"This feels awkward." Natatawang anas niya nang pareho na silang nakahiga ni Oasis sa kama nito.
Maga-alas nuwebe na ng gabi. Isang oras na rin silang nakauwi mula sa first official date nila.
"Why?" Taas kilay na tanong ni Oasis sa kanya. Tumagilid pa ng higa ang lalake para mas lalo siyang masilayan.
"Tayo." Aniya at iminuwestra silang dalawa. "I just feel awkward about you dating me."
"Kasi..."
"Kasi may anak na tayo, Oasis. I feel old doing stuffs like dating." Aniya at umayos ng higa. Nakataob siya habang nakatingin sa binata.
"So what do you suggest? Kung ayaw mo magdate, ano pala ang gusto mong gawin natin?" Tanong nito habang nilalaro ang mga hibla ng buhok niya.
"Hmmm...."
"Something...explicit?" Natawa siya nang malakas dahil sa sinabi ni Oasis. Nasapak niya ang lalake na ikinatawa rin nito.
"I missed your laughter." Anas ni Oasis na nakapagpatahimik sa kanya. Pinaglandas niya ang kanyang kamay sa panga ng lalake hanggang sa dumako iyon sa labi nito.
"How come na minahal mo ako, Oasis?" Tanong niya sa lalake.
"Matagal na kitang mahal, Ann, FYI. Tulad nung sinabi ko, nagbitiw ako ng pangako kay Christian na hindi muna kita liligawan. That I will wait until you graduated from college." Sagot ni Oasis sa kanya at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. "But you are too much for me to handle." Napangiti siya at hinalikan ang lalake sa labi nito.
"I missed kissing you." Sabi niya na nakatingin sa labi ni Oasis. "But I want to be a doctor first, Oasis."
Napakunot ang noo ni Oasis dahil sa sinabi niya. "What's with kissing me and you becoming a doctor?" Taas-kilay na tanong nito sa kanya.
"I know, in my heart and soul, kapag nagsimula tayong maghalikan, may pupuntahan talaga iyon. Lalo na at tayong dalawa lang dito." Aniya sa binata at umayos ng higa sa kama nila.
"So?" Hindi pa rin maintindihan ng lalake ang punto niya.
"Baka mabuntis ako, Oasis. Mag-aaral muna ako, pwede ba?" Aniya nang maramdaman niya ang kamay nito sa may beywang niya.
"Bakit? Kaya naman kitang buhayin, Ann. Kahit maging sampu pa ang anak natin, hindi ako magrereklamo." Natatawang sambit nito sa kanya. Napailing-iling siya. Baliw talaga minsan 'tong lalakeng ito.
"Oasis, magtigi-"
"Oasis?" Natigil siya nang may marinig na boses babae na tumatawag sa pangalan ni Oasis.
"Sino iyon?" Nabaling ang mukha niya sa ngayo'y seryosong mukha ni Oasis. Hindi siya sinagot ng lalake.
"Oasis...sino iyon?" Ulit na tanong niya sa lalake.
"Just wait in here." Anito at mabilis na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama.
Nakamasid lang siya sa bawat kilos ng lalake. Seryoso ang mukha ni Oasis nang umalis ng kwarto.
He asked her to stay here...pero hindi siya tanga.
Nagbihis siya ng t-shirt at shorts bago lumabas ng silid nilang dalawa.
Hinanap niya sa sala si Oasis at ang bisita nito pero wala siyang nakita. Lalabas na sana siya ng bahay nang maulingan niya ang boses ng babae mula sa veranda ng bahay.
"Oh! So, you're back together then?" Narinig niyang tanong ng babae kay Oasis.
"Yes." Sagot ni Oasis sa tanong ng babae.
Pinagmasdan niya ang babae. Maganda ito, mestiza, sakto sa tangkad. She has a body to die for, at masyado itong nakadikit sa katawan ni Oasis.
"So, what are we gonna do now?" Tanong ulit ng babae habang hinahaplos-haplos ang mukha ni Oasis.
"We need to stop this, Josephine." Ani Oasis at tinanggal ang kamay ng babae sa mukha nito.
