Prologue

44 2 0
                                    

-***-

"Yes!"

Wika ni Kei ng saktong pagpatak ng alas-dose ay nakapagregister siya ng 300 na ticket na lagpas pa sa itinakda sa kanya ng kanilang Chief of Police na si Chief Lopez.

Isa si Kei sa mga miyembro ng MPD o Moshiii's Police District na siyang nagtiticket sa mga pasaway na mga driver sa kalsada. Tinitiketan niya ang mga ito ayon sa batas na nilalabag ng mga ito sa kalsada; halimbawa na ay ang pagpaparking sa kalsada at expired na ang fee na binayaran nito pero nakaparking parin ito sa lugar na iyon. At ang itinakdang bilang ng ticket sa kanya sa isang araw ay 200 ngunit kalahati palang ng araw ay nakaka 300 na siya.

Kaya naman napagdesisyunan niya na munang kumain ng tanghalian tutal alas-dose na naman. Sumakay na siya sa police mobile niya at nagtungo sa isang kainan na madalas niyang kainan. Suki na nga siya rito kung tutuusin.

Nang makaorder siya narealize niya na wala ng bakanteng upuan kung kaya't nakishare siya sa lalaking nakita niyang nag-iisa lang na kumakain.

"Uhm, pwedeng makishare?" tanong niya rito

Nang inangat nito ang tingin kay Kei ay di niya maiwasang hindi mamesmerize sa kagwapuhang taglay ng lalaki.

Ngumiti ito at saka sinabing,

"Okay"

Kaya naman naupo si Kei at di pa man siya nagsisimula kumain ay tumunog yung cellphone niya at nakatanggap siya ng e-mail mula sa Chief nila. Kaya tumayo muna ito at nag-excuse sa lalaki. Dumiretso siya sa CR bago binuksan yung e-mail na nareceive.

"Most Wanted: Yohan Ju"

At agad nanlaki ang mata ni Kei ng makita ang litrato ng sinasabing 'most wanted' sa lugar nila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

At agad nanlaki ang mata ni Kei ng makita ang litrato ng sinasabing 'most wanted' sa lugar nila.

Kaya agad siyang lumabas sa CR at ng makita niya yung lamesa kung saan naroroon yung lalaking kashare niya kanina ay wala na ito. Kaya nilingon niya ang paligid at nakita niya ito na nasa labas na at sumasakay na sa motor nito.

Sumulyap pa sakanya yung lalaki habang nakangiti at sumaludo pa ito sakanya bago humarurot paalis.

"Shit! Natakasan ako ng loko" wika niya sa kanyang isip.

~(•x•)~

MM's note:

This story is pure fiction.. Pati yung mga places, names, events, etc. na malalagay dito sa story na'to ay imbento ko lang.

Setting: Moshiii Land
Moshiii Police Station

Other fictional elements:

* Moshiii Police District
* Moshiii Court of Law
* 143 Constitution of the Moshiii Land
* Moshiii President of the Land

So ayan na, kung ano mang batas ang mababasa ninyo sa story ko lahat ng 'yon ay imbento ko lang.

So hopefully magustuhan niyo yung story ko.. Thanks..

-***-
Date started: Apr 29, 2016

You're Under Arrest: In The Name Of Law-LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon