Chelsea POVUmagang umaga andito ako sa kotse ni Kyle. Papasok na sana ako sa school kaso bigla naman akong sinundo ni Kyle. Hindi daw kami papasok dahil aalagaan at pagsisilbihan ko sya. Kainis. Ang sabi pa niya, tumawag na raw sya sa school para i-excuse ako.
Mas gugustuhin ko pang makinig sa boring na subject kesa alagaan si Kyle. Ang sungit-sungit niyan eh.
“We're here.”
Hindi ko namalayan nakapasok na pala kami dito sa bakuran ng mansyon nina Kyle. Bumaba ako at tumingin kay Kyle. “Anong gagawin ko dito?”
“Ano bang ginagawa ng slave?” masungit na sagot niya.
Hm, sungit talaga. Ungentlemen pa. Buti pa si Adrian pinagbubukas pa'ko ng pinto sa kotse nya. Oo nga pala, nagtext ako kay Adrian kanina na hindi ako makakapasok kaya wag nya ko sunduin. Alam na nya yun kung bakit.
Sumunod lang ako kay Kyle hanggang kwarto nya. Pagpasok namin, nilapag ko na agad yung bag ko sa may table sa gilid ng pinto tapos nag-start na ako agad mag-imis-imis ng kalat.
“Ang dami mo namang kalat.” reklamo ko.
Paano ba naman, lahat na lang gulo-gulo. Pasalamat sya masipag ako at sanay ako sa gawaing bahay.
“WALA KANG PAKIALAM."
Sabi ko nga po. Oo nga pala, kahapon hindi nya nabigay sweldo ko kasi nasa ospital siya. Ngayon daw nya ibibigay plus talent fee daw dahil absent ako. Hehe, madami nakong maiipon.
“Psh.” sumimangot lang si Kyle saka humarap na dun sa desktop niya.
Wala ba siyang ibang ginagawa dito kung hindi ang mag-computer? Kahit papaano marunong naman ako magcomputer, mag-type, kasi may computer subject. Facebook lang talaga ang diko alam paano. Hehe.
Habang nag-iimis di ko mapigilan mapatingin sa desktop ni Kyle, may pinapanood siyang anime eh, parang naruto yata yun.
Kage bunshin technique! YAAAAAA!
Alam ko yun eh.
“Hoy nobody, tumawag ka dun sa intercom, sabihin mo dalhan na ako ng pagkain for two.” utos ni Kyle sa'kin
“For two?” ulit ko
“Hindi, for three.” sarkastikong sabi nya.
Nag-make-face ako. “Pilosopo.” bulong ko.
“May sinasabi ka?” masungit nyang tanong
“Wala po kamahalan, eto po susunod na nga sa utos nyo.” sabi ko.
Bakit ba ganyan kasungit yang si Kyle? Nagtataka nga ako paano naging close sila nina Lance at Adrian. Si Lance sobrang tahimik, walang emosyon lagi. Si Adrian naman super bait at approachable. Tapos 'tong si Kyle, walang modo at masama ugali, hilig pa manigaw.
Paano sila naging compatible sa isa't isa? CURIOUS LANG AKO.
“BUTLER, Gutom na daw po si Kyle. Pahatid po daw kayo ng pagkain dito sa kwarto niya for two.” sabi ko sa intercom.
Sosyal talaga 'tong si Kyle. Hindi na niya kailangang lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para kumain. Nagpapahatid nalang dito sa kwarto nya. Bakit nga ba dito pa sya nakain sa kwarto nya?
Bzzzzttt..
Wag ka, door buzzer yan.
Grabe naman ang bilis dumating ng pagkain. At may waiter pang kasama si Butler na nagtutulak nung cart na may nakapatong na pagkain. Mukhang ang dami ah. Pakainin kaya ako ni Kyle? Gutom na ako eh. Nag-kape at pandesal lang kaya ako kanina bago umalis ng bahay.