Three days after...
"What are your plans for today?" Narinig niyang tanong ni Oasis sa kanya habang nagmamaneho ito patungo sa ospital na pinagtatrabahuan nito.
He is one of the resident doctor of the said institution. Isang linggo na lang at matatapos na ang pagtuturo nito sa Woodsen. He is more than excited to drop her at Woodsen, pati pagsundo ay ito na rin daw ang gagawa para hindi na maabala si Christian.
They decided to take it slowly, gusto niyang segurado na silang dalawa sa mga desisyong gagawin nila. Tinanggihan niya ang binata nang inimungkahi nitong bumalik ulit silang mag-ina sa bahay nito.
Napag-usapan na nila ang lahat ng problema sa pagitan nilang dalawa. Natanong na niya si Oasis sa mga bagay na bumabagabag sa kanya. It wasn't easy to forget, but he is worth it.
They are worth another try. He is the only man I loved, and will love until forever ends.
"Pagkatapos ng interview para sa internship ko? Wala na." Sagot niya sa binata. Tiningnan niya si Oasis na nakatuon pa rin ang atensyon sa daan, ang isang kamay nito ay nasa manibela at ang isa nama'y nakahawak sa kanyang kamay.
"How about lunch?"
"Hindi ka ba busy sa mga pasyente mo?" May pag-aalalang tanong niya sa binata. Lagi na lang silang sabay maglunch at dinner. Masaya siya na bumabawi sa kanya si Oasis sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras para sa kanilang dalawa, pero nag-aalala siyang baka makaapekto siya sa trabaho ng lalaki.
"I have my lunch break, Ann. I will be doing my rounds in the morning, sa hapon pa ako maga-aassist kay Dr. Clavel. Isa pa'y nasa iisang lugar lang naman tayo. May restaurant ilang kanto lang mula sa ospital, doon na lang tayo maglunch."
Napatango na lamang ang dalaga sa sinabi ni Oasis. Ano pa ba ang maisasagot niya doon? Tapos ang usapan, sabay silang magla-lunch.
Biglang tinambol ng kaba ang dibdib ni Ann nang matanaw na niya ang malaking signage ng ospital.
Chong Hua Hospital.
"Do well in your interview, baby. Kaya mo 'yan." Pagpapalakas ni Oasis sa kanyang kalooban.
"Sa tingin mo, tatanggapin kaya ako rito?" Napatingin siya sa malaking gusali na nasa harapan niya.
Chong Hua Hospital is one of the most respected medical institution, not only in Cebu, but in the whole archipelago.
"May hindi ka pa ba kayang gawin, Ann?"
"Seryoso ako. Gosh! Nanginginig ang kamay ko." Natatawa pa siya sa sarili pero ang totoo ay gusto na niya tumakbo pauwi.
"You can do it, baby." Sabi nito at umibis na ng sasakyan. Gumilid ito patungo sa pintuan niya at pinagbuksan siya ng pinto.
Magkahawak-kamay silang pumasok sa loob ng ospital. Imbes na sa entrance ng gusali ay sa emergency unit sila dumaan. Aangal sana siya ngunit wala na siyang nagawa nang hilahin siya ni Oasis papasok doon.
"Bawal 'to." Pabulong niyang wika kay Oasis.
"Doktor ako sa ospital na ito, Ann." Naikot niya ang kanyang mga mata sa isinagot sa kanya ng lalaki.
"Oo, doktor ka. Paano ako?"
"Kargo na kita." Sumulyap si Oasis sa kanya sabay ngiti.
Anak ng tupa! Parang naging gelatin bigla ang mga tuhod niya.
"Good morning po, Doctor Patriar!" Nakangiting bati ng isang nurse nang madaanan nila malapit sa nurse station.
"Good morning, Beth." Bati ni Oasis sa babae, hindi man lang sinuklian ang matamis na ngiti nito.
Napatingin sa kanya ang babae at napaangat ng kilay nang dumapo ang tingin nito sa magkahugpong na kamay nila ni Oasis.
Problema neto? Sa isip-isip niya.
Well, hindi niya masisisi iyong nurse na nagngangalang Beth. Ang gwapo at propesyunal tingnan ni Oasis sa suot nitong navy blue polo na napailaliman ng puting doctor's gown.
Bakit ba kasi ang gwapo nito masyado? Tapos hindi pa ngumingiti, lalo tuloy nahuhumaling ang mga kababaihan dito.
"Saan ka ba nakaassign ngayon?" Tanong niya kay Oasis nang nasa lobby na sila ng ospital.
May interview siya ngayon sa direktor mismo ng ospital, kinakabahan siya sa kalalabasan niyon. Gusto niyang makapasok sa institusyong ito para mas mahasa pa ang kanyang abilidad sa pagiging doktor.
"May iilang pasyente akong titingnan, nasa ICU sila at kritikal. Kailangan ng close monitoring kung may improvement ba sa kondisyon nila. Iyong isa, naka-life support na lang. The family needs to decide whether they will continue the treatment o ire-release na lang ang pasyente." Imporma ni Oasis sa kanya habang inaalalayan siya patungo sa elevator. "Tawagan mo lang ako kapag tapos ka na sa interview mo."
"Wala na ba talagang pag-asa iyong pasyenteng sinasabi mo, Oasis?" Tanong niya sa binata habang tinitingnan ang elevator buttons.
Napabuntong-hininga si Oasis bago sumagot. "Ginawa na namin ang lahat, Ann. Sumuko na talaga ang katawan niya sa dami ng treatment na dinaanan nito."
Napahilig ang dalaga sa balikat ni Oasis. It must be hard for him seeing the patient's condition, pero trabaho nila iyon e.
"Ano ang iniisip mo?" Tanong ng binata sa kanya.
"Hindi ko kakayanin kapag isa sa inyo ang mawawala sa akin."
Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak ng binata sa kanyang beywang bago siya hinila paharap dito.
"We will never lose each other again, baby."
BINABASA MO ANG
Oasis
FanfictionAnn left Oasis three years ago. Wala man lang paalam, o 'di kaya'y rason ng kanyang paglisan. Basta na lamang niya nilayasan ang lalaki. Oasis has been Ann's inspiration since she was eleven years old. Kaibigan ito ng kanyang nakakatandang kapatid n...