21

129 7 5
                                    

UNEDITED!

Pagkatapos nilang mag-breakfast ay inihatid nila si Rara sa opisina ni Christian.

Naabutan nilang nagtatalo na naman as usual ang mag-amo. Natigil lamang yata sa kanilang bangayan sina Lil Saint at Christian nang dumating sila. Sinugod agad ng yakap ni Rara ang tiyuhin nito. Halatang namiss nila ang isa't-isa. Paano kasi'y nasanay na rin si Rara kay Christian na palaging nakikipaglaro sa bata. Spoiled si Rara sa kuya niya at daddy.

Plano nila ni Oasis na bisitahin lang si Christian doon, ngunit nakiusap si Christian na hihiramin muna si Rara kahit na dalawang araw lang, para naman makabawi si Christian sa pamangkin nito. Umuwi rin kasi ang daddy nila mula New York. Gusto rin makita ng matandang Quirol ang apo nito.

Lulan na sila ngayon sa sasakyan ni Oasis. Niyaya siya ng binata na magdate ngayon. Pumunta sa mga lugar na pinupuntahan nila dati.

Buong araw silang nagtanong sa isa't-isa. How were they for the past three years.

"Bakit natagalan ang pagbalik mo?" Singit na tanong ni Oasis habang nagmamaneho.

"Hmmm." Naisip niya na kailangan din niyang sabihin kay Oasis ang nangyari sa kanya dati. Kung bakit natagalan siya sa pagbalik. "I have an accident, Oasis."

"What?!" Bigla ay naapakan ni Oasis ang brake. "Anong aksidente?"

"Kakapanganak ko pa lang kay Rara noon. Two days to be exact. Pauwi na kami nung araw na iyon. Nagtaxi na lang kami kasama iyong yaya ni Rara kasi delayed ang flight ni Christian." Naninikip ang dibdib niya nang maalala ang malagim na aksidenteng iyon.

"Binangga kami ng isang bus. Sapol iyong parte kung nasaan ako. I am shocked, but I was more scared for Rara. Hawak ko kasi siya noong panahon na iyon, Oasis." Nanginginig ang boses na salaysay niya. "She was still too tiny, too fragile. Naramdaman ko ang matulis na bagay na tumusok sa tagiliran ko. I know that blood was gushing out of that open wound. Nanghihina pa ako nun. Mabuti na lang conscious pa ang Yaya ni Rara. Ibinigay ko sa kanya si Rara para masiguro ang kaligtasan niya. Pinalabas ko sila sa taxi." Tumulo ang luha sa kanyang mga mata na agad namang pinunasan ni Oasis.

Hindi niya namalayan na nakapark na pala sila sa isang parke.

"Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong nakalabas na ang yaya bitbit si Rara. Nasa sidewalk na sila nung huli ko silang tingnan. So I waited there for help, pero...pero nagkaroon ulit ng collision. Nawalan ng preno ang truck ng semento at sumalpok sa amin. Hindi ko na alam kung anong nangyari. Ang huli kong natandaan ay tumama ang ulo ko sa matigas na bagay. Nadaganan ang taxi na sinasakyan ko. Everything after that was blurry until I blacked out." Napahikbi na siya habang sinasalaysay iyon.

"Sabi ko noon, six months lang. Six months lang akong lalayo sa iyo. Enough for Rara to ride a plane. Baka kasi 'di kayanin ng tainga niya ang high altitude. But I was in coma for almost a year, Oasis." Kagat ang labing kwento ni Ann sa binata. Nakatingin siya labas, pilit na nililimot ang malagim na kaganapang iyon.

"I missed Rara's first step, first words, first smile, first solid food. Ang dami kong namiss, Oasis." Humagulgol na siya ng iyak. "When I woke up, pinangako ko sa sarili kong hahanapin kita. Ipapakilala si Rara sa iyo. I don't care if you hate me, pero papatayin talaga kita kapag dinamay mo ang anak natin. Life is too short, narealize ko iyan nang magkamalay ako."

Matagal silang nanahimik sa loob ng sasakyan.

"You went through so much pain." Ani Oasis at tumingin sa gawi ng bintana nito. "Fvck!"

"Past is past, Oasis. I told you, life is too short para sa kahit anong form ng pagsisisi. I am happy." Sabi niya at ginagap ang kamay ng binata.

"You make me happy, Oasis. Everytime I see you with our daughter, unti-unti mong binubura ang pangit na alaala ng kahapon ko." Sabi niya at dinampian ng halik ang likod ng palad ni Oasis.

