20

106 5 6
                                    

UNEDITED!

"Ann." Marahang tawag sa kanya ng isang boses. "Hey, sleepy head."

Unti-unti siyang nagmulat ng kanyang mga mata at nasilayan ang mukha ni Oasis na nakatunghay sa kanya.

"Good morning." Papungas-pungas na bati niya sa binata. Ganoon pa rin ang posisyon nila nung natulog kagabi, lamang, mas nagsumiksik siya kay Oasis lalo.

Narinig niya ang mahinang tawa ni Oasis bago siya hinalikan sa noo. "Namiss ko ito."

"Hmmm..." Napaungol siya. Paano kasi'y umagang-umaga ngunit pinapakilig na siya ni Oasis. Kung magsisimula ito ngayon, paniguradong quotang-quota na ito sa paglubog ng araw. "Ang sungit mo nga sa akin e."

"That's because we haven't talk, have we?" Ani Oasis na ikinatango niya. Tama ito, kung gusto nilang magkaayos, kailangan nilang mag-usap nang masinsinan.

"Kailangan nga nating mag-usap." Sang-ayon niya kay Oasis. "Pero nagugutom na ako." Reklamo niya at lumayo nang bahagya kay Oasis.

"Let's get up before Rara does." Anito at bumangon na sa kama.

Parang hindi nangyari ang nakalipas na tatlong taon. Oasis held his hand like the way he used to before. Hindi na sila nag-abalang magpalit pa ng damit. Tinawagan na rin ni Oasis si Aling Martha na umabsent ngayong araw.

"What are we cooking?" tanong niya nang makaupo na siya sa mesa. Hindi siya marunong magluto, alam iyon ni Oasis simula pa lamang. Kaya kapag nasa condo siya ng binata noon ay nagdadala siya ng take-out food. Pero nung kinalaunan ay pinagluluto na siya ni Oasis. Aksaya lang daw sa pera ang pagbili niya ng ganoon.

"Ano bang gusto mo?" Tanong sa kanya ni Oasis na nag-iinit ng frying pan.

"Sinangang, itlog, beef tapa, at kapeng barako." Their usual breakfast together.

"Hmmm." May ngiti sa labi ni Oasis nang magtungo ito sa ref para kunin ang ingredients.

"May ingredients ka? Aba, boy scout." Ani Ann at tatawa-tawang tiningnan si Oasis. "Tulungan na kita."  Tatayo na sana siya para tumulong pero pinigil siya ng lalake.

"Maupo ka lang diyan. The last time I took your offer, muntik nang masunog ang condo unit ko." Natatawang wika ni Oasis na ikinabusangot ng mukha niya. Ipaalala ba naman iyon?

"Tch. Hindi ko pa kasi alam paano magluto noon e." Pagmamaktol niya.

"Kaya nga ipagluluto kita, hindi ba? Now, I want you to talk...explain everything to me." Kung dati ay takot siyang pag-usapan ito, ngayon ay palagay na siyang magkakaintindihan sila ni Oasis.

"Hmmm... saan ba ako magsisimula?  Ah! Doon na lang sa eventful night nating dalawa." Namula si Oasis nung sabihin niya iyon. She knows Oasis remembered that night too.

"Bakit sa gabing iyon?" Nakataas kilay na tanong ni Oasis sa kanya.

"Kasi iyon ang gabi na ipinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan ang sarili kong maging hadlang sa mga pangarap mo." Sagot niya sa lalake.

"You're never a hindrance. May usapan lang kami ng kapatid mo kaya lumalayo ako sa iyo noon." Napataas ang kilay niya sa rebelasyong iyon ni Oasis.

'So, may kinalaman talaga si Christian sa distansyang inilagay ni Oasis sa pagitan namin noon'

"I respect your brother that's why I agreed to his demands. Bata ka pa naman talaga noon. I said to myself, liligawan kita agad day after your graduation." Dagdag pa ni Oasis sa kanyang sinabi.

"O, anong nangyari?" Napangiti siya. Mas nagkukumpisal pa si Oasis kumpara sa kanya.

"You're a tease, Ann. Tinitibag mo ang pader na pinaghirapan kong iharang sa sarili ko. Whatever I do to reinforce my resistance, isang yakap o halik mo lang back to zero ulit ako." May ngiti sa labi ni Oasis nang sabihin iyon. "You're my downfall."

OasisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon