10

150 10 15
                                    

15th floor.

Ang buong palapag ng gusaling iyon ay opisina ni Christian.

O kung opisina man iyong matatawag base na rin sa mga laruang nagkalat sa buong silid. May miniature slide pa sa isang gilid ng opisina ng lalake.

"Hi Christian." Masiglang bati ni Ann sa kapatid na abala sa pagtitig sa monitor ng laptop nito.

"Hi." Ganting bati ni Christian na di man lang siya tinapunan ng tingin.

"Christian...k-kasama ko pala si Oasis." Ani Ann at tinuro ang gawi ng lalaking kasama...na naestatwa na sa harapan ng anak nila.

"Ahh, okay papa- teka...ano ulit sinabi mo?!" Bulalas ni Christian kay Ann at agad lumipad ang paningin ng lalaki sa gawi ng pintuan. "Oh shit! Si Rara." Malutong na nagmura ang kapatid niya at mabilis na dinaluhan ang pamangkin nito.

"Rara, sweetiepie." Panlalambing ni Christian sa bata. "Punta ka muna sa witch, baby. May kailangan lang gawin si mommy at tito sa office." Ani Christian at akmang hihilahin si Rara palabas ng opisina nang pigilan ito ni Oasis.

"Saan mo dadalhin ang anak ko, Christian?" May nagbabantang galit na makikita sa mga mata ni Oasis sa uri ng pagkakatitig niya kay Christian.

"Back-off, Oasis. Kaibigan kita pero kapatid ko ang involve dito kaya hindi ko siya pwedeng pabayaan. Isa pa, pamangkin ko ang pinag-uusapan dito." Ani Christian at nakipagsukatan ng tingin kay Oasis.

"Anak ko si Rara." Mariing giit ni Oasis.

"Bakit? Sinabi ko bang hindi?" Pilosopong sagot ni Christian. "We are both assholes in here, Oasis. Pero wag mo idamay ang pamangkin ko kung ayaw mong ibalibag kita palabas ng opisina ko." Banta ni Christian.

Lumambot ulit ang ekspresyon ng mukha ni Christian at dinukwang ang pamangkin. "Sweetiepie, hintayin mo na lang kami sa labas ha?" Pinisil-pisil pa ni Christian ang pisngi ng bata bago tinakpan ang tainga nito.

"Pvtang ina! Nasaan na ba ang babaeng 'yon?" Gigil na bulalas ni Christian. "Lil Saint!!!"

Prenteng lumabas si Lil Saint mula sa opisina nitong nasa labas lang din ng opisina ni Christian.

"O?"

"Anong "O?"? Si Rara, kunin mo muna." Ani Christian sabay hila kay Rara papunta kay Lil Saint.

"Anong gagawin ko sa kanya?" Maang na tanong ni Lil Saint sa amo niyang si Christian.

"Malamang, babantayan mo. Bakit? Marunong si Rara gumawa ng business reports?" Pabalang na sagot ni Christian.

Napakunot ang noo ni Ann sa saguta ng mag-amo. Since when did Christian became this...unprofessional?

"Mag-aaway pa ba kayo diyan? Hintayin na lang namin kayo sa loob." Ani Oasis at nagpatiuna ng pumasok sa loob ng opisina ni Christian.

"Tch." Ani Christian at tinalikuran na ang sekretarya nito."Ingatan mo 'yan."

"Ano nga ang gagawin ko sa kanya?" Nandidilat na ang mata ni Lil Saint sa pagtanong kay Christian.

"Ewan ko. Basta bantayan mo. Kapag nagkagalos 'yan hahalikan talaga kita." Ani Christian at tuluyan ng nakapasok sa loob ng opisina.

"Hoy! Bwesit! Bumalik ka rito! Di pa ako tapos magsalita. Napakabastos talaga! Bwesit!" Nanggigigil na si Lil Saint sa galit. Nagmura na rin siya. Mabuti na lang at tinatakpan niya ang tainga ni Rara. Walang magiging problema sa pagitan nila ni Ann.

--

"Anong plano n'yo ngayon?" Pagbubukas ni Christian ng paksa nang makaupo na silang lahat sa loob ng opisina nito.

OasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon