4

133 8 17
                                    


Loving can hurt.

Loving can hurt sometime.

But it's the only thing that I know.


Tanga.

Ako 'yon. Sobrang ako 'yon.

Ann have his phone number. Kating-kati na siyang i-text si Oasis. Online ang binata sa Facebook. Gustong-gusto niya talagang i-chat. Pero kakausapin pa kaya siya ni Oasis? May puwang pa ba siya sa buhay ng binata?

Bahala na. Walang mangyayari kung wala akong gagawin. Pero 'diba at noon ba ako may ginawa? Bakit hanggang ngayon 'di pa rin niya ako kinakausap? Ang daming tanong sa isip ni Ann. Sobrang mababaliw na siya sa kakaisip ng tanong at mga posibleng sagot sa mga katanungang iyon.

Patapos na ang semester. Oo, higit sa limang buwan na siyang nagpaparamdam sa binata, nakasunod sa bawat galaw nito. Kailangan na niyang tapusin ang habulan, once and for all, kailangan na nilang magkalinawan ni Oasis. Kasi nakakapagod na. Kailangan lang naman niyang marinig mula mismo sa bibig ni Oasis na tumigil na siya sa kahibangan niya. 

Kasi titigil talaga siya. Kahit masakit. Ititigil niya.

Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Agad niyang dinampot ang kanyang cellphone at iwinaglit na ang sariling kahihiyan.

-- Sat, Oct. 22, 2016 --

09:35am

Ann: I need to talk to you. 

Ann: Kahit last na.

Ann: Hinding-hindi na kita guguluhin.

Seen 09:45am

Oasis: typing...


Napalunok si Ann sa kanyang nakikita. Si Oasis...nagtitipa? 


09:50am

Oasis: Hindi pa ka ba napapagod?!

Ann: Ikaw, hindi ka rin ba napapagod?

Oasis: I don't have time for your bullshits, Ann.

Ann: Aalis na ako pagkatapos kitang kausapin. Aalis na ako for good, hindi na kita guguluhin ever. I promise you that. Basta makipag-usap ka lang sa akin ngayon.


I am so desperate. God!


10:10am

Oasis: Aalis ka na naman? Iyan na lang ba ang kaya mong gawin ngayon?

Ann: Anything. I'll do anything, Oasis. Magkausap lang tayo. I need to explain everything. I need to explain why I left.

Oasis. You will explain to me why you left years ago...tapos aalis ka ulit? What's the use Ms. Quirol?

Ann: Oasis. Please.

Oasis: Wala ka bang pasok ngayon?

Ann: Wala na. Natapos ko na lahat ng projects ko kaya wala na. Wala na akong kakailanganin doon sa school.

Seen 10:20am


Kinabahan ako. Bakit ang tagal niyang magreply?


10:30am

Oasis: Okay. Papayag ako na magkita tayo. In one condition...

Ann: What?

Oasis: Huwag ka ng umalis pagkatapos.


Nabigla ako sa hiningi niyang kondisyon. May nagliliparing paru-paru sa aking tiyan. Why? 


10:37am

Ann: Why?

Oasis: Ginulo mo ang Registrar para makapasok ulit sa Woodsen. Ngayon guguluhin mo na naman para magtransfer ng records mo kapag umalis ka?


Nanlumo ako. Ang records ko lang pala at ang Woodsen ang inaalala niya. Paasa.


10:40am

Ann: Okay. Sa coffee shop na lang na paborito ko tayo magkita. Mga 1:00PM.

Oasis: Nope. Sa bahay niyo na ako pupunta. 

Ann: Huh?! Wala si Christian dito.

Oasis: Alam ko. Kaya nga pupunta ako riyan.

Ann: Oh. Okay. See you.


Shit! Shit! Shit! Pupunta siya sa bahay! Pupunta siya! Teka, kailangan kong maglinis. Kailangan kong maligo. Kailangan kong ihanda ang sarili ko. T-teka, marami kaya akong stock ng tissue rito? Kailangan ko iyon mamaya. Babaha ng luha rito mamaya kaya kailangan kong bumili ng kahit tatlong box ng tissue. Shit!

OasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon