UNEDITED!
Nakarating na sila ng bahay, wala man lang ni isa sa kanila ang nagsalita. nagtaka pa nga si Aling Martha nang magpaalam itong uuwi na. Napatango lamang siya sa ginang at kinuha ang natutulog na si Rara mula rito.
"Salamat, Aling Martha. Iaakyat ko na po si Rara. Ingat po kayo sa pag-uwi." Sabi niya sa ginang at tinunton na ang hagdanan patungo sa silid ni Oasis.
Hindi niya malaman kung bakit sila nag-aaway ng lalake. Wala naman siyang ginagawang masama para makapag-react ito nang ganoon.
Nang makarating sa silid ni Oasis ay dire-diretso na siyang nagtungo sa adjoining room na ginawang silid ni Rara. Wala siyang balak makipagsagutan na naman kay Oasis.
Inihiga niya nang maayos si Rara sa kama at kinumutan ito. Bahagya siyang nangiti nang makitang mahimbing na natutulog ang kanyang anak.
'I'd like to give you the world, Rara. I want to give the best in life for you. Sana ay mapatawad mo ako sa ginawa ko noon, you're deprived of a happy family. Pero pipilitin naman ng daddy mo na ibigay lahat ng pangangailangan mo.' Piping wika niya sa kanyang sarili.
Napabuntong-hininga si Ann sa kanyang kinatatayuan. Nang masigurong hindi na magigising ang anak niya ay nagtungo na siya sa silid ni Oasis. Nanglalagkit na siya at gusto na niyang makapagbihis nang makatulog na siya.
Naabutan niya roon ang binata. Nakapambahay na ito at nakaharap na ngayon sa laptop nito. Tahimik siyang nagtungo sa walk-in closet at kumuha ng mga damit niya. Kung walang balak si Oasis na kausapin siya'y ganoon din naman siya.
Nagpasya na siyang maligo. Pagod siya sa buong araw na klase niya. Ilang semester na lang at matatapos na siya sa kurso niya. Pinangarap niyang maging doktor noon dahil kay Oasis. Rara's father will be a heart surgeon soon. Dalawang taon na lang ang hihintayin ni Oasis para maging ganap na doktor. Alam niyang maliban sa pagtuturo ay isa ring resident doctor sa isang kilalang ospital si Oasis.
Habang siya, pinangarap din maging heart surgeon noon. She has all the intentions to be one, ngunit nag-iba iyon nang ipinanganak niya sa Rara. Now, all she ever wants is to become a pediatrician. Hindi naman sakitin si Rara, pero iba pa rin iyong may adequate knowledge siya tungkol sa mga bata. Malay niya, masundan pa pala si Rara.
Lumabas na siya ng banyo. Nakapagbihis na rin siya ng pantulog. Pinapatuyo na lang niya ang kanyang buhok bago mahiga sa kama. Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bag at nakitang may mensahe doon. Ang tatlo ay galing sa kapatid niyang si Christian at ang apat ay mula sa unknown number.
Christian's messages
Christian: Kamusta na kayo ni Rara? Maayos bang nakakatulog ang pamangkin ko? Kamusta ka? Kayo ni Oasis? Nagkakasakitan ba kayo? Susunduin na ba kita?
Christian: Huwag kang maglilihim sa akin. Kaibigan ko iyan pero kapatid kita.
Christian: Whatever. Basta mag-ingat kayong dalawa ni Rara. And by the way, bisitahin mo rin ako rito sa opisina. Dalhin mo si Rara, okay? Nababagot na ako rito. Ayaw kong kausap ang sekretarya ko.
Napangiti ang dalaga habang binabasa ang mga mensahe galing sa kapatid niya. Ang laki ng pasasalamat niya at naging kapatid niya si Christian. Maloko man ito ngunit nagiging seryoso naman pagdating sa pamangkin nito. Nagtipa ng reply si Ann para sa kapatid.
Ann: Iti-text kita kapag nagka-oras na kami, Christian. Okay lang kami rito, actually nakakatulog ng mahimbing si Rara. May sarili siyang kwarto sa bahay ni Oasis. She's doing good...she's doing great actually.
Tiningnan naman ni Ann ang iba pang messages mula sa unknown number.
Unknown: Oasis here. Ito ang bagong numero ko. Save it.
Napataas ang kilay niya. Alam ni Oasis ang number niya?
