Teaser
Diane Allegre,isang 27 taong dalagang-ina..
Mag-isa nyang pilit binuhay ang anak na si
Xian na 4 na taong gulang na ngayon, sa kabila ng mga matinding pagsubok sa buhay nya simula ng iwan sya ng ama nito na si Jerome Montiverde...
Isang 29 taong gulang na ngayon na anak ng
mayamang angkan sa kanilang lugar kaya
wala syang nagawa ng dalhin ito ng mga
magulang sa ibang bansa noon,5 na taon na
ang nakalipas ..
Masakit man para sa kanya ang tinalikuran
sya nito'y di iyon naging dahilan para
maduwag s'yang panindigan ang dinadala
nya sa kanyang sinampupunan noon...
Ngayong napatawad na sya ng kanyang mga
magulang at tanggap narin ng mga ito ang
kanyang anak ay bigla namang sumulpot si
Jerome sa tahimik na nilang buhay na mag-
ina..
Pilit nitong isinisiksik ang sarili kahit na
pinagtatabuyan nya ito.. Handa raw ang
lalaking talikuran ang lahat ng meron ito
makasama lang sya at ang anak nya sa "ibang
lalaki"...
Kaya nya bang aminin sa lalaki na ang
inaakala nitong anak nya sa iba ay anak nito
mismo??
Handa ba syang sumugal ulit at ipaglaban ang
kanyang nararamdaman para sa lalaki
ngayong batid nyang ito parin ang laman ng
kanyang puso??
Pero paano nga ba sya lalaban kung ang
kapakanan mismo ng kanyang anak ang
nakataya??...
Mas pipiliin nya bang dugtungan ang naudlot
na kabanata ng kanilang kahapon o mas
pipiliin nya nalang ang tahimik na buhay nya
ngayon kasama ang anak??...
Abangan...
BINABASA MO ANG
MULING IBALIK ANG KAHAPON
RomanceIkaw at ikaw lang minahal ko noon... Mahal na mahal parin kita hanggang ngayon... At patuloy kitang mamahalin magpakailan paman...