Chapter 20 ♥

639K 13.9K 2.1K
                                    


Chelsea POV

Si Kyle niyayaya ako manuod ng movie? Anong nakain ng mokong na'to? I gave him my confused look. Kasi naman, hindi ako makapaniwala na yayayain ako nito manuod ng movie? Eh alipin nya ko. Dapat ganito lang ako, yung naglilinis ng kwarto nya.

"Hoy nobody, ano?" Sigaw ni Kyle. Nakaupo na sya sa couch na nakaharap sa super laking flat screen na TV nya. May hawak din siyang parang lagayan ng mga dvd. Namimili siguro sya ng papanoodin namin.

I sighed bago lumapit sa kaniya. "Eh, Kyle sure ka bang... uh..."

"ANO???" Sungit ni Kyle

"Uh... sure ka talagang kasama ako sa panonood mo ng movie?" Hindi kasi talaga ako makapaniwala na niyayaya nya ko.

"Kailangan ko pa bang ulitin nobody? Hindi ka ba makaintindi? Umupo ka dito." Tinuro yung couch, dun daw sa tabi nya.

Umupo nalang ako. Kesa masigawan na naman ni Kyle. Ano namang papanoorin namin? Eh nakakanood lang naman ako ng movie pag mahal na araw. Kasi yung mga lumang movie pinapalabas sa TV eh. Hindi pa nga ako nakakapuntang sine. Tapos 'tong si Kyle sa loob ng kwarto nya, anytime na gustuhin nya manuod, makakanuod sya. Ang dami niyang bala ng movies. Mukhang mamahalin.

"Ano kayang mapanood?" Nag-iisip si Kyle habang namimili sa hawak na mga dvd.

Wala naman ako mai-sa-suggest kasi hindi ako updated dyan. Hehe. Mahirap eh.

"Ah, eto!!" Sigaw ni Kyle hawak ang isang dvd. Nakapili na siguro.

"Anong movie yan Kyle?" Tanong ko.

"The Conjuring. Maganda 'to." Sabi niya

Conjuring? Parang narinig ko na yun? Ay hindi pa pala. "Ano yan, comedy? Romantic?" Tanong ko. Kasi naman, ipanood mo na sa'kin lahat wag lang horror. Matapang ako sa tao pero sa multo, duwag ako!

"Comedy 'to." Sagot ni Kyle tapos isinalang na nya yung dvd. Pero may napansin ako. Kakaiba yung ngiti nya.

Ay ewan. Maka-focus na lang sa panonood. Sumandal ako sa couch tapos si Kyle tumayo saglit, may kinuha sa storage box nya dun sa gilid. May dala na syang malalaking tsitsira.

"Oh," napatingin ako kay Kyle. Inabot nya sa'kin isag tsitsiria na malaki. Binasa ko yung label. LAYS. Ah, masarap kaya 'to. Binuksan ko nalang at start kainin habang nuod.

Teka, bakit parang medyo madilim yung scenes? Comedy ba'to? Bakit di naman ako natatawa.

"Kyle.."

"Hm?"

"Comedy ba talaga yan?" Nagsisimula nako matakot kasi naman yung sound effect, bakit ganoon.

"Oo nga. Manood ka na nga lang dyan. Tss." Sabi ni Kyle

Sungit nito.

Nanlaki mga mata ko.

HANLA! Horror 'to sigurado! Yung sound effect.

At, at..

"AAAHHHHHH!!!!!!"

Napa-irit nako sa takot. Kasi naman may, may mumu! AHHH! Tinakpan ko yung mata ko ng mga kamay ko. Parang nanggigilid na luha ko. Nanginginig na din ako sa takot. Kinikilabutan ako.

"Hindi naman nakakatakot." Sabi ni Kyle

Bakit ganon lang sya ka-kalma? Eh ako eto di na makatingin. Nakatakip pa din yung kamay ko sa mata ko. Tapos inaangat ko lang konti para silipin yung TV screen at..

"AAAAAAHHHHHH!!!!!"

Napasigaw na naman ako. Kasi naman nakakagulat tapos sinasabayan pa ng langyang sound effect. Grabe. Nginig na nginig na kamay ko. Natatakot talaga ako. Gusto ko ng tumakbo kaso parang di naman ako maka-alis sa inuupuan ko. Tumataas yung mga balahibo ko.

Nagsisimula ng tumulo yung luha ko. Hindi na talaga ako makatingin sa TV. Umub-ob ako at tinakpan tainga ko.


Kyle POV

Si nobody kanina pa sigaw ng sigaw. Nakakabingi. Aish. Hindi naman nakakatakot. Nakakagulat lang yung sound effects. Ako nga kalma lang. Napatingin ako kay nobody na nasa tabi ko. Naka-ub-ob? Aish. Duwag pala nito eh. Para yan lang. Di naman nakakatakot.

"Hoy." Niyugyog ko siya.

No response. Pero napansin ko nanginginig siya. Anong nangyayari dito?

Kinalog-kalog ko ulit sya. "Uyyy nobody..."

Bigla syang tumunghay at nagulat ako. She's silently crying at talagang nanginginig sya. Nakatingin sya sakin. Ako naman syempre nagulat.

"K-Kyle..."

Pero ang maas kinagulat ko, biglang yumakap sakin si nobody. Pakiramdam ko tumigil yung ikot ng mundo. Parang kami lang yung tao. Parang naging blanko ang paligid at natahimik. Para akong walang marinig kundi yung paghikbi nya. Nakayakap pa din sya sakin. Hindi ako makagalaw. Bakit ganito nararamdaman ko?

"Nobody.."

"Kyle, natatakot ako." She said while crying. Naririnig ko pa ang paghikbi nya.

Bigla ako nakaramdam ng konsensya. Kasalanan ko. Malay ko bang ganito sya kaduwag. Sabi ko pa naman kanina comedy yung papanoorin namin.

"Kyle..dito ka lang sa tabi ko."

Bakit biglang tumibok ng ganito ang puso ko? Bakit sa sinabi nyang yun parang... parang... ewan. Wala akong idea. Basta, natulala na lang ako at kusang gumalaw ang kamay ko para abutin ang remote at patayin na ang TV.

Tapos..

"Ssshhh.."

Hindi ko ma-imagine na magagawa ko 'to ngayon. Never akong nag-comfort sa isang tao lalo't diko naman ka-close. Pero kay nobody, ang makita siyang umiiyak, parang nanghihina ako.

Yung tipong kailangan mapatahan ko sya. Hinayaan ko lang syang nakayakap sakin hanggang wala na akong marinig na hikbi niya.

Humiwalay na sya sakin. "Kyle..."

Halata tuloy sa mata nya ang pag-iyak. Namumula pa at yung ilong nya ang pula din.

"T-Thank you.." Nanginginig pa ding sabi nya.

Hindi ako sumagot. Sa halip tumayo ako at pumunta sa desktop. It felt awkward pagkatapos nya kong yakapin. Bigla akong nahiya. Diko alam sasabihin kay nobody.

"Kyle pwede ba muna akong umuwi?" Paalam ni nobody.

"S-Sige.." Nauutal tuloy ako. Hindi ko na rin sya nilingon hanggang makalabas sya ng kwarto.

Nakahinga na ako ng maluwag pagka-alis nya. Bakit ganoon? Biglang parang lumuwag ulit dito nang makaalis sya. Kanina, pakiramdam ko ang sikip sikip nung kwarto ko kasama sya.

Ano ba 'tong nararamdaman ko.

Mr. Popular meets Miss NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon