-***-
Kei's POV
Maaga akong nagising dahil nga kailangan naming pumunta sa headquarters ng MPD.
Kaya isang oras pa siguro bago ang oras na itinakda saamin ay handa na ako. Tapos 30 minutes ang biyahe kaya may 20 minutes pa kaming makakapagkape sa coffee shop na nasa tapat ng MPD. At 10 minutes pa ang matitirang oras saamin.
Agad ako pumunta sa sakayan ng jeep papuntang MPD. At dahil nga maaga ako ay nakasakay agad ako. Pumwesto ako roon sa tabi ng driver.
At ng mapuno na ang likod ng jeep ay agad namang umandar yung jeep. Good thing is wala pang sumasakay sa tabi ko. Usually kasi yung mga driver na metikuloso pati sa unahan pinupuno bago umandar.
Kaya enjoy na enjoy ko ang view habang nagbibiyahe kami sa siyudad ng Moshiii. At ng abutan kami ng stop ay nagawi ang tingin ko doon sa hmmm..
Mag-aama ba ito? Kasi mukhang kaedad ko lang yung lalake pero tatlo yung batang kasama niya. Anak niya kaya iyon? Batang ama siguro? Sayang gwapo pa man din.
Nagulat naman ako ng dumungaw sa pwesto ko si Manong driver at nagtawag ng pasahero dahil marami rin ang nabakanteng upuan sa likod plus yung sa tabi ko. At nakita ko yung kuya na tinitignan ko kanina na napatingin sa jeep na sinasakyan ko at nagtama pa ang paningin namin.
Gwapo talaga shit!
Nginitian niya muna yung mga bata na nagbababye sakanya saka half-running na lumapit sa jeep na sinasakyan ko.
"Dadaan po bang cityhall 'to kuya?" tanong niya habang nakadungaw sa pwesto ko at kinakausap si manong driver.
Err.. nakakailang.. Ang close niyang masyado..
"Oo, tara maluwag pa" sagot naman ni manong driver.
At tumingin naman si Kuya saakin at ngumiti.
O--kay! Gwapo niya shocks! Mala Takumi Usui ang pormahan at ngitian niya kung magiging anime siya! Tapos mala Kwon Jiyong naman pag tao! Gwapo niya mga tol!
"Usog ka nalang Miss para makasakay yung pasahero" natauhan lang ako ng magsalita si Manong driver.
Shit! Nakakahiya!
Kaya agad akong umusog at siya namang upo ni Kuyang gwapo sa tabi ko. At ang bango niya pramis!
Umandar ng muli yung jeep ng may sumagi sa isip ko.
Naisip ko, ni minsan di pa ako nagkakaboyfriend pero kung ito lang ang magiging jowa ko aba win na win!
Tinuktok ko yung ulo ko. Takte di pa nga ako nagiging ganap na pulis paglalandi agad inaatupag ko -______-
Saka may anak na nga pala ito.
-_-Ilang minuto pa ay naaaninag ko na ang gusali ng MPD HQ na katapat lang ng Moshiii Cityhall. Kaya ng huminto ito ay bumaba na si Kuya at gayundin ako.
Naglakad muna ako patungo sa Coffee shop na katabi ng Cityhall ng mapalingon ako sa likod ko ay nakita ko si Kuya na nginitian ako.
Ah, oo nga pala Cityhall ang punta niya. Kaya di ko nalang pinansin. Pero ng papasok na ako sa loob ng Coffee shop at paglingon ko nakasunod parin si Kuya doon ko na siya kinomfront. Kinapa ko pa yung pepper spray na lagi kong dala sa bulsa ko.
Sa panahon ngayon kahit gwapo nakakagawa na rin ng krimen ano!
"Excuse me, sinusundan mo ba ako? Hindi naman dito ang Cityhall ah" diretsang tanong ko sakanya
Tumingin ito sa kaliwa at kanan niya kaya napagaya tuloy ako. Walang tao.
Tapos tinuro niya pa yung sarili niya na parang nagtatanong kung siya ba ang kausap ko.
"Oo ikaw nga!" sabi ko ulit
Ngumiti siya ng nakakaloko at lumapit sa akin kaya umatras ako at nilabas yung pepper spray ko at tinutok sa kanya.
"Wag kang lalapit!" sabi ko
Tinapik niya lang yung kamay ko bago sinabing
"Ikaw lang ba ang may karapatang magkape bago pumasok sa trabaho?"
Ngumisi pa ito saka pumasok ng tuluyan sa loob ng coffee shop.
O-kay!
"Kei!"
Napatingin naman ako doon sa dalawang taong papalapit saakin. Yung mga kasama ko noong panahong nahostage yung bangko. Sina Nathan Tolentino at Jane Gonza.
Kumaway ako sakanila at ngumiti.
Dito kasi ang kitaan namin sabay-sabay kaming magbbreakfast.
"Tara na sa loob" sabi ni Jane
At pagpasok namin ay nagtamang muli yung tingin namin nung Kuya kanina at ngumisi ulit ito.
Iniwas ko nalang yung tingin ko saka naupo kaming tatlo at si Nathan yung umorder.
"Ano kayang sasabihin saatin ni Chief Guttierez?" sabi ni Jane
"Baka magpapasalamat lang haha" sagot ko naman
Ilang minuto pa'y dumating na si Nathan habang dala yung order namin.
"Haha.. Malay mo ihire tayo sa MPD!" sabi ulit ni Jane
"Agad-agad?!" Sabi ko naman saka nagsimulang kumain
"Aba! Nahuli natin yung isa sa mga Most Wanted sa Moshiii Land hindi rin malabo 'yon" sabi naman ni Nathan
"Haay, sana lang" sabi ko at napalingon sa kaliwa ko which is na sana ay hindi ko ginawa!
Dahil nakatingin nanaman si Kuya saakin. Kaya iniwas ko agad yung tingin ko. At uminom ng tubig.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Jane
"Ah oo!" Sagot ko naman
"Diba matagal mo ng pangarap maging pulis? Oh malay natin i-hire tayo!"
Sasagot sana ako sa sinabi ni Nathan ng may marinig kaming nabasag na baso. At pagtingin namin si Kuya na kasabay ko kanina sa Jeep ay nakabasag.
Psshh... tingin kasi ng tingin dito eh!
Nakita kong nagbayad lang ito doon sa babae para sa nabasag na baso saka dire-diretsong lumabas. Buti at kakaunti palang ang tao dahil maaga pa.
"Siguro lasing yun!" Napatingin ako kay Jane ng sabihin niya yon
"Mukhang hindi naman.." sabi ko at nagtuloy nalang kumain.
-***-
Nang pumatak ang alas-otso ay agad kaming pinatawag ng sekretarya ni Chief Guttierez upang pumasok sa loob ng opisina nito.
Nagtinginan kaming tatlo at agad na naglakad papasok sa loob ng opisina ni Chief Guttierez.
"Sana ito na talaga ang susi para matupad ko na ang pangarap kong maging pulis"
Sabi ko sa isip ko. Nagcrossed-fingers pa ako. Hindi naman siguro imposible yun?
-***-
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest: In The Name Of Law-Love
Aléatoire"Yohan Ju! You are under arrest!" -Kei ♠♠♠ "Am I?" -Yohan Si girl ay isang very aspiring police. Until one day nademote siya at naging isang traffic police. At nameet niya ang isang...