"You never said it earlier. Napalitan mo na ba ang kama mo sa kwarto? We had sex in your bed these past few weeks, Oasis. Akala ko ay wala na siya sa iyo. Kailan ba siya bumalik? Five? Six months ago? But we still fvck each other on a regular ba-"
"Stop." Putol ni Oasis sa sasabihin pa sana ng babae.
"What we have, whatever it is between us, it's a casual thing. You know it from the start, Josephine." Dagdag ni Oasis sa sinabi nito. "I don't feel anything for you."
"I know." Ngumiti ang babaeng nagngangalang Josephine. "I'll go then." At hinalikan si Oasis sa labi nito. It was not a simple kiss. It is not a smack. She saw how her tongue brushed Oasis' lips.
"Iyong mga gamit ko pala na naiwan dito, nasa kwarto mo or..."
"Nasa guestroom. Dadalhin ko na lang sa office bukas." Ani Oasis at bumuga ng hangin.
"Bye, Oasis. I'm going." Paalam ng babae.
Gustong niyang magtago...pero magmumukha lang siyang tanga. So she stood her ground. Hindi siya umalis, she will face the woman. And Oasis.
Hindi niya maipaliwanag ang sakit na naramdaman niya. Gosh! Anim na buwan na siyang nakabalik! Anim na buwan na! But that woman said that Oasis and her just had sex weeks ago.
"Oh!" Napasinghap ang babaeng nagngangalang Josephine. "You were there? The whole time?" Gulat na tanong nito sa kanya.
"Yes." Pilit niya ang sarili na maging matapang. She won't cry.
"You heard our-"
"Yes. Everything." Putol niya sa katanungan ng babae.
Hindi na nakasagot ang babae. Nagtitigan lang silang dalawa. Lumitaw sa likod nito si Oasis nanakatungo habang naglalakad, dahilan kung bakit nabunggo nito ang babaeng nagngangalang Josephine.
"Ann?! Hindi ba't sinabi ko-"
"Manatili sa kwarto? Why? Para hindi ko marinig ang usapan ninyo?" She was trying to hold back her tears. Ayaw niyang maiyak sa harapan ng dalawang ito.
"You can collect your stuffs at the guestroom." Sabi niya sa babae Nagkatinginan pa ito at si Oasis. Para bang tinatanong nito ang lalake kung susundin ba siya. "Go! Get it. Nandito ka na rin lang." Dagdag na sabi niya bago tumalikod sa dalawa.
"Wait, Ann. I can explain-"
"I don't need it. It's okay, Oasis. I understand." Aniya at tinakbo ang hagdanan patungo sa kwarto ni Oasis.
Nang makapasok na siya'y dumiretso siya sa kwarto ng kanyang anak. Inilock niya ang pinto at doon hinayaan ang sariling umiyak.
Pamaya-maya pa'y narinig niya ang mga yabag papalapit sa pinto.
"Open the door." Narinig niya ang boses ni Oasis mula sa kabilang bahagi ng pinto.
"I want to rest, Oasis." Sagot niya sa lalake.
"Dito ka na matulog." Napaiyak siyang lalo dahil sa sinabi nito. He will let her sleep? Sa kama kung saan nagparaos ito at ang babae nito?
"No." She answered in between her cries.
"I'll explain-"
"No need. You don't need to." Aniya at pinunasan ang mga luha niya. "Wala tayong relasyon at the first place. Until now, wala pa rin. We're just parents to our child."
Matagal na bumalot sa kanila ang nakakabinging katahimikan. Bawat segundo, pakiramdam niya ay mas lalo siyang dinudurog sa sakit na nararamdaman.
"I thought we're okay?" Her heart broke into pieces hearing his voice filled with agony.
"I thought so too, Oasis." At tuluyan na siyang humagulgol.
Next update: 2 days :)
BINABASA MO ANG
Oasis
FanfictionAnn left Oasis three years ago. Wala man lang paalam, o 'di kaya'y rason ng kanyang paglisan. Basta na lamang niya nilayasan ang lalaki. Oasis has been Ann's inspiration since she was eleven years old. Kaibigan ito ng kanyang nakakatandang kapatid n...