Chapter 3: Her Heart

3 0 0
                                    

 Nasa beranda ngayon si Paige at nagbabasa ng libro pero bored na siya at nag isip kung anong gagawin niya. Mamaya pa kasi sila magkikita ni Tolomeo at sa tuwing naaalala niya kung pano nakipagkaibigan sa kanya si Tolomeo napapangiti na lang siya. Natutuwa kasi talaga siya na may kaibigan na siya pero at the same time natatakot dahil baka pagnalaman ni Tolomeo na.. Hindi na yun inisip ni Paige. Hindi na lang niya sasabihin para walang problema. Nakita naman niya si tita Cori na ang daming dalang damit na nasa dalawang basket na mukhang magsamsampay kaya agad agad siyang lumapit para tulungan ang kanyang tiyahin.

"Tita, tulungan ko na kayo." Sabi ni Paige at kinuha yung isang basket

"Nako hindi na, Paige. Baka mapagod ka lang." Sabi naman ni Tita Cori

"Hindi po. Ayos lang ako. Kaya ko naman po eh."

"Kung ganun sige. Basta pagnapapagod ka na magpahinga ka na." Tumango si Paige at ngumiti. Napansin naman ni Tita Cori na mukhang sumisigla si Paige at natuwa siya para dito  

  Sa bandang kaliwa ng harapan ng bahay sila nagsasampay, malawak yun at natatamaan ng araw. Habang nagsasampay si Paige napaigtad siya ng biglang may tumusoksok sa tagiliran niya at nakita niya si Brody. 

"Hahaha. Itsura mo Paige."

"Heh. Anong kailangan mo?" Masungit na sabi ni Paige

"Nakita ko kahapon hinatid ka ni Tolomeo." Nginitian ni Brody ng mapang asar si Paige

"Anong kailangan mo?" Hindi niya pinansin yung sinabi ni Brody at inulit na lang yung tanong niya

"To naman sungit talaga. Gusto ko lang malaman kung anung nangyari sa date niyo kahapon. So, kamusta? Masaya ba?" Nabigla si Paige sa sinabi ni Brody at biglang napatigil sa pagsasampay

"Aha! Nagdate nga kayo kahapon!" Sinundot ulit ni Brody yung tagiliran ni Paige kaya napa igtad nanaman siya

"H-hindi no! Hindi kami nagdate. Manahimik ka nga dyan." Nagsampay na lang ulit si Paige

"Weh? Eh ano pala ginawa nyo kahapon?" Nakikuha na din ng damit si Brody at tumulong magsampay

"W-wala."

"Ano nga? Dali na. Dali na.  Magkwento ka na." Tinusoktusok ulit ni Brody yung katigiliran ni Paige

"Tigilan mo nga yan! Wala. Wala akong ikekwento. Wag ka ngang magulo." Inis na sabi ni Paige. Ibinalik niya yung basket sa labahan ni tita Cori at saka umalis, pumasok ng bahay.

"Sige na. Sige na. Sige na. Magpinsan naman tayo kahapon nga di na kita kinulit eh. Sige na, magkwento ka na." Hinabol siya ni Brody pero hindi na lang niya pinansin 'to.

"Paigeeeee!" Hindi niya pa din pinansin si Brody. Pumasok si Paige ng kusina at kumuha ng tubig sa ref.

"Yuhuuuuu!" Uminom siya ng tubig at hindi pa din niya pinapansin si Brody. Pumunta na lang siyang beranda at umupo doon. Sinundan pa rin siya ni Brody at umupo sa tabi niya 

"Paige. Paige. Paige. Paige. Paige. Paigeee." Tinusok tusok nanaman ni Brody yung tagiliran niya at this time nainis na talaga siya

"Paige. Paige. Paige. Pai--Aray!" Pinalo kasi ni Paige yung kamay niya

"Manahimik ka na kasi!" 

"Hindi kita titigilan!" Tinusok tusok ulit nanaman niya si  Paige. 

"Oo na. Magkekwento na. Wag mo na akong tusukin!" Iritang sabi ni Paige. Alam naman niyang di talaga siya titigilan ni Brody kaya sumuko na siya

"Anong nangyare? Saan kayo nagdate? Pano ka niya niyaya?" Sunod sunod na tanong sa kanya ni Brody

"Una sa lahat di kami nagdate. Nakita lang niya ako sa park. Yun lang." Kwento ni Paige

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon