Chelsea POV
Maaga akong pumasok.
Hindi ko kasi nagawa 'yung mga assignment ko kagabi, 24hours kasi 'yung karenderya ni Tita Yolly. Siyempre alangan namang hindi ako tumulong.
Alas-dos na nga ng madaling araw ako nakatulog eh. Isama mo pa ang mga lamok na bakunang-bakuna na sa dugo ko, hindi tuloy ako nakatulog ng matindi-tindi.
Pag talaga ako naging presidente ng Pilipinas, i-ba-ban ko 'yang mga lamok na 'yan dito sa pinas. Ahehehe.
Hikab dito, hikab doon habang naglalakad ako.
“Ay kabayo!!”
Nagulat ako ng may bumusina ng sobrang lakas. Napatingin ako sa kotseng tumigil sa may tabi ko.
Talaga namang nag-iinit ang ulo ko. Sabi nga nila, inisin mo na ang lasing, wag lang ang bagong gising.
Lumapit ako sa kotse at kinatok. Tinted yata, hindi ko makita ang tao sa loob eh.
"Hoy, kung akala mo natatakot ako sa'yo, huh! nagkakamali ka. Kaya kung sino ka man, lumabas ka dyan at ipaliwanag mo sakin kung bakit kailangan mo akong businahan ng ganoon kalakas. Isulat mo sa one whole sheet of yellow pad!"
Ay bakit ko sinabi yun? Feeling teacher ako. Gano’n kasi teacher ko nung highschool. Nahawa na tuloy ako.
Namaywang ako. Aba, ayaw na ayaw kong binabastos ako.
Slow motion na bumaba ang bintana ng kotse. And the moment na bumaba na ng bonggang-bongga ang bintana niyon, bigla akong napatingin sa langit at napahiling na maging invisible ako.
Kyaaa! Sa dinami-dami naman ng lalaking mambabastos sakin ng ganito kaaga, bakit siya pa? Juskoday!
"Anong sabi mo? Mag-explain ako at isulat ko sa one whole yellow pad?"
Ayan na, lumalabas na ang pagka-dragon niya. Nag-ngingitngit yung panga niya, golly!
"Hehe, joke lang naman yun. Ito naman hindi na mabiro. Nagpa-practice lang akong maging teacher."
Nag-peace sign ako sa kaniya para effective. At kung iniisip niyo na si Kyle yung lalaking naka-kotse, oo tama kayo! Siya nga.
"As far as I know, Business Management ang course natin at hindi Education. Pinaglololoko mo ba ako?"
Akalain ko bang siya yun?
"Sorry." sarkastiko kong sabi.
Mukha kasi itong pinaglihi sa sama ng loob, palagi na lang galit.
"Akala mo ba nakalimutan mo na ang ginawa mo sakin kahapon?"
Hala, paktay na talaga! Natandaan pa rin niya? Hindi, huwag kang matakot Chelsea, wala kang nagawang mali! "Sa pagkakaalam ko, wala naman akong nagawang mali kahapon."
Siyemre tapang-tapangan ang peg ko. Baka mamaya, sunggaban na lang ako nito bigla at ipakain sa buwaya eh.
Ngumisi si Kyle dragon. "Really? You don't remember?"
Nag-pose pa ako na parang nag-iisip. "Wala talaga akong maalala. Teka, nauntog yata ako kagabi, hala! May amnesia yata ako. Teka, sino nga ba ako?"
Gusto ko ng matawa sa pinagsasasabi ko. Langya naman kasing Kyle na'to, daig pa ang papatay ng tao kung makatingin.
Nasapo niya ang noo niya. "Ang laki din ng sapak mo sa ulo 'no? Hindi mo maalala? Sige, kakausapin ko nalang si Papa mamaya para sabihing may umalipustangan ng pagkatao ko at kung maaari ay ipatanggal sa school."
Hanla? Napakalupit naman ng Kyle na'to. Umalipustangan talaga ang term? OA naman nito. Kainis!
Hinawakan ko ang ulo ko. "Wait, wait, naaalala ko na. Yes! Magaling na'ko, wala na akong amnesia!"