Chapter 1

10 0 0
                                    

 
April 4.




Malawak na bukirin, mga bundok at mga bahay kubo. Ito ang mga nakikita ni Paige mula sa labas ng bintana ng kotseng sinasakyan niya.

"Paige!" Napalingon siya sa pagtawag ng mama niya sa kanya. 

"Narinig mo ba ang mga bilin ko?" Tumango na lang si Paige at binalik nya lang ang tingin niya sa labas dahil hindi niya narinig ang mga sinabi ng mama niya dahil lumilipad ang isip niya. Papunta sila ngayon sa probinsiya ng tita at tito niya dahil napagdesyinunan ng magulang niya na doon muna siya titira ng dalawang buwan at iniisip niya kasi kung anung mangyayari sa kanya sa probinsiya na 'yon. Pumayag na lang siya sa mga magulang niya dahil ayaw niyang makulong dun sa bahay nila sa lungsod ngayong bakasyon.

Sa totoo lang, hindi rin siya handa dahil 1 week after ng graduation niya sa highschool agad agad nagdesisyon ang mga magulang niya. Hinayaan niya na lang mga magulang niya dahil gusto niya rin munang magbakasyon ng malayo sa kanila. Kakilala naman na ni Paige ang tita at tito niya na sila Cori at Naki. Noon kada taon sila bumibisita kila Paige kasama pa ang pinsan niyang si Brody at si Brody lang ang tanging tao na kayang tumagal sa kasungitan ni Paige. Oo, masungit si Paige at hindi lang masungit kundi cold. Cold siya lahat ng tao. Nang maalala ni Paige si Brody parang biglang sumakit ang ulo niya dahil may mangungulit nanaman sa kanya. 

Maya maya pa napalitan na ng mga bahay ang tanawin ni Paige dahil pumasok na sila sa Woodpile Village kung saan nakatira ang tito at tita nya. Hindi ganun karami at magkakahiwalay ang mga bahay dito hindi katulad sa lungsod magkakadikit. 

May nadaanan silang mga batang naglalaro at di niya mapigilang maisip na kahit kailan kelan di niya naranasan yun. Pero agad niyang inalis yung mga bagay na yun sa isip niya.

Tumigil na sila sa isang bahay na ni wala man lang gate pero bago ka makapunta sa bahay may dadaanan ka munang isang diretsong daan.

  "Paige, anak. Nandito na tayo." Nakangiting sabi ng papa niya pero bumaba lang siya ng sasakyan tapos kinuha ang bagpack at maleta niya. Nagkatinginan na lang ang magulang ni Paige at napabundong hininga tapos lumabas na lang din ng sasakyan nila. Naglakad na sila papuntang bahay at sakto namang lumabas si Brody. Nanlaki ang mata niya sa tuwa.



"Ma, pa! Nandito na sila Paige!" Sigaw niya at nagtatakbo kila Paige. Nagulat naman si Paige ng makita si Brody kahit kakakita lang nila nung nakaraang taon napansin niyang ang laki na agad ng pinagbago niya. Tumangkad siya at masnaging kayumanggi ang balat niya.


"Brody? Ang laki ng pinagbago mo ah." Sabi ng mama ni Paige habang nagmamano si Brody

"Oo nga. Mastangkad ka na sakin." Sabi ng papa ni Paige

"Hehe. Ganun po talaga paggwapo tito Rico, tita Hana. Haha" Nagtawanan sila maliban kay Paige na nakatingin lang sa kanila. Napatingin si Brody kay Paige.

Ganun pa din siya. Ni hindi man lang humaba yung buhok niya, maputla pa din siya at yung matapang niyang mukha na parang kakain ng buhay.

Ang nasa isip ni Brody ng mapansin si Paige.

"Bakit nakatingin ka?" Pagsusungit ni Paige

"Magha-hi lang eh." Sagot ni Brody. Tinignan lang siya ni Paige. "Hi Paige!" Bati sa kanya ni Brody pero hindi niya to pinansin

"Kuya Rico! Ate Hana!" Tawag ni tita Cori paglabas nila ng bahay

"Kuya, ate! Welcome!" Masayang sabi ni tito Rico

"Cori, Naki!" Masayang sabi ng papa ni Paige

HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon