-***-
His POV
Naglalakad ako sa paligid ng MPD at nagmamasid.
Hmm.. mukhang nagtitraining na nga sila para sa operasyong paghuli kay Chalk Not pero paniguradong yung taong yun alam na rin ang plano ng MPD.
Tsk.. Tsk.. Tsk..
*sigh*
Makapagmall na nga lang. Wala na pala akong pagkain sa bahay.
-***-
Kei's POV
Ngayon na ang ikalimang araw ng training namin. Noong mga nakaraang araw natuto kami ng shooting, pagdedefuse ng iba't-ibang klase ng bomba, pati yung pagfifirst aid inaral din namin. At sa ikalimang araw namin pag-aaralan daw namin ang sketching. Noong una eh medyo naguluhan ako kung bakit kailangan nito ng ipinaliwanag saamin ang dahilan ay naunawaan ko rin.
Isa sa mga dahilan ay para kapag pinasketch saamin yung suspect ay maalam kami o mavivisualize namin. O kaya naman sa lugar na napuntahan namin kung saan namin nakita yung krimen o yung suspect maiisketch rin namin. Though may mga gadgets na tayo para madaling mapicturan ang bagay-bagay pero iba parin kapag handa. Paano kung nalowbatt ka bigla or kung ano pang nangyari. Saka sinasanay rin ang talas ng memorya namin.
Una ay may pinakitang litrato yung instructor namin na proud senior police namin. Tapos for 20 minutes kailangan namin siyang tandaan then tatanggalin na niya iyon sa harap at ipapaguhit saamin.
"Oh my goodness! Panes! Di ko alam na dapat pala nagtake rin ako noon ng fine arts!" Rinig kong bulong ni Jane.
Napatawa tuloy ako.
"May problema Ramirez?"
"Sir wala po" sagot ko.
Loka kasi tong si Jane eh. Tinignan ko siya at ang bruha nakapeace sign.
"Takte mukhang tae tong gawa ko!!" rinig ko namang pabulong na sabi ni Trisha
Ay pusa! Bakit ba ako tumabi dito sa mga to! Pfft.. pag kami napalabas nako squat at push up parusa namin.
Pero ang mga loka tumawa-tawa pa!
"Haha, sakin nga mukhang tsonggong narape" sabi naman ni Jane
Pinipigil ko ang tawa ko dahil sa dalawang 'to. Tapos naririnig ko si Nathan na natatawa rin sa kaliwa ko. Nasa kanan ko kasi yung dalawa.
"Pfft.. pagsabihan mo yang dalawang yan pagagalitan tayo!" sabi ni Nathan saakin yung sapat lang para ako lang yung makarinig.
Kaya nilingon ko yung dalawa at paglingon ko hindi ko na napigilang mapahagalpak ng tawa. Pati narin sina Jane.
Ampanget kasi nung drawing ni Trisha!
Ang totoo nyan kasi ang pinadodrawing saamin ay unggoy! Pero yung kanya iba ang itsura. Kaya ang bagsak naming apat..
"Kayong apat diyan! Tolentino, Ramirez, Gonza, at Gomez!!"
Ayan! Special mention tuloy! Sabay-sabay kaming tumayo ng tuwid ng iroll-call kami ni Sir.
"Maiiwan kayo pagkatapos ng klase!!! NAIINTINDIHAN NIYO?"
"Sir yes sir!!" Sabay-sabay naming sagot.
Huhu.. Ni minsan sa tanang buhay ko noong nag-aaral pa ako hindi ako nadedetention. Takte kung kailang nagtatrabaho na ako saka ako madedetention?!
Baliw kasi tong si Trisha eh.. Kita niyo ngumingisi-ngisi parin ang mga loka.
Nang matapos ang drawing class namin ay naiwan kami sa room at kinausap kami ni Sir.
"Alam niyo namang seryoso tong training na ito! Alam ko ring nakapagtraining na kayo ng tulad nito during college palang pero isa 'to sa mahahalagang bagay na dapat niyong imaster kaya tinitrain kayo ulit. At hindi na kayo mga bata kaya sana hindi na ito mauulit. Now give me 50 push-ups! Pasalamat kayo yan lang parusa niyo"
"Sir yes sir"
Agad kaming dumapa sa harap niya at nag-push up. Haays.. sa susunod talaga lalayuan ko na tong si Jane at Trisha.
-***-
Kanina ng matapos yung training ay bumalik na kami sa headquarters para muling ituloy ang trabaho namin.
At ngayon ay out na namin sa duty.
"Uy! Tara dinner tayo!" si Trisha
"O sige. Nakakatamad na magluto pag-uwi sa bahay. Saan ba tayo?" sabi naman ni Jane habang nagliligpit na ng mga gamit niya.
"May malapit na BBQ house diyan sa kabilang kanto" si Nathan saka umakbay kay Trisha
Na agad namang hinawi ni Trisha. Napatawa tuloy ako.
"Tol, walang talo-talo! Tropa tayo dito!" Sabi pa ni Trisha kay Nathan
"Nangangalay lang ako! Tss.." sagot naman ni Nathan
"Hahaha.. asuss mga galawan kasing ganyan eh!"
"Ay naku! Tara na nga!"
Nauna ng maglakad si Nathan kaya sumunod na kaming tatlong babae.
Nang makarating kami sa BBQ House umorder ako ng sizzling. Di ko trip ang BBQ ngayon eh. Saka paborito ko 'to lalo na't may itlog pa sa ibabaw.
At as usual si Nathan ang napag-utusan na umorder. Lalaki eh! Haha
"Oy bayad niyo!" sabi nito habang nakalahad ang kamay.
"Aba! Libre raw ni Trisha! Haha" sabi ko tas kinindatan ko rin si Jane
"Oo nga! Ikaw nag-aya eh!" gatong ni Jane bilang pagsakay sa trip ko
"Oy! Gomez sa'yo pala ngayon eh. Amina yung pera ng makaorder na tayo" sabi ni Nathan
"Oy oy! Mga loko kayo! Nag-aya lang ako aba! Pasalamat kayo at maganda ako!"
Naglabas siya ng pera sa wallet niya. Biruin mo sunakay din ang bruha. Haha..
"Eto naman pumatol din haha!" Sabi ko pagkadating ng order namin.
"Ay! Baliw kayo ibalik niyo pera ko!"
"Haha.. wala.. wala ng bawian!"
Nagtawanan nalang ulit kami. Ang iingay namin. Haha
Nang matapos kong kumain ay nag-excuse muna ako para mag-CR.
Nang may makabangga ako..
"Sorry/Sorry" sabay pa naming sabi
Nang tignan ko yung nakabangga ko ay nagulat ako. Si..
"Kuyang gwapo?" gulat kong sabi sabay turo sakanya.
"Pepper Spray" siya nama'y nakangisi at nagcrossed arms pa.
-***-
MM's note:
"Now you know all you need is me, I'm your toy..~"
I love BlockB's new song soooo sooo much! Ukwon koo <3 haha.. Koobye
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest: In The Name Of Law-Love
De Todo"Yohan Ju! You are under arrest!" -Kei ♠♠♠ "Am I?" -Yohan Si girl ay isang very aspiring police. Until one day nademote siya at naging isang traffic police. At nameet niya ang isang...