A Love To Kill

4 0 0
                                    

PROPESOR VALDEZ:  Dalawang taon na nag nakakalipas.. Mula ng umpisahan ko ang pagtuklas ng isang gamot na maaring maging lunas sa sakit na cancer. (saglit siyang hihinto at sasagap ng hangin saka muling magsasalita) gamit ang uranium at hydrogen element pilit kong pinagaralan ang bawat detalye.. at bawat paggalaw ng cancer cells. Nagsagawa ako ng maraming eksperimento. Hanggang sa isang araw nagbunga ang aking paghihirap. Natuklasan ko ang isang bagay na inaakala kong makapagliligtas ng buhay pero nagkamali pala ko. (Saglit na matitigilan ang propesor. Kalungkutan at pagsisisi ang mababakas sa kanyang mukha) sa halip na panglunas ay isang MAPANGANIB na bagay ang aking nagawa.

GEN ESPINAS:  (itutuloy ang sinasabi ng propesor) CCNC o Computer Controlled Nuclear Chip, isang bagay na gawa sa pinaghalong Uranium at Hydrogen, kasing liit ng isang ordinaryong memory card ngunit kayang PASABUGIN ang isang area na may sukat na humigit kumulang sa ten thousand sqr. kms. o katumbas ng isang malaking SIYUDAD. Ngunit hindi ganon kadali ang lahat.. (Muling maglalakad lakad ang heneral susundan lamang siya ng tingin ni Gen. Carpio) nangangailangan ito ng active blood components upang gumana ang sistema kaya naisipan namin itong ikabit sa isang tao.

GEN. CARPIO:  At si Capt. Edison ang taong iyon?

GEN. ESPINAS:  Tama ka Luis.. siya ang napili ko. Pinakamagaling at pinakatapat na tauhan. Siguradong susunod siya sa lahat ng utos na ibibigay ko kahit kapalit man nito ang kanyang buhay, iperpektong sundalo at ngayon isang perpektong sandata..

Mapapailing na lamang ang propesor sa mga narinig.

GEN. ESPINAS:  (lalakad muli at hihinto sa harapan ng propesor) kailangan mo ng tapusin ang nasimulan mo Valdez, gawin mo na ang Computer system na magcocontrol sa CCNN.

PROPESOR VALDEZ:  Patayin mo na lang ako Mariano.

GEN. ESPINAS:  (mapapangiti) masyado ka yatang nagmamadali. E kung unahin kaya natin .. si ELAINE..

Magngangalit ang propesor sa pagkakabanggit ng pangalan ng kanyang anak. Magpipilit siyang tumayo subali tmahigpit ang  pagkakagapos sa kanya.

PROPESOR VALDEZ:  HAYOP KA MARIANO! WAG NA WAG MONG IDADAMAY ANG ANAK KO DITO!

GEN. ESPINAS:  Walang mangyayaring masama sa anak mo Valdez. Yun ay kung gagawin mo ang gusto ko.. Pero kung hindi pasensyahan na lang tayo..

Kakalma na ang propesor ngunit nasa mukha niya parin ang galit na nararamdaman, saglit siyang magiisip saka muling magsasalita.

PROPESOR VALDEZ:  Sige, gagawin ko na ang gusto mo.. basta siguraduhin mo lang na ligtas ang anak ko.

GEN. ESPINAS:  Alam kong matalino ka Valdez kaya alam kong yan ang pipiliin mo.. Wag kang magalala kagaya ng sinabi ko, walang mangyayaring masama sa anak mo kung gagawin mo ang gusto ko.. (hahawak sa balikat ng propesor) ipapahatid ko na lang ang almusal mo.

Tatalikod na ang dalawang heneral at lalabas sa silid na iyon. Maiiwan si Propesor Valdez na nagiisa. Mapapapikit na lamang siya dahil sa bigat ng kalooban na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon.

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon