A Love To Kill

3 1 0
                                    

INT. S.T.U. HEADQUARTERS. SA OPISINA NI GEN. ESPINAS. UMAGA. Nakaupo ang heneral habang pinagaaralan ang isang papel na nasa kanyang lamesa. Biglang papasok si Capt. Justin at tatayo sa harap ng kanyang opisyal.

CAPT. JUSTIN:  Sir ipinatawag niyo raw po ako.

GEN. ESPINAS: (ititigil ang pagbabasa at ibabaling ang pansin sa kaharap) Kamusta ang pinababantayan ko sayo? Nagmamatigas pa rin ba?

CAPT. JUSTIN:  OPO General, pinipilit ko syang kumain ngunit ayaw niya.

GEN. ESPINAS:  (Saglit mag-iisip at muling magsasalita) sige kapitan, ako na ang bahala, makakaalis ka na.

CAPT. JUSTIN:  Yes Sir. (Tatalikod na ang kapitan at lalabas na sa opisina.)

Maiiwan si Gen. Espinas na tila may binubuong balak sa isip.

GEN. ESPINAS:  Magmatigas pa rin kaya siya sa oras na malaman niyang hawak ko ang BUHAY ng pinakamamahal niyang anak... (At ang makabuluhang ngiti ang maiiwan sa mukha ng heneral)

EXT. SA LABAS NG ISANG UNIBERSIDAD. UMAGA. Nakatayo si Capt. Edison sa harap ng kanyang kotse at tila may inaabangan. Dalawang lalaking estudyante(parehong 18) ang lalabas mula sa gate at didiretso sa isa sa mga maliliit na tindahan na naroon. Agad na lalapit si Capt. Edison sa tindahan at magkukunwaring nabili lang ng softdrinks.

CAPT. EDISON:  Isang softdrink nga.

Iaabot sa kanya ng tindera ang isang bote at isang straw. Pagkaabot ay pasimple nyang kakausapin ang dalawang estudyanteng naroon din sa tindahan.

CAPT. EDISON:  Kilala niyo ba si Propesor Valdez?

Titingnan siya ng dalawa at tsaka magsasalita.

ESTUDYANTE 1:  Opo, teacher po naming siya sa Physics.

ESTUDYANTE 2:  (biglang sisingit) Kaya lang isang linggo na po mula nung huli siyang pumasok.

ESTUDYANTE 1:  Sino po pala kayo?

CAPT. EDISON:  (uubusin ang laman ng bote at ibabalik sa tindera)Kaibigan niya ko, bibisitahin ko sana siya, teka bakit pala isang linggo na siyang hindi nagtuturo? May sakit ba siya?

ESTUDYANTE 1:  Ang usap-usapan po e nawawala daw po si Prof at kahit daw ang pamilya nya hindi alam kung san siya nagpunta.

ESTUDYANTE 2:  (babaling sa kasama) NAKIDNAP nga kasi si prop.

CAPT. EDISON: (nagkukunwaring nabigla at tila walang alam) nakidnap?

ESTUDYANTE 1:  (matitigilan saglit tsaka magsasalita) nabanggit nya po kasi minsan sa klase ang tungkol sa bago niyang imbensyon, yung anu nga ba yun, teka lang po iisipin ko lang..

ESTUDYANTE 2:  Yung CCNC ba yon?

ESTUDYANTE 1:  oo, tama CCNC nga yon.

CAPT. EDISON:  (mas magiging interesado sa mga kausap) Nabanggit din ba niya kung ano yung CCNC?

ESTUDYANTE 1:  (haharap sa kasama) nasabi niya ba? Teka parang hindi ko yata.

ESTUDYANTE 2:  Parang pinaliwanag nya yon e kaso hindi ko na din matandaan,ang naalala ko na lang pagkatapos nung araw na sabihin nya yung tungkol sa imbesyon niya, may dalawang lalaki na palaging nagaabang sa kanya dito sa labas pagkatapos ay kinakausap siya.

CAPT. EDISON:  Tanda mo ba ang itsura nung mga lalaking sinasabi mo?

ESTUDYANTE 2:  Hindi e, pero pareho silang nakajacket na itim.

CAPT. EDISON:  Jacket na itim? Hmm.. alam na ba ng mga pulis ang tungkol dito?

ESTUDYANTE 2:  Hindi naming sinasabi sa mga pulis ang nalalaman naming baka kasi madamay lang kami.

CAPT. EDISON:  (kukunin ang isang papel sa kanyang bulsa at iaabot sa dalawang estudyante) heto ang contact number ko, tawagan niyo na lang ako kung sakaling may maalala pa kayo.

ESTUDYANTE 1: (kukunin ang papel) Pulis po ba kayo?

Matatawa si Capt. Edison pagkatapos ay tatapunan ng isang makahulugang tingin ang dalawa.

CAPT. EDISON:  hindi.. (tatalikod na ang kapitan at didiretso na sa kanyang kotse)

A Love To KillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon