A Love To Kill

3 1 0
                                    

INT. SA ISANG PAINTING AND ARTWORKS STUDIO. Nakatayo si Elaine sa harap ng isang canvas at dinadagdagan ng detalye ang larawan ng isang malungkot na babae. Patak ng luha ang iguguhit niya sa mga pisngi nito pagkatapos ay matitigilan sya at uupo sa isang upuan na naroon. Maalala niya ang masasayang panahon ng kasama nya ang kanyang ama. Mababakas ang matinding kalungkutan sa kanyang mukha at tuluyan na ngang dadaloy sa kanyang pisngi ang mainit na luha.

EXT. HIGHWAY. GABI. Madilim na ang paligid. Kasalukuyang tinatahak ni Capt. Edison ang daan pabalik sa kanyang tinutuluyang bahay. Mapapansin niya ang isang pamilyar na babae sa tabi ng kalsada at babagalan niya ang pagmamaneho.

Capt. Edison:  Parang si Elaine yun a.

Ititigil niya ang kotse sa harap ni Elaine. Bubuksan niya ang pintuan ng sasakyan ngunit mananatili siyang nakasakay sa loob habang sinisilip si Elaine.

CAPT. EDISON:  Sakay na.

ELAINE:  Mag aabang na lang ako ng taxi.                          

CAPT. EDISON:  Medyo gumagabi na, delikado para sayo ang mag isa dito.

ELAINE:  Salamat na lang, kaya ko ng magisa.

CAPT. EDISON:  (Magiisip saglit at mangingiti sa naisip) Sige ikaw ang bahala, pero balita ko madami na daw nireyp at pinatay dito mismo sa kalsadang to, at magagandang babae pa kalimitan ang nagiging biktima.

ELAINE:  (halatang matatakot sa sinabi ng kapitan) Hindi totoo yun.

CAPT. EDISON:  Narinig ko lang naman yon, sige mauna na ako.

Papaandarin na sana ng kapitan ang kotse ngunit bigla siyang pipigilan ni Elaine.

ELAINE:  Teka lang, Sakay na ako.

CAPT. EDISON:  (mapapangiti) Sakay na.

Sasakay na si Elaine at papaandarin na Edison ang sasakyan. BRUUUUMMMMM! Sa loob ng kotse ay walang imikan ang dalawa. Pareho silang nakatahimik at nagpapakiramdaman. May mapapansin si Capt. Edison sa gilid ng kalsada at agad niyang ihihinto ang sasakyan.

ELAINE:  Bakit tayo tumigil?

CAPT. EDISON:  Saglit lang.

Bababa si Capt. Edison at lalapitan ang isang batang nangangalakal ng basura. Dudukot ang kapitan ng isandaang piso sa kanyang pitaka at iaabot sa bata. Masaya itong aalis dala ang pera. Tatanawin muna ito ni Capt. Edison at saka siya maglalakad pabalik sa sasakyan. Makikita ni Elaine ang lahat ng ito. Muling bubuksan ang pintuan ng kotse at sasakay na si Capt. Edison.

ELAINE:  Ngayon medyo naniniwala na ko na kaibigan ka talaga ng Dady ko.

CAPT. EDISON:  (sisimulang iistart ang sasakyan)  sa tingin mo ba nagsisinungaling ako?

ELAINE:  nung una oo, pero nung nakita ko kung pano mo tinulungan yung bata kanina naalala ko bigla sayo si Dady.

CAPT. EDISON:  Nakita ko kasi don sa bata ang sarili ko, (matutulala at tila may inaalala) lumaki din kasi ko sa lansangan, salat sa pagkain, at nabubuhay sa pagkakalkal ng basura.. kaya sa tuwing makakakita ko ng mga batang namumulot ng kalat para lang may ipambili ng pagkain nilalapitan ko agad at tinutulungan. Mapapatitig na lamang si Elaine sa kapitan. At ang kaninang mukha ng pagkainis ay mapapalitan na ng isang tingin na paghanga..

CAPT.EDISON:  (magtataka sa pagkakatitig sa kanya ni Elaine) bakit? May dumi ba ko sa mukha?

ELAINE:  (titingin muna sa labas ng bintana upang maitago ang pagkahiya saka muling magsasalita) ah.. e.. wala, paandarin mo na tong kotse baka kasi gabihin na tayo masyado. Babalewalain na lamang siya ni Capt. Edison at iaabante na ang sasakyan.

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon