Chapter 2

3 0 0
                                    


"Bartolomeo Suareeez!" Naalimpungatan siya ng may marinig siyang tumatawag sa pangalan niya.


"Tolomeooo!" Tawag nanaman sa kanya pero hindi niya pinansin at nagtakip pa siya ng unan.


"Bartolomeooo!" Napabangon siya ng maaalala niya yung babaeng binigyan niya ng pangalan, number at contact number niya. Muntik niya na kasing mahagip ng bike niya yun kahapon. Nagbigay siya ng pangalan, address at contact number kung sakali mang nainjure siya. Di kasi siya nasagot sa tanong niya. Naalala naman niya yung nangyari.. Pababa kasi yung daan at nagmamadali siya dahil susunduin niya yung kambal niyang kapatid na babae sa bus station at kakauwi lang galing lungsod. Di niya agad nakita yung babae buti na lang napahinto siya.. Sa harap niya at nagkatitigan sila. Naalala niya yung itsura nung babae. May maiksi 'tong buhok, maliit lang at blankong nakatingin lang sa kanya pero yung mata niya.. May itinatagong lungkot yung mga mata niya.


Nainjured ba talaga  Siya? 

Tanong ni Tolomeo sa sarili. 



"Tolomeooo!" Agad agad siyang lumabas ng may tumawag nanaman sa kanya. Bago niya buksan yung pinto nag ayos muna siya ng buhok at nagtanggal ng muna tapos inamoy niya yung hininga nya kung mabaho nang okay na siya binuksan niya na yung pinto

"Miss, ka--"

"Sa wakas lumabas ka na din!" Natigilan si Tolomeodahil hindi yung babaeng binigyan niya ng name, address at contact number ang nasa labas ng bahay niya kundi yung kaibigan niyang si Vina kasama ang kapatid niyang si Elan.

"Kanina pa kami tawag ng tawag sayo. Tulog mantika ka talaga." Sabi ni Elan sa kanya.

"Bakit ang aga niyo?" Takang tanong ni Tolomeo

"Tolomeo, wednesday ngayon! Pupunta tayo kila Brody. Ipapakilala niya din yung pinsan niya tsaka 10am na kaya." Sabi ni Vina at naalala naman niyang wednesday nga ngayon. Tuwing wednesday kasi naggeget together silang magkakaibigan kila Brody.

"Ah, oo nga pala. Pasensiya na nakalimutan ko." Napakamot na lang ng ulo si Tolomeo

"Hayy.. Wala   ng bago dun, Tolomeo. Sige, mauna na kami. Mag ayos ka na tsaka sumunod." Sabi ni Elan sabay umalis na sila.

"Mamaya na lang!" Sabi naman ni Vina

"Okay. Mag iingat kayo!" Sabi ni Tolomeo habang kumakaway pa.



Akala ko pa naman siya na.

Nasabi niya sa sarili niya habang umuupo sa sofa katabi ng kambal niyang kapatid.



"Kuya." Tawag sa kanya ng kambal na si Bianca at Brenna.

"Bakit?" Biglang may binigay sa kanya yung dalawang, isang bar ng hershey

"Para san to?" Taka niyang tanong

"Para sa'yo." Sabay na sabi nung kambal at bumalik sa panunuod ng tv. Parang gusto niyang umiyak dahil ang bait talaga ng mga kapatid niya lagi siyang binibigyan ng sweets kapag malungko or dismayado siya, mababaw man o hindi

"Salamat Bianca, Brenna." Nakangiting sabi niya habang ginulo gulo yung buhok ng kambal

"Ayan ngumiti ka na." Sabi ni Bianca

"Masaya ka na ulit." Sabi naman ni Brenna

Napangiti na lang talaga ng husto si Tolomeo. Pakiramdam niya minsan hindi 6 years old ang mga kapatid niya.



 Naglalakad na ngayon si Tolomeo papunta kila Brody. Nang makarating na siya tinawag niya agad 'to.


HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon