Chelsea POV3 days to go. Birthday ko na. Ano kayang mabalak gawin? May pera naman ako. Sa ilang araw ng nakalipas, ang laki na rin ng naipon ko mula sa sweldo ko kay Kyle. Siguro iti-treat ko nalang si Janna saka si Adrian. Tama, kakain na lang kami sa labas. Ako sagot. May pera naman ako.
Hay. Ngayon lang ako napaisip about sa birthday ko. May pera kasi akong hawak unlike dati na lumilipas ung birthday ko na parang karaniwang araw lang. Pasalamat talaga ako kay Kyle kahit makapal mukha nya. Naaalala ko na naman. Pinagbintangan ba akong hahalikan sya. Kapal talaga. As if naman gagawin ko yun, iniingat-ingatan ko nga first kiss ko eh. Malamang feel na feel nya na gusto ko siyang halikan. Eww!
Dito nga pala ako sa mall. Inutusan ako ni Kyle bumili ng gagamitin sa project namin dito sa national bookstore. Naisipan ko na din bumili nung binabalak kong bagong bag. Dito muna ako sa dept store. Marami-rami akong bibilhin sa national mamaya eh. Pakita ko sa inyo mamaya listahan ko.
Tingin..
Tingin..
Tingin..
Ay ang ganda naman nitong bag na'to. Eto yung gusto kong bag eh. Jansport tatak. Tiningnan ko price, 1,999.00
Ay mahal.
Cute pa naman ng design. Bibilhin ko ba? Kung sabagay may pera naman ako. Almost 40k na nga pera ko sa wallet ko. Ay bibili din pala ako ng wallet, malapit na rin mag-resign yung wallet ko. Hindi na'ko nag-isip. Kinuha ko na yung bag. Wallet naman.
Tingin..
Tingin..
Tingin..
Eto, para siyang pouch, may hawakan. Kulay pink na polka dots. Ang cute. Ito nalang. Nagmamadali din ako kasi gagawin ko pa mamaya yung project namin ni Kyle. Punta nako sa counter.
JANSPORT BAG ----------- 1,999.00
SECOSSANA WALLET --- 450.00
___________
2,499.00
Mahal din pero worth it naman. Magagamit ko naman to ng matagalan. Syempre maingat ako. Time to go to national. Eto mga bibilhin ko
LIST:
2 Illustration Board
1 Pentel Pen
Colored Paper
Water Color
Plastic Cover
Color Pen
Oil Pastel
Ruler
Pencil
Eraser
SharpenerYan lang naman. Hehe konti lang pala, kaso ung list na yan, x2. Kasi para sakin naman. Binigyan naman ako ni Kyle ng 5k pambayad. Isama ko na daw yung sakin. Galante talaga yun. Mayaman eh. Counter then bayad na. Okay na.
Uuwi na'ko.
Tenenenenenn!
Napatigil ako para check kung sino ang nagtext. Si Kyle.
From: Kamahalan
Dumaan ka sa goldilocks. Bilhin mo yung paborito kong black forest na cake. Yung pinakamalaki. Bilisan mo!Ang sweet talaga ni Kyle. Hilig mambulyaw, bwisit. Punta muna ako goldilocks. Bili, bayad. Okay na. Dalawang plastic na malaki bitbit ko tapos yung box ng cake. Magta-taxi na lang ako tulad ng paalala sakin ni Kyle kanina. Nasasanay nako mag-taxi. Hehe sarap pala sa pakiramdam. Hehe.
-
Kyle POV
Tagal naman ng baliw na yun. Nagke-crave na ako sa black forest. Akala nyo para kay nobody no? Hindi. Pero bibigyan ko din naman siya. May nabili kasing dvd na bago si Butler. Yayain ko sya manood mamaya. Oh, wag kayo. Comedy na. Hindi horror. Nakaka-tsansing sakin yang si nobody pag horror eh.
Di pa rin nga ako maka-get-over sa balak niya kahapon na paghalik sa'kin. baka mamaya pagnasaan na ako ng babaeng yun. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi kung may pagnanasa sya sakin. Sa gwapo kong 'to? Baka maglaway pa sya pag nakita niya ABS ko. 6 packs!
Yung DVD nga pala, Sisterakas. Di ko pa napapanood yun eh. Comedy. Si Vice ganda bida eh kaya gusto ko. Nakakamana ako dun ng pambara eh. Haha
Bzzzzzt!
"PASOK!" Sigaw ko. Malamang si nobody na yan.
Pagkabukas ng pinto, niluwa si nobody, duguan siya at nagmumukha na siyang zombie.
Syempre joke lang yun. May bitbit siyang plastic ng national tapos plastic ng dept store. Nag-shopping pa yata ah. At syempre, ang aking cake!
"Ilagay mo muna yung cake sa mini ref." Utos ko sa kaniya. Syempre mamaya pa kami manonood pagkatapos ng project.
Project nga pala namin yun sa Arts. Kaya puro coloring. Ang theme, LOVE. Ano bang malay ko dun. Kaya nga si nobody pinaggawa ko. Uutusan ko pa dapat si nobody na dumaan ng supermarket kaso gagawa pa sya project namin.
Ting!
Pwede kaming sumaglit ngayon. Kahit naman hanggang gabi sya rito pwede eh. Hindi kasi ako sanay ng walang nginunguya pag nanunuod ng movie. Naubusan na ako ng stock ng chips. Napansin ko si nobody papunta sa may table nilapag mga nabili nya.
"Hoy nobody, samahan mo ako sandali sa supermarket." Yaya ko sa kaniya.
"Kagagaling ko lang sa mall ah?"
Aba nagrereklamo.
"Sandali lang tayo. May bibilhin lang tayo saglit. Maka-kotse tayo. Tara." Tumayo na'ko.
As if naman makakatanggi yan. Asa! Takot nyan sakin.