Chapter 4 - Bad Cheetah

43.4K 471 10
                                    

Chapter 4 -          Bad Cheetah

Lunes ng umaga..

Himbing na natutulog ang isang babae sa kanyang malaking kama..Makikitang punong puno ng mamahaling manika at stuff toys ang buong kwarto..

Biglang nag ingay ang alarm clock sa tabi ng kama nya..Agad nya itong pinalo ng malakas dahilan para masaktan din sya..

          "Shet.. Bad day again.." bulong ng dalaga..

Nag inat sya ng mga braso at humikab muli..Madilim ang paligid ng kwarto nya pagkat nakasara ang mga bintana..

Agad syang tumayo at isa isang binaba ang blinds ng bintana nya... Napapikit ang dalaga ng pumasok ang nakasisilaw na liwanag sa kwarto nya..

          "Morning .. " bulong ng dalaga at nag stretch..

Naglakad sya paharap ng salamin at nag pose ng parang model ng toothpaste..

          "Shet ganda ko.." sabi nya sabay tawa ng parang demonyo..

Agad syang pumasok sa banyo at nagsimula ng kanyang ritwal bago maligo..

After 1 hour ay tapos ng maligo ang dalaga.. Nakahubad syang lumabas ng banyo at tumutulo pa ang tubig sa katawan .. Binuksan nya ang isang pinto at sinindi ang ilaw .. Tumambad sa kanya ang malaking walk-in closet..

Hile hilerang damit na ang iba ay nakabalot pa. Mamahaling sapatos at

bags..Nakahilera din ang mga box na lalagyan nya ng mga kikay stuff pero di nya ito pinansin ..

Lahat padala ng Nanay nya galing ibang bansa..

Ng maalala ang Ina ay agad syang nakaramdam ng lungkot na napalitan ng simangot..

Kinalkal nya ang mga damit at naghanap ng pinakaluma..

Nakakita sya ng Jeans na butas sa tuhod at napangiti sya.. Kumuha sya ng T-shirt na itim na nakabalot pa na may tatak ng sikat na brand.. Inalis nya ang plastic at pinagmasdan ang damit..Napasimangot ang dalaga sa nakita nya..

          "Masyado kang maganda.. Eto ang dapat sayo.." nakangising sabi ng dalaga sabay labas ng closet at kinuha ang gunting sa drawer nya..

Ginupit gupit nya ang laylayan ng damit pati na ang manggas nito..Ng makontento sa kinalabasan ay agad na syang nag bihis ..

Pinagmasdan nya ang sariling repleksyon sa salamin.. Walang makapagsasabi na saksakan sila ng yaman sa itsura nya..

Daig nya pa ang rockers na laos.. PEro masaya sya.. NAgsuklay lang ang dalaga ay lumabas na ng kwarto..

Di sya naglalagay ng make up.. Di na nag abalang ayusin ang mga kinalat..

Dumiretso ang dalaga sa kusina at naghalungkat sa mga kaldero..

          "Yaya.. Anung meron.? " tanong nya at isa isang pinagbubuksan ang mga nakatakip..

Kwadro Alas - Ace of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon