Chelsea POV
Kagigising ko lang. Ang sakit ng mata ko kasi namaga yata kakaiyak ko kahapon. Diko na pala namalayang nakatulog nako nung ginamot ni Adrian sugat ko.
Paano ko nalaman?
May iniwan syang note.
Chelsea,
Please take a rest. Nakatulog kana kahapon habang ginagamot ko ang sugat mo. Ako na ang bahala kay Mandy. Take care-Adrian
Tiningnan ko agad iphone ko.
19 message recieved
15 missed callsHanla. Sana si Kyle 'to.
From: James
Na-kwento na sa'kin ni Adrian nangyari. Don't worry kami na bahala kay Mandy. Si Kyle masasapak ko yun. Ingat ka dyan.From: Adrian
Pinaggawa kita ng breakfast kaninang umaga. Eat it okay?Kung anu-ano pang text galing kina Adrian at James. Wala man lang kahit isa galing kay Kyle.
Naiiyak na naman ako. Pero teka ba't kaya daming missed call ni Adrian.
Krrrriiinnnnnngggg!!
Adrian calling...
I answered the call. "Hello?"
[Chelsea si Kyle..]
Kinabahan ako bigla. "Ano yun Adrian. Ano nangyari."
[Aalis sya papuntang Korea. 10am ang flight niya.]
Hanla. Napatingin bigla ako sa relo ko. 9am na. Hanla. "Sige Adrian pupunta na akong airport."
[Bilisan mo. Sorry hindi kita nasundo. Sobrang traffic. Andito kami ni James sa airport.]
"Okay. Bilisan ko na. Bye.
Daig ko pa si flash sa bilis. Nagpalit lang ako ng tokong at shirt. Then wallet ko. Takbo nako palabas ng unit ko. Ni hindi nako nagsuklay. Basta ko nalang tinali ang buhok ko.
Bakit aalis si Kyle. Iiwan ba nya ko? Hindi. Baka may kailangan lang sya ayusin. Hindi nya ako iiwan. Hindi. Mahal nya ko.
Pumara na'ko ng taxi at sinabi kong hatid ako airport. Maya maya napansin ko yung traffic. Hanla. Tiningnan ko relo ko.
9:30 na. Ang bilis ng oras. Waaa. Di pwede kelangan ko maabutan si Kyle.
Medyo malapit na din sa airport. Traffc lang talaga kaya bumaba na ako ng taxi. No choice. Tatakbuhin ko na.
Pagkabayad ko kay manong, tumakbo ako hangga't makakaya ko.
After 123456789 hours narating ko ang airport. Hingal na hingal ako.
"Chelsea!" Si Adrian sinalubong ako.
"Si Kyle?"
"Ayun." Tinuro nya si Kyle na nakatayo habang nagpapaalam na kina Lance at ibang tigers.
Nang makalapit ako. "Kyle..."
"Mga brad, aalis na'ko." Sabi ni Kyle. Di man lang nya ako pinansin.
Hinawakan ko sya sa braso niya. "Kyle bakit ka aalis? Kyle.."
Nagpumiglas siya at tinanggal ang kamay ko na nakahawak sa braso nya.
"Kyle mahal na mahal kita. Bakit ka aalis. Bakit hindi mo man lang sinabi sakin? May mahalaga ka bang lakad? Babalik ka agad diba?" Umiiyak na ako dito. Wala akong pakialam kung nagtitinginan na ang ibang tao.