Chelsea POV
Napapaisip pa din ako sa sinabi kanina ni Lance. Yung sagot niya kay James. Ano ba kasi yun?
Nagka-klase kami at malapit ng mag-break-time. Boring nga kasi lumilipad yung isip ko. Nung bumalik si Adrian at Kyle dito sa room, tahimik nalang sila. Di nga ako kinausap o pinansin
Krrrrrrrrrrrrrgggggg!
Breaktime na.
Wala nga pala si Janna. May one-week trip daw sa Italy kasama ang parents niya. Buti pa siya.
Alone tuloy ako.
Ayusin ko na gamit ko. Iniisip ko pa kung saan ako magbe-breaktime. Two hours kasi.
“Chelsea! Tara sabay na tayo mag-breaktime. Where do you want to eat? I'll treat you.”
Si James talaga napaka-smiling-face. Hirap tuloy tanggihan eh.
“NOBODY SA TAMBAYAN.”
Wala na. Nauna na si Kyle. As if naman kaya ko yang tanggihan. Ano ba yun.
“Crush, sa tambayan nalang.” sabi ni Adrian saka nauna na ring lumabas ng room kasabay si Lance.
“Eh, James may kasabay na'ko mag-breaktime eh.” nag-aalangan kong sabi.
“Dun ba sa sinasabi nilang tambayan?”
Hanla. “Eh, oo.”
“Sige. Tara na, sasama na lang ako.”
“Hala, di pwede. Exclusive lang kasi yun for tigers.” sabi ko. Kasi mamaya baka lamunin ako ng buo ni Kyle pag sinama ko si James dun.
“Lance is there right? Pwede naman siguro ako?”
Sabagay. Andun nga pala si Lance. Siguro nga pwede siya dun. “Sige na nga.” I said smiling at him.
Sarap niya talaga kausap. Ang gaan sa loob. Hehe nakangiti kasi palagi.
*
Kyle POV
Highblood talaga ako.
Kararating lang namin dito sa tambayan. Kawalang-gana. Ganda-ganda ng umaga ko kanina, sisirain ng kumag na yun.
“Hoy Lance, saan ba pinaglihi kapatid mo?”
“Malay ko.”
Nice talk Lance. Sarap niyo pag-untuging magkapatid. Hindi ko nga akalaing may half-brother pala yang si Lance. Saka nagtataka pa din ako paano sila nagkakilala ni nobody. Sa dinami-dami ng babae oh. At ito namang si nobody, sayang-saya.
Napatingin ako sa pinto nang bahagya iyong bumukas. Sumilip si nobody. “Kyle..”
Kumunot noo ko. “Oh?”
Lumuwag yung pagkakabukas ng pinto. “Okay lang ba kung dito din siya mag-breaktime?”
“ANO??????????”
“ANO??????????”Nagkasabay pa kami ni Adrian. Bakit ba parang close na sila agad? Bwisit na yan.
“Eh, kapatid naman siya ni Lance kaya welcome naman siguro siya dito?”
Tingnan mo 'tong si nobody. Talagang gumagawa ng paraan para makasama yang kumag na yan. Aish. Pasalamat siya kapatid siya ni Lance, kung hindi patatalsikin ko talaga yan dito sa Shin-Woo.
“BAHALA KA. BASTA LUMAPIT KA NA DITO SAKIN.”
Lapit naman siya agad sakin. Sindak pa din pala eh. Haha. “Kuha mo akong cake sa ref tapos subuan mo ako.” utos ko sa kaniya.