Unknown: Sabay na tayong umuwi. Saan ka na?
'Patay!'
Nagtext pala ito kanina?
Unknown: Sino 'yang kausap mo?
Unknown: Get out of that car! Mag-taxi ka! O magpadrop ka kahit saan. I'll fetch you.
Shit!!! bakit hindi siya nagcheck ng messages kanina?
"N-nagtext ka pala kanina?" Nauutal niyang tanong kay Oasis na abala sa pagbabasa nung kung ano sa laptop nito.
Tumango lamang ang lalake. Hindi sumagot. Hindi nga siya tinapunan ng tingin.
"I'm sorry. Hindi kasi ako nagcheck ng mga messages kanina." Paliwanag niya sa lalake. Wala pa ring imik si Oasis kaya hinayaan na lamang niya. Tahimik siyang nagtungo sa kama at nahiga na.
Naramdaman niyang nahiga na rin si Oasis sa kama sa tabi niya. Napaka-awkward ng pakiramdam niya. Alam niyang galit si Oasis sa kanya dahil sa nangyari, hindi nga siya iniimik nito e.
"Huwag ka ng magpapahatid sa kung sino." Narinig niyang wika ng binta sa kanyang likuran.
"Okay." sang-ayon niya.
"Natakot ba kita kanina?" Mayamaya ay tanong nito.
"Medyo. Hindi pa kasi kita...ano...nakitang ganoon." Paputol-putol niyang sagot sa binata.
Napapiksi siya nang maramdaman ang kamay ni Oasis na humawak sa kanyang balikat. Pinaharap siya ng binata sa gawi niya.
"I'm sorry." Napatda siya. Si Oasis, nagso-sorry sa kanya?
"I-it's okay. Misunderstanding lang naman iyon e." Aniya at napabuga ng hangin.
"Is it true? Iyong sinabi mo kanina?" Napakunot ang noo niya sa tanong ni Oasis. Alin doon?
"Anong sinabi ko?" Aniya. "kasi ang dami nung sinabi ko kanina."
"Nevermind. Matulog ka na, alam kong pagod ka." Ani Oasis at nahiga na rin sa tabi niya. "Mind if I hold you?"
Ano raw?!
"H-huh? Ah. Okay lang." Kinakabahan niyang sambit at pilit na ngumiti sa gawi ng binata.
Narinig niyang napahalakhak si Oasis kaya napatingin siya rito.
How she missed this Oasis.
Naramdaman niyang ipinulupot ni Oasis ang kamay nito sa beywang niya at hinigit siya palapit dito. Nakaunan ang ulo niya sa braso ng binata at ang mukha niya ay nasa dibdib nito.
Heaven!
"I missed your scent." Ani Oasis na ikinangiti niya. "Hindi ka nagpalit ng shampoo."
Hindi niya alam kung bakit tuwang-tuwa siya at naaalala pa ni Oasis ang amoy ng buhok niya.
"I-ito kasi iyong...gusto mo." Sagot niya
"Hmmm." Mahinang ungol ni Oasis at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.
"Uhm...Oasis?" Umungol ulit ang binata bilang sagot. "Bakit tayo nagyayakapan?"
Takte! Bakit pa niya tinanong iyon?! Baka itulak siya ni Oasis palayo kapag narealize nitong mali ang yakapin siya.
"Kasi gusto kitang yakapin, Ann. May problema ba roon?" Ani Oasis na nakapagpangiti sa kanya.
"Wala." Nakangiti niyang tugon.
"Kinikilig ka?" Malakas niyang nahampas ang dibdib ni Oasis dahil sa tanong nitong iyon.
"Hoy! Nagsisigawan pa nga tayo kanina! Tapos may pabanat-banat ka nang ganyan sa akin?!" Nag-asta siyang galit. Shit! baka mahalata ni Oasis na kinikilig talaga siya.
"I'm tired of us fighting, Ann. Mag-uusap tayo tungkol sa ginawa mo dati, pero hindi pa ngayon. For now, just let me hold you, okay?" Ani Oasis at niyakap siya ulit.
"Okay."
BINABASA MO ANG
Oasis
FanfictionAnn left Oasis three years ago. Wala man lang paalam, o 'di kaya'y rason ng kanyang paglisan. Basta na lamang niya nilayasan ang lalaki. Oasis has been Ann's inspiration since she was eleven years old. Kaibigan ito ng kanyang nakakatandang kapatid n...