A Love To Kill

2 0 0
                                    

INT. SA BAHAY NG MGA VALDEZ. UMAGA. Dalawang lalakingnakaunipormeng pampulis ang papasok sa pinto, kasalukuyan naming nagbabasa ng dyaryo si Bernie.

SPO2 ALMASAN:  Magandang araw po Sir Bernie.

Mapapansin niya ang pagpasok ni SPO2 ALMASAN kasama ang isa pang pulis. Agad niyang ibababa ang dyaryo at tatayo.

BERNIE:  Magandang araw din naman Hector, maupo kayo.

Mauupo ang dalawa at ganun din si Bernie.

BERNIE: May balita na ba tungkol sa kapatid ko?

SPO2 ALMASAN:  Kaya nga po kami naparito ay upang ipakita ang isang bagay sa inyo.

Ilalabas nito ang dalang laptop at ilalapag sa lamesa. Bubuhayin niya ito at ipplay ang isang video. Makikita sa video si Propesor Valdez kasama ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na jacket na tila may pinagtatalunan. Hindi masyadong malinaw ang kuha kaya naman hindi makilala ang mukha ng dalawang lalaking kausap ng propesor.

SPO2 ALMASAN:  Kuha po yan mula sa cctv na nakakabit sa labas ng campus kung saan nag tuturo si propesor Valdez. Malaki po ang hinala ko na may kinalaman ang dalawang yan sa pagkawala ng kapatid nyo.

Pagmamasdang mabuti ni Bernie ang mga lalaki sa video.

BERNIE:  Malabo ang pagkakakuha ng video, paano natin makikilala ang dalawang lalaking yan?

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon