-***-
Kei's POV
Mga ilang segundo rin siguro bago ko narealize yung kagagahang sinabi ko. Kaya yung daliri kong nakaturo sakanya agad-agad kong binaba tapos tumingin ako sakanya ng nakangiti.
Hindi ko lang alam kung ayos ba yung ngiti ko o ngiting aso yung pinapakita ko sakanya ngayon.
The heck! >_<
"Ah.. H-he-he.. Excuse me" sabi ko.
Kailangan ko ng mag-exit sa eksenang 'to, dahil mamaya isipin niya sobrang gwapo niya or worse isipin niyang type ko siya!
Kaso imbis na padaanin niya ako lalo pang lumawak ang ngisi niya.
"Kuyang gwapo huh?" nakangising sabi niya.
At kung kanina ay nakacrossed arms siya ngayon nama'y yung kanang kamay niya ay nakahawak sa baba niya na animo'y nag-iisip.
"Hmm.. Gwapo pala talaga ako?" sinabi pa niya yon ng akala mo eh gulat na gulat talaga siya.
Hindi ko na nga lang siya pinansin at akmang lalakad na ako para makapagCR. Pero hinarang niya ang dadaanan ko.
"Oy! Padaanin mo ko!" sabi ko pa with matching hand gestures!
Huhu.. Kailangan ko ng magbanyo! T____T
Pero ang kuya mo hindi umalis sa daan. At ngayon ay palapit siya ng palapit saakin hanggang sa matrap niya ako.
Shocks! Lalo siyang gumwapo sa malapitan. Kahit na nakasimpleng plain V-neck shirt lang siya na kulay itim at pants tas yung hoodie jacket niya nakasabit sa kanang balikat niya ang lakas parin ng appeal niya.
Plus, naaamoy ko na rin yung hininga niya sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang bango! Amoy mint. Hindi siguro siya kumain. Pero bakit siya nandito? Nakibanyo lang? Ay takte.. Kapag may nakakita sa amin dito baka isiping nagmimilagro kami! Pulis pa man din ako!!!!! A-I-S-H!!!
Pu-lis a-koo!!!!!
"Hoy lumayo ka saakin kundi--" saway ko sakanya kaso naputol yung sasabihin ko ng lumayo na siya saakin at tumatawa pa.
Huhu.. Kahit tumatawa na siya ng parang baliw gwapo parin!
"Ano? Gagamitan mo ko ng pepper spray mo?" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko ng makitang hawak-hawak na niya yung pepper spray na nakasabit sa belt ko. Kaya kinapa ko yung pinaglalagyan ng pepper spray ko para malaman kung akin nga iyon at wala na nga sa lalagyanan yung pepper spray ko!
"Hoy! Amina yan!"
Tumatalon-talon pa ako para lang maabot yung kamay niyang nakataas. Kaya lalong ngumisi ang loko. Aissh.. Ang tangkad niya kasi!! At hindi naman pwedeng basta basta ko siyang gamitan ng martial arts ko dito aba! Mamaya mareport pa ako kay Chief eh.
Huhu.. yung ihi ko uurong na ata. Mamaya magkasakit ako niyan sa bato eh!!
Kaya naman napagdesisyunan ko ng tumigil sa pag-abot sa pepper spray ko. Bibili nalang akong bago! Tss. At maglalakad na sana ako para bumalik sa upuan namin ng hablutin niya ang braso ko kaya napaharap ako sakanya tapos hinapit niya ako sa bewang kaya ang lapit nanaman namin sa isa't-isa. Mukha na siyang nakayakap saakin!
Nagpapapalag ako pero ang higpit ng hawak niya sa bewang ko!! >___<
*flick!* (pitik sa noo)
"Ouch!" tinignan ko siya ng masama habang himas-himas ko ang noo kong pinitik niya.
Seryoso na ngayon ang mukha niya tapos yung mata niyang nakatitig na parang hinihigop ang buong atensyon ko sa ibang bagay at lahat ng 'yon gusto niya mapupunta lang sakanya. Kung kaya't natitigan ko nanaman yung gwapo niyang mukha. Lalo na yung mga mata niyang green na ngayo'y nakatitig parin sa mga mata ko. Pero ilang saglit lang napatingin ako sa labi niya nang mabuong muli yung ngisi sa mga ito at kasabay noon ay ang pagbitaw niya saakin.
