Chapter 7

11 1 0
                                    

-***-

Kei's POV

"Haay.." buntong hininga ko habang nakatulala sa may bintana nitong coffee shop na kinakainan ko, ang Moshiii Cafe. 

"Wow! Ang aga-aga ang lalim ng iniisip mo ah!"

Napalingon naman ako sa nagsalita.

"Kagulat naman to!" sabi ko kay Jane

Siya lang naman kasi yung umistorbo sa aking pag-iisip. Naupo ito sa bakanteng upuan sa tapat ko.

*sigh*

"Oh, ano ba yang iniisip mo? Grabe na ang pagbubuntong hininga mo ah! Hahahaha"

"Iniisip ko kasi yung operation natin mamayang gabi. Haay.. andaming mga bagay ang bumabagabag sa isip ko. Kinakabahan ako in short!" sabi ko sakanya sabay tinging muli sa bintana at pinagmamasdan yung bawat isang dumadaan na sasakyan.

"Aysus, wag ka kasing nega! Kaya natin 'to! Saka para saan pa yung training natin kung hindi tayo susubok diba..Saglit at oorder akong kape" tumayo na siya at kinuha yung wallet niya bago naglakad papunta sa cashier.

Sumubo nalang ulit ako ng isang kutsarita ng carrot cake na inorder ko.

"Haay, paano kung may masamang mangyari.." for the nth time nagbuntong hininga nanaman ako.

Aissh! Bakit ba ganito nalang ang kaba ko?!!!

-***-

@MPD HQ

"Pinatatawag na tayo nila Chief. Final orientation daw" sabi nung isa naming co-police.

Anong oras na ba? 1:35 pm na pala.

"Uy tara na Trisha! Aba nagpaganda pa ang loka!" sabi ni Jane kay Trisha na naglilipstick pa.

"Ano ka ba! Kumain kasi ako kaya nawala yung lipstick ko!" sagot naman ni Trisha

Naconscious naman ako sa itsura ko, kaya nagsalamin ako. At maayos pa naman ako.

Matapos ang pag-aayos ni Trisha ay nagsipuntahan na kami sa pinakabasement ng MPD, doon daw kasi ang final briefing.

"Go to your places" utos ng senior police saamin.

Kaya nagpuntahan na kami ng ayon sa mga grupo namin mamaya. At 'East Wing' nga kaming tatlo nila Jane pero wala pa rin si Nathan! Loko rin yun eh ngayon pa talaga niya naisipang umabsent! Samantalang si Trisha naman nasa 'West Wing'

Nang pagdating nila Chief ay agad ng sinimulan ang pagdidiscuss saamin.

"Dahil nasa may bandang gitna ng isang kagubatan sa District III nakatayo ang gusali na pinagtataguan ni Chalk Not we will not use any explosive materials like bombs to be exact, for the forest preservation. So, for this operation guns and your handpicked armours like swiss knives are only necessary. And this smoke gun. Meron itong tatlong klase ng bala na may iba't-ibang kulay pero iisa lang naman ang nilalabas nito kapag pinutok mo. Yun ay usok. Ang kulay pulang usok ay nagsasaad na kailangan ng team niyo ng tulong mula sa medics, ang itim na usok naman ay kapag retreat, at ang berde ay ibig sabihin nahuli na ang kalaban or nagtagumpay ang ating ginawang operasyon.."

Habang dinidiscuss yun ng senior police ay iniaabot saamin yung smoke gun. Hmm.. ang cute ng itsura nung bala niya bilog. Parang cocoa na kinulayan.

Mag-aalas kwatro na ata natapos yung discussion kung kaya't nagsibalikan na kami sa trabaho namin.

"Grabe first time ko lang matatry itong smoke gun! Itatry kong paputukin yung black mamaya hahaha.." sabi ni Trisha

"Loka! Hindi yan laruan!" Sabi ko sakanya

You're Under Arrest: In The Name Of Law-LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon