Chapter 9 - Tamis.
Hapon na ng muling magising si Aldrin..
Bagamat ramdam nya pa ang sakit ng mga pasa at sugat nya, di nya parin mapigilan ang mapangiti..
Dahan dahan syang nag inat ng mga braso at iinot inot na tumayo..
Wala syang pake kung maging kahiya hiya na sya o di kaya ay masabihan ng masyadong excited.. Pero talagang excited sya..
NAis nya ding matiyak kung nanduon pa sa kabilang kwarto ang dahilan ng kanyang pagngiti..
Dahan dahan syang lumapit sa kanyang kwarto at dinikit ang nuo sa pinto..
Ngayon naman bigla syang inatake ng hiya.. Di nya maintindihan kung kakatok ba sya o hinde..
"Anu bang sasabihin ko?.. " bulong nya sa sarili..
Napangiwi ang binata..
"Hi.. Kamusta ang pakiramdam mo?.." kinakausap ni Aldrin ang sarili nya..
"Panget.." pati sarili nya nilait nya..
"Hi.. Kamusta ang pagtulog mo?.." muli nyang pagkausap sa sarili..
"Panget pa rin.." muli rin nyang nilait ang sarili..
"Hello.. I miss you..." bigla syang natawa ng marahan...
Too straightforward..
"I miss you too.." biglang sabi ng boses ng babae sa likod nya..
Nanigas ang binata at biglang nauntog sa pinto...Tawa ng tawa si Alona sa itsura ng anak..
Hiyang hiya naman si Aldrin pero napapangiti na rin sya... Pulang pula na ang kanyang mga pisngi..
"Mom naman eh.." angal ng binata..
"Hay nako ang anak ko..enlab" nangingiting sabi ng nanay...
Lumapit si Alona sa anak at hinawakan sa braso.. Inakay nya ito pababa.. Nag atubili si Aldrin pero sumama na rin sa ina..
"Ayun o.." turo ng ina sa garden...
Nandun ay may nakaupong dalaga .. Nakatalikod ito at nakaharap sa mga bulaklak at nagsusuklay ng buhok...
Tinulak ng ina ang binata pero tila naging bato na ito at di na makagalaw..
"Oh.. Sabihin mo na yung mga pinapraktis mo sa harap ng pinto.. Parang kang eng-eng don eh.. AYun sya oh.. Go !.." sabi ng ina..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Hearts
RomanceKwadro Alas. Binubuo ng apat na binata. Lahat galing sa makapangyarihan at mayamang angkan. Ngunit hindi nila ito pinagmamayabang. .. Pagkakaibigang higit pa sa kapatiran. Sagrado ang salitang respeto. Walang iwanan. Walang talu talo. - - Isa si Ald...