Naramdaman niyang hinaplos ng lalake ang kanyang pisngi. Mataman silang nagtitigan.

They both have suffered too much. Pareho silang nagmahal, parehong nasaktan, pero heto sila ngayon, handang kalimutan ang nakaraan at handang magmahal muli.

"I'm lucky to have someone as strong as you." Ani Oasis habang hinahaplos ng likod ng palad nito ang kanyang mukha.

"Mas swerte ako kasi mahal ako nang mahal ko." Nakangiti niyang sambit habang pinipigil ang luhang nagbabadyang pumatak.

"May mahal bang hindi namamansin? I'm such a pain in the ass. I'm an asshole for ignoring you." Anito at marahang sinampas ang manibela ng sasakyan. "Fvck. I can't believe this!"

"Things happen-"

"At nagawang ilihim ni Christian ang lahat ng ito sa akin? That fvcker!" Natawa na siya sa nakikitang galit sa mukha ng binata.

"Ang kulit talaga. Hindi tayo makakamove-on kung puro past ang iisipin natin, Oasis."

"Gusto kong suntukin ang sarili ko." Sukat sa sinabi ng binata ay napahagalpak siya ng tawa.

"Asus! Ang arte mo ha." Aniya at tiningnan ang magkahugpong nilang kamay.

"Is it true? You really love me then?" Namumula niyang tanong kay Oasis.

"Is it true? Nung sinabi mong walang namamagitan sa atin, na nagsasama lang tayo para kay Rara?" Balik-tanong ni Oasis sa kanya.

"Hala! Kailan ko sinabi 'yan?" Taka niyang tanong sa binata.

"Kapahon. Sa parking lot ng Woodsen. I swear, nakapatay siguro ako ng tao kahapon." Ang tinutukoy nito ay si Dominic malamang.

"Kasi pinapamukha mo sa akin na lahat ng ginagawa mo para sa akin ay dahil kay Rara." Pagmamaktol niya.

"Geez. Pinagseselosan mo si Rara?" Nakatawang tanong nito sa kanya.

"Of course not! Kaso...ano-"

"Kaso nagseselos ka nga?" Si Oasis.

"Hindi nga! Ano lang kasi...pinapamukha mo kasi sa akin na hindi ako importante." Nakanguso niyang sabi.

"May hindi ba importante na itinatabi sa pagtulog sa kama? Nagseselos kapag may kumakausap sa iyo na iba, huh, Andrea?" Ani Oasis sa kanya na nakangiti.

"Sus! ikaw pala 'tong nagseselos e." Aniya at nakangiting bumaling kay Oasis.

"Oo." Pag-amin ng lalake. "Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita."

Naumid ang dila niya sa sinabing iyon ni Oasis.

"T-teka. Kailangan kong h-huminga. Oxygen. Oxygen." Aniya sa kanyang sarili.

Napabunghalit ng tawa si Oasis dahil sa ginagawa niyang pagpaypay sa sarili gamit ang kanyang kamay.

"Huwag kang magulo, Oasis. Natitense ako." Maktol niya sa lalake.

"Manhid." Si Oasis.

"Cold." Ganti niya.

"Manhid ka lang kaya 'di mo maramdaman." Talo talaga siya sa binata pagdating sa ganito.

"Oo na. Oo na. Pasalamat ka't mahal na mahal kita." Pabulong niyang sabi.

"Ano 'yon?" Ani Oasis. Alam naman niyang narinig ng lalake ang sinabi niya. Gusto lang talaga siyang itorture.

"Sabi ko, mahal na mahal po kita." Siya.

"Paulit. Isa pa." Ang kulit ni Oasis sobra!

"Mahal kita." Kinikilig na talaga siya sa upuan niya.

"Hindi ko masyadong marinig e. Isa pa." Pinagloloko na yata siya ni Oasis. Paulit-ulit lang? Huhu! Mawawalan na siya ng Oxygen nito.

"I love you, Oasis Patriar. Mahal na mahal na mahal kita." Aniya sa malakas na boses. "Gets mo?"

"Gets ko." Anito at marahang inilapit ang mukha nito sa mukha niya. "And you should be a Patriar soon, Ann. Ikaw na lang ang outcast sa pamilyang ito. Ayaw ko ng ganoon, mahal na mahal na mahal pa man din kita."

And he sealed her mouth with a kiss.

OasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon