A Love To Kill

4 1 0
                                    

INT. UMAGA. SA LOOB NG KWARTO NI CAPT. EDISON. Nakahanda na sa kama ang isang polo shirt at pants na kanyang isusuot. Lalabas sya mula sa banyo, basa ang buhok at nakatapis ng tuwalya. Kukunin nya ang pantaloon at isusuot ito. Kasunod ang polo shirt. Pagkatapos magbihis, hahanapin niya ang baril sa ilalim ng unan, isusuksok nya ito sa kanyang likuran at lalabas na sa kwarto.

EXT. SA PAREHONG SUBDIBISYON. Marahan ang takbo ng kotseng sinasakyan ni Capt. Edison at tuluyan itong hihinto sa tapat ng isang tila mansion na bahay. Bubukas ang kotse at bababa ang kapitan.

CAPT. EDISON:  Ito na siguro yung bahay..

Lalapit sya sa gate kung saan isang gwardya ang nagbabantay. May hawak itong dyaryo at seryosong nagbabasa.

CAPT. EDISON:  Boss, ito ba yung bahay ni Profesor Ricardo Valdez?

GUARD:  (saglit na ititigil ang pagbabasa ng dyaryo) Oho. Sino ho Sila? (titignan mabuti si Capt. Edison)

CAPT. EDISON:  Edison Herbosa. Malapit akong kaibigan ni Profesor. Nabalitaan ko ang pagkawala nya kaya nagpunta kaagad ako dito para kamustahin ang pamilya niya. (pagsisinungaling ng kapitan)

GUARD:  Ganon po ba Sir? (bubuksan na ang gate at papapasukin si Capt. Edison) Saglit lang po at itatawag ko lang kay Sir Bernie.

Tatalikod ang gwardya at tatawag sa telepono . Palingon lingon ito kay Capt. Edison habang may kausap . Wala pang isang minuto ay matatapos na ang paguusap at ibababa ng gwardiya ang telepono.

GUARD:  Sir. Pumasok na raw po kayo sa loob.

CAPT. EDISON:  Salamat.

Maglalakad na si Capt. Edison patungo sa mismong bahay ng tila dalawampung metro ang layo mula sa gate)

INT. SA LOOB NG BAHAY NG MGA VALDEZ. Nakatayong naghihintay si Capt. Edison habang binubusog ang paningin sa mga kahangahangang disenyo at bagay na kanyang nakikita. Isang life size na abstract na painting ang nakasabit sa isang pader, may isang istatwa na tila anghel ang nakatayo sa tabi ng hagdanan paakyat sa susunod na palapag ng bahay. Kabikabila ang mga antique vases, at iba pang maliliit na paintings. Nakatulala si Capt. Edison sa lahat ng ito ng biglang may isang lalaki ang tatayo sa kanyang likuran at magsasalita.

BERNIE:  Mahilig si Kuya Ric mangolekta ng mga artworks.

Mapapaharap si Capt. Edison sa lalaking nagsalita.

BERNIE:  (itutuloy ang sinasabi) Sinabi pa nya sakin (mababakas sa mukha ang bigat ng kalooban) na mas mahalaga ang mga artworks kesa sa pera.. (saglit na titigil) dahil sa mga artworks nya raw nararamdaman ang tunay na kahulugan ng buhay. (Iaabot ni Bernie ang kanyang kamay) Bernie Valdez, kapatid ako ni Profesor Ricardo Valdez.

CAPT. EDISON:  (makikipagkamay sa kaharap) Edison Herbosa po. Isa po sa mga kaibigan ni Profesor Ricardo.

BERNIE:  Maupo ka Iho.

Mauupo si Capt. Edison sa isang malambot na sofa. Mauupo na din si Bernie.

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon