A Love to Kill

15 3 2
                                    

GEN. ESPINAS:  Sa inyong dibdib ay nakakabit ang isang microchip na nakakunekta sa inyang utak at puso, sa oras na makaramdam kayo ng pagmamahal kusa nitong patitigilin ang paggana ng inyong utak at pagtibok ng inyong puso na siguradong ikakamatay nyo.

Napalunok si Kapt. Edison sa tinuran ng kanyang opisyal.

GEN. ESPINAS: Mabigat na responsibilidad ang inyong nasa balikat pero malaki ang tiwala ko na bawat isa sa inyo ay karapatdapat maging miyembro ng S.T.U. Wag niyo sana akong biguin.

S.T.U SQUAD:  Sir! Yes! Sir!

GEN. ESPINAS:  Magaling. Sa ngayon, maari na kayong magpahinga. (tatalikod a at lalabas kasunod si Gen. Carpio)

INT. SA LOOB NG KWARTO. Dalawang pangisahang kama ang nakapwesto sa magkabilang gilid. Nakahiga sa kamang malapit sa pinto ni Kapt. Justin. Tila malalim ang iniisip habang hawak ang maliit na bakal na nakadikit sa kanyang dibdib. Sa kabilang kama malapit sa bintana ay naroon naman si Capt. Edison, nakahiga. Bigla syang may naalala kaya tumayo sya at tinungo ang pantalon na suot nya kanina, may kinuha siya sa bulsa nito. Ang gintong kwintas, at muli syang nahiga.

 CAPT. JUSTIN:  (lilingunin si Capt. Edison na kasalukuyang pinagmamasdan ang hawak na kwintas) paano na ang may-ari ng kwintas na yan? (tila nababasa ang iniisip ng kaibigan)

CAPT. EDISON:  (Mapapatingin kay Capt. Justin) Hindi ko nga alam kung magkikita pa ulit kami pero mas mabuti pa sigurong wag na lang.

CAPT. JUSTIN: Bakit naman?

CAPT. EDISON:  (uupo sa gilid ng kama paharap sa kausap) Mahirap na. Baka magkaroon pa ng problema.

CAPT. JUSTIN:  Mukang maganda yung chick na yan ah pare.

CAPT. EDISON:  Ha? (Mapapatawa) dalawampung taon na mula nung huli kaming magkita. Ni hindi ko na nga matamdaan kung anung itsura nya non eh. (Saglit na maitigilan) tanging ang kwintas lamang na to ang naiwan sakin. (Tuluyan ng matutulala)

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon