Chapter 13

7 1 0
                                    

-***-

Kei's POV

Maaga akong gumising para maaga akong makapasok at mas maaga ko ring matatapos ang trabaho ko.

Siguro sa ngayon okay lang muna na hindi ko sobrahan yung assigned na tickets sa akin. Sasaktuhin ko nalang muna para makapunta ako agad sa Yohan na 'yon.

Dahil nga kahapon eh wala sa akin yung mobile magcocommute muna ako ngayon para makarating sa MPD. Naglakad na ako papunta sa sakayan at muli sa harapan ako sumakay. Tamad akong mag-abot ng bayad eh.

Joke lang! Ahaha..

Mabilis lang ang biyahe dahil walang masyadong trapik. Nadaanan pa namin yung eskinitang tinahak ko kagabi. Sa tanghali mukha lang siyang normal na eskinita na tinitirhan ng mga normal na tao. Pero sa loob non nakatira pala ang isang mafia boss. Oh well si Yohan ay isang matalino at madiskarteng mafia boss sa buong Moshiii Land kaya ano pa nga bang ieexpect ko.

Pagkarating na pagkarating ko sa MPD ay nagreport for duty agad ako saka dumiretso sa garahe. Naabutan ko pa sina Ray at Drake na may inaayos na sasakyan.

"Aga mo Ramirez ah!" bati nung dalawa sa akin

"Oo naman! Kaninong mobile yan?" tanong ko habang chinicheck ko yung mobile ko

"Ah, kay Tolentino" sagot ni Ray

"Kay Nathan?"

Tumango naman sila.

"Bakit anong nangyari?" Well marunong naman kasing magkumpuni yung si Nathan kaya madalang yung mobile niya rito. Kaya naman nakakapagtakang kinukumpuni nila yung mobile nito.

"Ah, wala naman. Double check! Saka nagpalit kasi ng vehicle si Tolentino. Gusto na niya ng bike. Kaya bakante na 'tong mobile na'to" ani ni Drake

Sabagay noon pa man eh nakamotorsiklo na si Nathan kahit sa pagpasok sa trabaho namin noon bilang gwardiya. Siguro namiss niyang magmotor kaya nagpalit ng vehicle.

"Ah o sige. Mauna na ako!" paalam ko sa dalawa

"Wag bata ka pa Ramirez!" biro naman ni Ray ayun tuloy binatukan siya ni Drake
Binusinahan ko na lang yung dalawa. Ang kukulit ng mga 'yon eh. Lumarga na ako at tinahak ang distritong nakaassigned sa akin.

-***-

Saktong ala-una ng hapon nakumpleto ko ang dalawang daang tickets na assigned sa akin.
M

edyo late ng isang oras bago ako nakatapos. Kasi usually kapag twelve noon na lagpas pa sa 200 yung tickets na naibibigay ko pero ngayon mukhang nagiging alerto na rin yung mga drivers sa oras ng pagpapark nila sa kalsada.

"Pabili nga po ng sprite" sabi ko roon sa ale na agad naman ding kumilos at kumuha ng sprite sa fridge nila.

"Ipaplastic pa ba iha?"

"Opo"

Ilang saglit lang rin ay iniabot na sa akin nung ale yung binili ko. Nagbayad ako at umalis din agad. Pumunta ako doon sa isang stall ng mga kwek-kwek at fishballs.

Bumili ako ng limang pirasong kwek-kwek at pinainit ko muna bago kainin.

Haay.. late na kasi at di pa ako nakakapaglunch. Kaya kwek-kwek nalang muna. Para kahit papaano eh may laman ang tiyan ko.

Inilapag na ni manong yung kwek-kwek ko na nilagay niya sa isang plastic na baso.

Habang naglalagay ako ng sawsawan sa kwek-kwek ko ay may kumalabit sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You're Under Arrest: In The Name Of Law-LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon