Sleep is for the weak.
Hoping is for the weak.
Love is for the weak.
Hindi na alam ni Ann kung ano ang iisipin. Masakit. Mahirap. Pero siya ang nang-iwan. Kaya magtiis siya. Sa sakit. Sa pagkalito. Sa pagtingin kay Oasis mula sa malayo.
"Damn." Mahina niyang usal nang makita ang lalaking papasok na ngayon sa kanyang sasakyan. Sumasakit talaga ang puso niya tuwing nakikita niya ang binata. Ilang araw na ba siyang ganito? Ilang araw na ba siyang parang timang na nakaabang sa bawat galaw ni Oasis?
She's being dumped, being ignored...pero heto pa rin siya at umaasa. Umaasang sana ay kausapin siya. Umaaasang sana ay pagbigyan pa siya ni Oasis. Kahit isang beses na lang, kahit panghuli niya. She will promise he will never regret it. She will promise to never leave.
Abala pa rin si Ann sa ginagawang pagtingin kay Oasis. Nakasakay na ito sa loob ng sasakyan. Napabuntong-hininga siya. Gumuhit ang isang mapait na ngiti sa kanyang labi nang maalala ang isang pangyayari noon.
"Walang magsusundo sa akin!" Sigaw ni Ann habang lakad-takbong sinusundan si Oasis.
"Problema ko?!" Masungit na sagot ni Oasis sa babaeng nakasunod sa kanya.
"Ihatid mo ako." Tumigil na si Ann sa paghabol kay Oasis at nakapamaywang na hinintay ang pagharap ng lalaki sa kanya. She knows him damn well. Lilingunin siya ni Oasis.
At lumingon nga ang galit na mukha nito!
"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM, ANDREA?!" Imbes na magalit ay nginitian pa ni Ann si Oasis.
Nababaliw na nga yata ako. Sambit ni Ann sa sarili.
"Hindi ko trip ang maglakad pauwi, Oasis." Sagot ni Ann sa nag-aalburutong lalaki.
"Ikukuha kita ng taxi." huminahon na si Oasis at akmang hahakbang papunta sa labas ng gate.
"Gusto kong sumakay sa sasakyan mo." walang pakundangang sabi ni Ann sa lalaki. Naningkit ang mga mata ni Oasis nang lingunin niya ang nakangiting dalaga.
"Hell will freeze bago kita pasakayin sa kotse ko-"
Ngunit 'di na naituloy ni Oasis ang sasabihin...kasi ayon na ang makulit na babae at binubuksan na ang pinto ng passenger side ng kotse niya.
Just what the fvck!
Wala ng nagawa si Oasis nang tuluyan ng makapasok si Ann sa kanyang kotse. Naipikit niya angk anyang mga mata. Nag-ipon ng hangin sa baga bago marahas na huminga at naglakad patungo sa sasakyan.
Ngumiti ulit nang mapait si Ann. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay si Oasis na palagi ang naghahatid sa kanya pauwi. Pinagalitan na siya ni Christian at ng daddy niya pero hindi pa rin siya nagpaawat. Walang titinag sa pag-iibigan nilang siya lang ata ang die hard fan.
Umaasa kasi ako.
Bwesit! Umasa kasi siya. Umasa siyang baka may maramdaman si Oasis sa kanya. Umasa siya. Bakit pa kasi itinugma ni Oasis ang schedule nito sa kanya? Umasa tuloy siya. Bakit kasi pinapayagan na siya ni Oasis na manggulo sa tahimik nitong buhay? Umasa tuloy siya.
Naiiyak na siya. Sobra. Ang sakit pala.
Naagaw ng tunog ng nag-iingay na cellphone ang atensyon niya. Agad niyang tiningnan kung sino kaya ang tumatawag sa kanya. Si Christian. Agad niyang sinagot ang tawag at pinilit na pasayahin ang boses.
"Christian! Wazzup?" Masigla niyang bati sa kapatid.
"Umalis ka na riyan, Ann. Nagmumukha ka lang tanga." Malamig na sambit ni Christian bago tinapos ang tawag niya.
Napaawang ang labi niya at napatingin ulit kay Oasis.
Oo. Nagmumukha na siyang tanga.
Masakit.
Nakakabobo.
Pero walang sukuan ang laban na ito.
BINABASA MO ANG
Oasis
FanfictionAnn left Oasis three years ago. Wala man lang paalam, o 'di kaya'y rason ng kanyang paglisan. Basta na lamang niya nilayasan ang lalaki. Oasis has been Ann's inspiration since she was eleven years old. Kaibigan ito ng kanyang nakakatandang kapatid n...