Chapter 19 - Road Trip
Alas dos ng umaga..
Masiglang bumangon si Aldrin..
Excited na excited sya sa lakad nila ng barkada..
Agad syang naligo at bumaba ng kusina para magkape..
Kagabi pa sya nakapag impake sa tulong ng kanyang ina..
Nagbrew si Aldrin ng kapeng barako at naupo..Tinapik tapik ng daliri nya ang mesa..
Di nya maiwasan ang mangiti at manabik sa ideyang magkakasama sila ni Hannah sa loob ng halos tatlong araw..
Ilang saglit pa..Kumulo na ang kape..
Imbes na magsalin ay lumabas sya ng bahay at tinungo ang katabing bahay..
Kinatok nya ang pinto ng ilang beses..
Pupungas pungas na lumabas ang Tita Chynna nya..
Nangiti ito ng makilala sya..
"Oh iho.. Ay oo nga pala may lakad kayo.. Gising na sya.. Naliligo ata.." nakangiting sabi ni Chynna..
"Thanks Tita.." paalam ni Aldrin..
Kumaway lang si Chynna at nakangiting pumasok sa bahay.
Tinawid ni Aldrin ang kabilang bahay .. Pumasok sa gate at kinatok ang pinto..
Lumabas ang Tita Annette nya na naka robe pa..
"Oy iho.. Ay wait.. Dariuss.. Anak nandito na si Aldrin.." tawag ni Annette sa anak..
"Thanks Tita.. " sabi ni Aldrin..
"Your welcome iho.. Oy ingat kayo ah.?.." nakangiting bilin ni Annette.
"Sure Tita.." sabi ng binata..
Lumabas ang kaibigan nya na naka boxer pa..
"Ano tol?.. Tuloy ba?.." tanong ni Darius..
Natawa si Aldrin at Annette...
"Lokong to.. Gigisingin ba naman kita kung di tuloy?.." nakangising sabi ni Aldrin..
Napakamot ng ulo si Darius at nag thumbs up..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Hearts
RomanceKwadro Alas. Binubuo ng apat na binata. Lahat galing sa makapangyarihan at mayamang angkan. Ngunit hindi nila ito pinagmamayabang. .. Pagkakaibigang higit pa sa kapatiran. Sagrado ang salitang respeto. Walang iwanan. Walang talu talo. - - Isa si Ald...