-***-
Kei's POV
The next day..
Maaga akong pumasok sa trabaho dahil nga sa absent ako kahapon ng walang paalam. Mamaya mawalan ako tuluyan ng trabaho. Saka hindi pa ako maaaring mawalan ngayon. Dahil kailangan ko pang tugisin yung Chalk Not na 'yon.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa gusali ng MPD ay agad akong sumakay sa elevator. Ikaanim na palapag pa yung opisina namin kaya nakailang minuto rin ako sa loob nito.
Nang makababa ako sa elevator ay agad kong nakita si Trisha. Nilibot ko pa ang paningin ko upang hanapin sina Nathan at Jane pero mukhang maaga talaga ang pasok ko dahil wala pa sila.
"Trish!" tawag ko sakanya
Agad din naman siyang lumapit sa akin at ngumiti. Pero hindi ito yung ngiti na lagi niyang pinapakita sa lahat. Malungkot ang ngiti niya ngayon.
"Kei..." yumakap siya saakin as soon as nakalapit na siya saakin.
"T-Trisha.." gumanti rin naman ako sa yakap niya.
"Kei.. may bakit ba wala ka kahapon?" wika niya ng humiwalay sa pagkakayakap namin.
"Ahm.." hindi ko alam ang sasabihin ko.
Anong sasabihin ko? Na dapat papasok ako pero may nangyaring aksidente?
"Kei, sina Jane.."
"Anong meron kina Jane?"
Tumingin pa ako sa relo ko at malapit na ang duty pero wala pa sila.
"Late sila. At saka mamaya pala dadalaw tayo kay Chief" sabi ko pa sakanya
"H-hindi. Sila Jane at Nathan kasi-"
Naputol ang sasabihin niya ng tinawag ako ng isang co-police namin.
"Ramirez! Pinatatawag ka ni Chief"
Napalingon ako sakanya.
"Chief?" Nagtatakang tanong ko.
"Oo si Chief Lopez. ASAP daw" umalis na ito at agad akong tumingin kay Trisha.
"Malalaman mo ang lahat pagkapunta mo sa opisina ni Chief" bumalik ng muli si Trisha sa table niya at nagtrabaho ng muli.
Pumunta ako agad sa opisina ni Chief Guttierez noon na mukhang si Sir Lopez na ang nag-ookupa ngayon.
Kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. Sumaludo ako kay Sir Lopez saka bumati.
"Maupo ka Ramirez" naupo ako sa bangkong nasa harapan ng table niya.
Nilibot ko ang paningin ko pagkaupo ko. Wala na ang mga gamit ni Chief Guttierez.
"Ramirez" tawag niyang muli sa atensyon ko.
"Sir"
Nag-intay ako ng sasabihin niya ng may inilabas siya sa harap ko. Isang susi ng sasakyan at neon orange na vest.
"A-ano po ang mga ito?" may pagtataka sa tono ko.
BINABASA MO ANG
You're Under Arrest: In The Name Of Law-Love
De Todo"Yohan Ju! You are under arrest!" -Kei ♠♠♠ "Am I?" -Yohan Si girl ay isang very aspiring police. Until one day nademote siya at naging isang traffic police. At nameet niya ang isang...