Chapter 10

4 1 0
                                    

-***-

Kei's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas nang masuspend ako sa trabaho. At last week nga ay nailibing na rin si Chief. I know mahirap na mawalan nanaman ng ama but as the saying said "You'll never progress if you don't move on.."

Kaya heto back to work. At ngayon ay nireregister ko na ang ikapang-isang daan at ikalabing isang ticket na ginawa ko para sa mga nakaparada paring mga sasakyan sa daan kahit expired na ang fee na binayaran nila.

(MM's note: To clarify things, yung parking area kasi sakanila parang sa ibang bansa, yung may coins ata yun na hinuhulugan or basta! Na may time limit at dapat pagkatime na ay tatanggalin mo na ang kotse mo roon or kaya naman maglagay ka ulit ng coin para maextend ang parking time mo. Or else you'll be issue a ticket na kailangan mong bayaran)

Naka-one hundred eleven na ako at 200 tickets ang nilaan sa akin ni Chief. At maaga-aga pa kaya, sigurado akong pagpapatak ng alas-dose ng hapon eh sobra pa sa 200 ang maireregister ko. Sa laki ba naman ng District IV alam kong matatapos ko ito.

-***-

"Yes!" wika ko ng mairegister ko ang pang-300 na ticket ko ngayong araw.

At pagtingin ko sa relos ko alas-dose na. Makakapaglunch na ako dahil lagpas na naman ako sa 200 tickets na tinakda ni Chief.

Agad akong sumakay sa police mobile ko para magpunta sa kinakainan ko palagi.

"Hmm.. sana mayroon silang ginataang adobo ngayon"

Nagkicrave kasi ako sa ginataang adobo ngayon. Ipinark ko na yung mobile ko sa parking lot ng kainan na paborito ko.

Pagpasok sa loob andaming tao! Masarap kasi talaga dito sa kainang 'to tapos kumportable ka pa. Kaya suki na nga ako dito eh.

Umorder na ako, good thing merong ginataang adobo! Hawak-hawak ko yung tray na may laman ng inorder ko.

Ang kaso puno na lahat ng mga lamesa! T____T

Dapat pala naghanap muna ako ng bakanteng mesa bago ako umorder.

Nilibot ko ulit ang paningin ko at may nakita akong table at nag-iisa lang yung kumakain doon. Okay lang naman siguro kung makikishare ako. Baka mamaya maubos ang oras ko dito. May check up pa naman yung mobile ko kaya dapat dalhin ko sa MPD yung sasakyan.

Nilapag ko yung tray sa mesa niya.

"Uhm, pwedeng makishare?" tanong ko.

Dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya. At bakit parang kinakabahan ako?

*dug dug dug dug*

Nang inangat na niya ang ulo niya di ko maiwasang mamesmerize sa kagwapuhan ng nilalang na ito!

Ngumiti siya bago nagsalita.

"Okay"

Bakit ba ang gwapo nito?!

Umiling-iling ako saka naupo sa bakanteng bangko sa harap niya. Ginataang adobo rin ang kinakain niya ngayon.

"Kakain ka ba o tititig sa akin? *smirk*" sabi niya habang focus parin siya sa kinakain niya.

Napairap tuloy ako sa kayabangan nitong lalaking 'to! Saka nabubwisit na talaga ako sa ngisi niya!

Nagsimula na akong kumain ng may maalala ako.

"Uy! Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya

Tss.. siya kasi kilala niya na ako tas ako hindi pa? Aba! Parang unfair naman ata sakin yun.

Nag-angat siya ng tingin at tinignan ako straight sa mata ng nakaplaster parin sa mukha niya yung ngisi niyang lagi niyang dala!

"Hmm.. Anong pangalan ko?" ani nito

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil inulit niya lang yung sinabi ko.

"Okay, *chuckles*. Ako si Kuyang Gwapo *wink*" humalakhak siya kaya binato ko siya ng tissue paper.

"Hindi ako nakikipagbiruan mokong k--" naputol ang sasabihin ko ng ilagay niya ang kamay niya sa bibig ko na agad ko rin namang tinanggal.

Tas nang hahambalusin ko na siya ng kutsarang hawak ko eh nakita ko siyang hawak ang cellphone niya at nagtitext. Seryoso ang mukha niya pero ilang saglit lang ay ngumiti nanaman siya sabay tago sa cellphone niya.

Tumingin siyang muli saakin pero di ko na siya pinansin. Tss.. ano naman kung di ko siya kilala? As if interesado ako sa kanya.

"Psst!" tawag niya saakin pero di ko parin pinapansin

"Keisha" with that napalingon ako sakanya

Di ko alam may something sa pagtawag niya ng pangalan ko.

"Do you really want to know my name?" tanong niya di ako kumibo pero tumingin ako sakanya

Uminom muna siya ng tubig at nang magsasalita na siya ay siya namang tunog ng cellphone ko. Nang tignan ko ito isang e-mail galing sa MPD.

Kaya nagpaalam ako sakanya na mag-CCR muna ako. Di ko naman na siya inintay na sumagot at agad-agad akong pumunta sa CR.

Isang e-mail na patungkol sa mga Most Wanted na tao sa Moshiii Land. Binuksan ko ang e-mail at nakalagay roon ang isang lalaking nagngangalang.

Yohan Ju


At tinignan ko ang ibang infos niya at mukhang delikado 'tong taong 'to. Saka mukhang kasali siya sa mga secret mission ng MPD. Dahil kung hindi ito sikretong misyon ay nasa media na ang mga impormasyon patungkol sa taong ito. Mukhang wala pang lead ang MPD tungkol sa kanya.

Iniscroll down ko pa pero konti lang ang infos tungkol sakanya. Bukod sa height at weight niya ayon dito isa si Yohan Ju sa mga pinakamost wanted na mafia boss sa Moshiii Land. Sa pinakadulo ay may attachment na nakalagay. Kaya inopen ko ito at agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

WTH!

"Most Wanted: Yohan Ju"

Anak ng gwapo!

Agad akong lumabas sa CR at tinanaw ang kaninang pinupwestuhan namin ng lalaking 'yon ngunit wala ng tao!

Lumingon lingon ako at nakita ko na lang si kuyang gwapo sa may parking lot na pasakay na sa kanyang motor. Sumulyap pa saakin ang loko habang nakangiti at sumaludo pa saakin bago humarurot paalis.

Tinungo ko agad ang exit para mahabol ko pa siya pero pag-tingin ko sa gulong ko butas na ang mga ito.


"Shit! Natakasan ako ng loko" wika ko sa isip ko.

-***-

MM's note:

Yosh!

You're Under Arrest: In The Name Of Law-LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon