Chapter 2 - Lelay
Tahimik na naglalaro ng manika ang isang batang babae.. Nakaupo sya sa bangko sa harap ng maliit na bahay nila.. Tumatawa syang mag isa.. Kausap nya ang manikang bigay ng matalik nyang kaibigan..
Nakangiti syang pinagmamasdan ng kanyang ina sa di kalayuan.. Bagama't nakangiti ang mukha ng babae, bakas sa kanyang mukha ang pagod.. Katatapos lang nyang maglaba, kasalukuyan naman syang namamlantsa..Pero kahit anong pagod ang kanyang maranasan,batid nyang di susuko ang kanyang isipan sa pagtaguyod sa nagiisang anak... Alaala ng kanyang sawing pag ibig.. Muli nyang pinagmasdan ang anak na tumawa.. Lumingon sa kanya ang bata at ngumiti ng matamis.. Parang nakaramdam ng malamig na hangin sa mainit na pakiramdam ang ngiti ng anak..Sulit ang kanyang desisyon na buhayin ang bata..Namuo ang kanyang luha sa pag alala sa kanyang mga pinag daanan..Mabilis nya itong pinahid at muling nagpatuloy sa ginagawa..
Isang polo shirt na lang at tapos na sya.. Kailangan nya pang magluto ng hapunan .. Pero anuman ang gawing nakaamba, batid nyang kakayanin nya ito..
Isang umaga..
"Nay.. !.. " sabi ng batang babae sa kanyang ina..
"Oh anak.. bakit ka malungkot.?.. " tanong ng kanyang ina..
Tumabi sa kanya ang anak.. Kasalukuyang nagtatahi ng mga lumang damit ang kanyang ina..
"Eh nay.. kanina kasi nadapa po ako.. Tinawanan ako nila Dodong.." nakangiting sabi ni Lelay..
Nag alala si Elena.. Agad nyang hininto ang ginagawa at binusisi kung may sugat ang anak..Nakita nyang may band aid ang kanang tuhod nito.. Nagtaka sya kaya tinanong nya ang anak..
"Eh bakit parang masaya ka pa?.." tanong ni Elena sa anak..
"Eh kasi po.. May tumulong sa akin kanina eh.." kwento ni Lelay..
Tumawa naman si Elena.. Mukhang may bagong kaibigan ang anak nya.
"Ha.? .. Sino naman?.." tanong ni Elena sabay tinuloy ang ginagawa..
"Si Potpot.." nakangiting sabi nito..
Nagsalubong ang kilay ni Elena.. Di nya matandaang may ganung bata sa lugar nila..
"Sinong Potpot?.." tanong ng kanyang ina..
"Kanina ko lang po din sya nakilala Nay.. Dun sya nakatira sa malaking bahay..Pinakain nya po ako tapos nilagyan nya ng band aid yung sugat ko..Tapos po Nay sana nakita nyo kung panu nya awayin si Dodong.. " masiglang kwento nito..
Natawa ang nanay nya pero bigla rin itong may naalala..
BINABASA MO ANG
Kwadro Alas - Ace of Hearts
RomanceKwadro Alas. Binubuo ng apat na binata. Lahat galing sa makapangyarihan at mayamang angkan. Ngunit hindi nila ito pinagmamayabang. .. Pagkakaibigang higit pa sa kapatiran. Sagrado ang salitang respeto. Walang iwanan. Walang talu talo. - - Isa si Ald...