A Love To Kill

91 3 0
                                    

EXT. FLASHBACK. SA ISANG PARKE. UMAGA. Nakaupo ang isang batang babae sa isang upuang kahoy habang umiiyak. Maririnig siya ng isang madungis na batang lalaki na naroon din sa parke. Namumulot ito ng basura at inilalagay sa bitbit na sako.

BATANG LALAKI:  (uupo sa tabi ng batang umiiyak) Bakit ka umiiyak?

Titingin lamang sa kanya ang batang babae at muling  babalik sa pag-iyak.

INT. KASALUKUYANG PANAHON. SECRET TACTICAL UNIT (STU) HEADQUARTERS. Nakatayo si KAPITAN EDISON HERBOSA sa harap ng bintana sa kanyang kwarto. Nakatulala. Tila malalim ang iniisip. Mapupukaw ang kanyang pansin ng pagbukas ng pinto at pagdungaw ni KAPITAN JUSTIN RIVERO.

KAPT. JUSTIN RIVERO:   Pinapatawag na tayo sa conference hall.

KAPT. EDISON:  Sige, susunod na ko.

KAPT. RIVERO:  Sige pare! Mauna na ko.

Maiiwan muli si Kapt. Edison na nakatanaw parin sa bintana.. May ilalabas sya mula sa kanyang bulsa. Isang gintong kwintas. Saglit nya itong titignan at muling ibabalik sa kanyang bulsa.

INT. S.T.U. HQ. CONFERENCE HALL. Walang anumang gamit ang nandoon maliban sa isang lamesang kahoy. Nakatayo sa harap nito ang pinakamataas na opisyal ng S.T.U. na si General MARIANO ESPINAS suot ang kanyang uniporme na napapalamutian ng mga medalya. Nasa tabihan nya ang pangalawang mataas na opisyal na si General LUIS CARPIO suot din ang kanyang plantsadong uniporme na tila kayang tumayo ng kusa sa sobrang pagkakatuwid. Nasa harapan nila ang pitong miyembro ng S.T.U kabilang si Kapitan Edison. Suot ang isang puting tshirt camouflage pants at boots. Tuwid ang pagkakatayo. Walang kagalaw galaw maliban na lang sa paminsang minsan na malalim na paghinga.

 GEN. ESPINAS:  Kayong pito ang napili upang maging miyembro ng lihim na organisasyon ng gobyerno. Ang S.T.U o ang Secret Tactical Unit. Sumailalim tayo sa mahirap na pagsasanay at sumuong sa mga imposibleng sitwasyon. Ibig sabihin lamang non na kayo ang pinakamagagaling na military captains sa buong kapuluan. Handa na ba kayong kalimutan ang inyong mga pansariling kagustuhan? (Titignan isa-isa ang pitong kapitan) Magmula ngayon kayo ay kikilos at mabubuhay para lamang sa S.T.U. Maliwanag?

S.T.U SQUAD:  Sir! Yes! Sir! (Maliwanag at malakas)

GEN. ESPINAS:  Mabuti kung ganon. (Maglalakad lakad sa harap ng squad) Ngayon nais kong malaman nyo ang tatlong pangunahing batas na dapat ninyong sundin sa bawat misyon. (Muling tatayo sa harapan) Una, walang batas, (mapapatigil saglit sa pagsasalita at mapapatingin kay Kapt. Edison na mataman paring nakikinig at walang anumang ekspresyon ang mababakas sa mukha)

GEN. ESPINAS:  (itutuloy ang sinasabi) Naatasan kayo upang tapusin ang isang misyon sa kahit anu pa mang paraan at walang anumang batas ang maaring makahadlang don. Maliwanag ba yon?

S.T.U SQUAD:  Sir! Yes! Sir!

GEN. ESPINAS: Pangalawa, walang kahit anumang organisasyon! 

GEN. ESPINAS:  (maglalakad ng dahan-dahan patungo sa likod ng squad) At ang pinakahuli.. Walang emosyon... (Yuyuko, ramdam nya ang bigat ng kanyang mga salita) Lalo na ang pagmamahal. (Dahan-dahang babalik sa harapan) Magiging sagabal lamang ito sa inyong mga misyon. Maliwanag ba?

S.T.U SQUAD:  (mananatiling walang ekspresyon sa kanilang mga mukha) Sir! Yes! Sir!

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon