Chelsea POVAs usual. Dito pa din kami sa mall. Kaaalis lang namin sa Contis. Gusto ko ng magsabi kay Kyle na gusto kong magtingin-tingin sa department store. Siyempre makaranas man lang mamili diba?
“Kyle..”
Lumingon siya. “Oh?” Nauuna kasi siyang maglakad sakin.
“May pupuntahan pa ba tayo?” I asked him. Kasi naman kasi..
“Oo, bakit ba?” iritable niyang tanong. Grabe talaga ‘tong si Kyle, mood swings talaga oh..
“Gusto ko sanang pumuntang department store para magtingin-tingin..”
“Cut it out. Ayoko. Pupunta tayong quantum. Sa videoke room.” Sabi niya saka nauna na namang maglakad.
Kahit kelan walang modo talaga. Aish, bakit naman kami pupunta sa videoke room? Para kumanta? Eh hello, baka humiwalay kaluluwa niya sa katawan niya ‘pag narining niya ang pagbirit ko.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Kyle. Asa ka naman dyan. Aish, bukas na lang ako maggagala dito sa mall. Kala niya ha.
QUANTUM
Dami namang tao dito kahit pagabi na. Karamihan din estudyante. Mga bulakbol. Aish, estudyante nga din pala kami ni Kyle. Hehe peace!
“Hoy nobody, bilisan mo nga dyan.” Pash bastos talaga ‘tong si Kyle. Yan lang kilala kong manliligaw na walang modo. Aish. Paano ko niyang sasagutin kung ganyan siya sakin? Ang sungit-sungit. Kainis.
Binilisan ko na pagsunod sa kaniya dito sa videoke room. Grabe, parang kinabahan ako. Syempre dalawa lang kaming magkukulong dyan. Haha. Bad Chelsea, my mind is turning into green. Ayt.
“Pasok..” utos ni Kyle sungit.
Pumasok nalang ako. Hindi na ako nagsalita. Alam niyo naman napapala ko dyan pag sumasagot ako. Nasisigawan ako ng wagas. Saraop ding sakalin eh. Psh.
Naupo ako. Ang lambot ng couch. Ahehe, napatingin ako sa song book. Kumakanta pala si Kyle? Akalain mo yun? At mukhang mahilig siyang pumunta sa mga ganito.
Naupo na rin si Kyle dito sa tabi ko. “Pili ka na ng kanta.” Sabi niya.
Naramdaman ko yung pamumula ng pisngi ko. Its OMG. Tinatanong niya ako ng kanta. Kakantahin niya para sakin. How sweet naman Kyle..
“E-Eh Kyle, anong klaseng kanta ba?” tanong ko.
Kinikilig naman ako, shemay! Never ko pa na-experience makantahan ng isang lalaki, and lucky sa gwapo pang si Kyle.
Acheche!
“Ewan ko sa’yo. Ikaw naman ang kakanta eh.”
Pigilan niyo ko, susuntukin ko na 'tong si Kyle. Ang langya naman. Kinikilig na’ko dito oh! Tapos yan sasabihin nya? Ako pala pakakantahin niya. Aish. Sweet mo talaga KYLE!
“Hindi ako marunong kumanta.” Sabi ko. Eh yun naman totoo eh. Diba nasabi ko na, mala-Anne Curtis yung quality ng boses ko? Kaya nga hindi ako sumali sa The Voice eh.
“Basta kumanta ka. It’s an order nobody. You forgot again, you’re my slave.” Sabi niya habang prenteng nakaupo habang nakatingin din sa iphone niya. May katext yata ang mokong.
“Hindi nga kasi ako marunong kumanta.” Ulit ko. Kasi mamaya, lalo lang yan magalit pag narinig niya boses ko eh.
“When i said you'll sing, you'll sing. Okay?” ma-awtoridad na sabi niya. grabe talaga ‘tong si Kyle.
Bahala ka nga. I bet, you will regret this. Akala mo nakakatuwa ka na sa pag-uutos mo sakin kahit mga bagay na diko kaya ha. Tingnan lang natin.
Pumili na akong kanita saka tumayo. “This song is dedicated for you Kamahalan.”