"You know for a police like you. You're kinda dense. See you chief! *wink*" sabi niya sabay lakad palayo. Tapos ng kinapa ko ulit yung belt ko ay naroroon na ulit sa lalagyan yung pepper spray ko.
Sasang-ayunan ko na ba siya? Bakit hindi ko nararamdaman!?!?! Aisssh!
Pumasok na lang ako sa CR ng maalala kong ihing-ihi na pala ako. Pakingtape!
Matapos kong umihi ay naghugas akong kamay at humarap sa salamin ng magflash nanaman yung itsura nung.. nung.. gunggong na 'yon!
Arrg!
Nagsisimula na talaga akong mabadtrip sa pagngisi-ngisi non. Lalo kasi siyang gumagwapo!! Pag ako naging pangulo ipapatupad ko ang batas na bawal ngumisi ang mga tulad niya!!
Ay takte ano ba'tong pinagsasabi ko. Nakakaabnoy kasing kasama sina Jane eh >__<
Nang matapos ako ay lumabas na ako at bumalik sa upuan namin.
"Uy sayang! May gwapong dumaan dito kanina!" Pabulong na sabi ni Trisha as soon as makaupo ako.
"Sows.. di hamak na mas macho ako roon" sabi naman ni Nathan saka nagcrossed-arms
"Mas macho ka! Mas gwapo siya!" parang batang pang-aasar ni Trisha kay Nathan
"Aba't-"
"Shhh!" sabi ko sakanya. Kasi papatulan pa eh lalong tatagal ang usapan.
"Anong itsura?" curious din kasi ako.
Kasi wala namang gwapo dito. Depende nalang kung si ano yung nakita nila.
"Haha, magagamit ko na ang tinuro sa atin kanina!" Nagkalkal ng bag si Trisha at nilabas yung sketch pad niya at lapis sabay lapag sa mesa.
"Nako! Paniguradong yung gwapo magiging pangit kapag si Trisha yung nagsketch!"
Nagtawanan kami sa sinabi ni Jane. Kasi yung drawing nga niya yung dahilan kung bakit kami naparusahan. Pfft..
"Grabe sya oh!" nagpout pa ang lola mo.
"Haha.. di bagay! Amina nga at ako magssketch" kinuha ni Jane yung sketch pad at lapis kay Trisha.
Kaso hinablot naman ni Trisha ulit kay Jane yung gamit niya.
"Don't underestimate me! Ako magssketch! Bwahaha" sabi niya saka nagsimulang magsketch.
Nagcrossed arms lang si Jane, si Nathan naman nangalumbaba, at ako eh nakaabang sa kalalabasan ng sketch niya. Malay mo naman eh may talent siya sa pagsketch ng tao. Kanina kasi hayop yung pinapasketch saamin.
Ilang minuto pa ay pinakita na niya saamin ito.
At..
Sabay-sabay kaming napatawa!
"OH My! Trisha may ilalala pa pala yung talent mo! Pffft!!!" pang-asar na sabi ni Jane kaya lalong lumakas yung tawa ko.
Si Trisha naman eh nagpout lang lalo. Hahahaha..
Grabe di ko malaman kung unggoy parin ba yung drinowing niya na naging spiky lang yung buhok eh! Hahaha
"Trisha! Hindi mo manlang binigyang hustisya ang kagwapuhan ni kuya!!" si Jane habang humalakhak parin.
"Haha. Yan na ba ang bagong gwapo ngayon, Trish?" sabi ko naman
Si Nathan naman tinatapik-tapik si Trisha na parang nakikiramay habang pigil na pigil ang tawa.
"Pffft..Tara na! Nagkakalokohan na tayo eh. Ouch! Haha" aya ni Nathan, binatukan pa siya ni Trisha
Tinago na niya yung sketch pad niya saka tumayo kaya nagsitayuan na rin kami.
"Huhu.. Grabe kayo saakin! Matapos ko kayong ilibre!!" umarte pa si Trisha na naghihinakit kaya tumawa nalang ulit kami habang naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep.
Haay.. Kapagod 'tong araw na'to! Pero masaya!
-***-
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest: In The Name Of Law-Love
Random"Yohan Ju! You are under arrest!" -Kei ♠♠♠ "Am I?" -Yohan Si girl ay isang very aspiring police. Until one day nademote siya at naging isang traffic police. At nameet niya ang isang...