung mga stalls. Namangha si Paige sa mga stalls. Ang dami, may mga pagkain, palaruan, painuman at iba pa. Hindi niya akalaing yung nilalakaran niya palagi magiging ganito kakulay at kasaya. Mamaya maya pa nadaan nila yung park, yung playground ng mga park nasa isang tabi at ang daming taong nanunuod dun sa banda. Naexcite si Paige na puntahan yun. Matagal niya na kasing gustong makapunod ng banda. Napansin ni Vina yung pagkatuwa ni Paige

"Welcome to Woodwind Festival! Wag ka mag alala, Paige. Pupuntahan natin lahat ng stalls at yung mga nagtutugtog na banda mamaya. Para kasing ngayon ka lang nakapunta ng festival. Haha."

"Tapos hindi ka namin sasama."

"Wag ganun." Nagtawan na silang dalawa. Pagkadating nila sa bahay ni Vina pinaligo niya si Paige at pilit na pinasuot ng isang orange na dress. Pilit din siyang inayusan at nilagyan ng unting make up. Hinayaan na lang ni Paige yung gustong gawin ni Vina. After nilang mag ayos dalawa. Umalis na sila at pupunta sila kila Tolomeo. Nagulat si Paige dun nagtaka at kinabahan siya at pinaliwanag ni Vina kung bakit doon sila pupunta. Tuwing Woodwind festival sa kanilang magkakabit bahay may isang bahay silang pagdadausan ng fiesta at para sa taong 'to sa bahay nila Tolomeo sila ngayon. Napa ahh na lang si Paige. Medyo kinabahan pa din siya at ngayon lang niya napagtanto na ang lapit lang pala ng park sa bahay nila Tolomeo  

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon