Chelsea POVMaaga ako gumising para ipaghanda ng pagkain ni Kamahalan para mamayang lunch. Bwisit talaga yun.
Pero nagtataka talaga ako. Paano ako nakatulog sa kwarto ko? Ang huling natatandaan ko lang eh nanunuod kami ni Adrian.
Gusto ko ngang matawa kasi ewan bat nagkatitigan kami ni Adrian kagabi. Ang lapit kaya ng mga mukha namin. Hehe. Dun ko mas na-realize kung gaano siya ka-gwapo.
Ayeee!
Ayan, okay na. Ininit ko lang naman yung natirang porksteak kagabi. Dami kaya nito. Pinaglagay ko na din si Kyle ng kanin. Buti may tupperware kaming nakuha ni Janna nun sa mall.
Ah, dahil madami pa naman yung porksteak, ilalahat ko na'to. Papakain ko sa tigers. Hehe.
Tenenenen!
Tiningnan ko sino nagtext.
From: Kamahalan
My lunch.Psh. Mukha niya.
Tenenenen!
May text ulit?
From: Adrian
Goodmorning crush! :) maya-maya, andyan na ako sa labas ng condo mo.I smiled. Sweet talaga ni Adrian. Samantalang yung text ni Kyle wala man lang morning. Aish. Asa naman ako dun. Nagreply ako kay Adrian, baka kasi maghintay pa ng matagal. Syempre sabay kami papasok eh. Hehe.
To: Adrian
Goodmorning din. Give me 1hour :)Syempre, maliligo pa kaya ako saka aga pa kaya. Hehe!
Uy baka nagtataka kayo bakit lagi akong may load. Nabanggit sakin ni Kyle na naka-plan daw tong iphone ko. Unlitext at unlicall daw.
After ko maihanda yung foods, nilagay ko sa isang paperbag.
Pinatong ko na sa may sofa. Baka malimutan ko pa mamaya eh.
Makaligo na nga.
*
Kyle POV
Tch. Wala man lang reply tong nobody na 'to. Kagabi ko pa sinabi tungkol sa lunch ko para mamaya ah. Wala man lang reply?
Aish.
Bakit ba aga ko masyado nagising. Makapag-facebook nga muna.
Log in..
Adrian Buenavista changed his profile picture. 1 hour ago.
1,358 likes • 2,051 comments • Share
Ano 'to?
Si..
Si..
Si nobody tong kasama niya sa bago niyang profile picture ah?
Amp!
Kelan 'to? Bakit tulog si nobody at nakasandal pa sa balikat ni Adrian?
Tenenenenen!
From: Lance
Go check Adrian's new profile picture.Ampu! Kalat na kalat na.
Sa mga hindi nakakakilala kay nobody, hindi maiisip na sya yun kasi basta iba, ang ganda at inosente nya dung tingnan. Halatang totoong tulog at hindi act lang.
Aish.
Paano sila nagkaroon ng picture na yun? At talagang ginawang profile pic ni Adrian?
Log out