Chapter 24 - Tadhana

35.7K 316 6
                                    

Chapter 24 -      Tadhana

Sa Terminal ng Bus..

          "Salamat po kuya Jack.." sabi ni Aldrin..

Ngumiti ang matandang driver sa kanila..

          "Mag iingat kayo mga bata.. Mag aral ng mabuti.. Lagi nyong tatandaan.. Ang kabataan ang pag asa ng bayan.." pangaral ng driver..

Nagbungisngisan ang mga babae...

Napangisi si Romeo..

          "Eh di kung ganun po Kuya Jack.. Habang maaga pa.. Mas maganda kung simulan na namin ang pag gawa ng maraming bata.. Para mas marami ang maging pag asa ng bayan.. Tama po ba?.." nakangising sagot ni Romeo.

Napasimangot si Tandang Jack..

Nagtawanan naman ang mga barkada nya..

          "Lekat na.. Hala at humayo na nga kayo.." sita ni Tandang Jack..

Ayaw paawat ni Romeo.

          "Hahayo na po kame at magpapakarami.. Salamat po sa payo.. Tatandaan namin lagi yan.." sabi ni Romeo..

Biglang may pumingot sa kanya..

          "Pilosophy.. " nakasimangot na saway ni Chichi..

Biglang inakbayan ni Romeo ang bata..

Nanigas si Chichi..

Nag react si Eric..

          "Hoy.." saway nya..

Pero binigyan lang sya ng dirty finger ni Romeo..

          “Tara na baby..” masuyong sabi ni Romeo..

Nataranta si Chichi..

Pumiglas sya at kumapit sa Ate Krissia nya..

          “Kita mo tinakot mo yung bata..” sabi ni Krissia..

Napangisi si Romeo..

          “Ganyan talaga kapag inakbayan ka ng crush mo.. I understand you kid..Someday.. Who knows.. “ makahulugang sabi ni Romeo sabay baling kay Eric na nakasimangot..

          “Gago ka..  “ bulong ni Eric..

Kwadro Alas - Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon